Friday, December 16, 2005

Umagang post

Hay. Susmeng stephanie. Nagising ako ng 5 am dahil sa text niya.
Gumising na daw ako at magsimbang gabi daw kme. Susme.
Alas-5 na nun kaya malamang wala na akong abutan na misa pagpunta ko sa simbahan.

Bukas na lang. Ako naman ang mang-aariba sa kanya kung hindi ako bangag.
Xmas party ng block mamya so malamang-lamang, may pahabol pa yan sa apartment ni jeff.
O may mag-aaya na namang pumunta sa baywalk. Isa lang ang ibig sabihin nun.
Umaga na akong uuwi. Haha. Or pwede namang hindi. Depende na lang kung sasama ako.

Hay. Ayun. Maya-maya sasamahan ko si mami dun sa may factory na malapit sa amin.
Up to 67% percent off ang Pepsi products eh. Bibili daw kami ng santambak na Tropicana.
Puwede kayang malasing sa Tropicana? Haha. Nung bata nga ako, feeling ko nun nalalasing ako sa tubig eh.


Haha. Weirdo. Tas mamya bibili kami ng sapatos. Pa-christmas na daw sa kin ng mami ko yun.
Eh 350 pesos lang yun tas yun na yun? Puwede ko pa ngang i-haggle yun hanggang 300 pesos eh.
Oh well, it's the thought that counts.. Maganda naman yung shoes eh. Magagamit ko para sa xmas party.
Hehehe. :) Ayun.

Tapos na ang unos sa buhay ko. Naisip ko na wala ng sense para balikan yun dahil tapos na eh.
Wala na akong magagawa para ibalik ang nakaraan at gawing ok lahat.

Onga pala. Nanood ako ng oblation run kahapon. Ay susme. 7 ata sila or 9. Ewan.
Basta ang alam ko, promotor yang mga taga-department of bio!! Lalo na si Ate Malouuu!
Naku ah! Pero ako, todo-sigaw! Sobraaaa! Naked men!!! Ayyyyyyyy! Perv. Haha.

Last oblation run na mapapanood ko sa UP. Aww.. hehe. :)
Ayun. Tas bibili pa ako ng regalo kay Jeff. Naku ah. 2 paulo coehlo din ang madudugas niya sa akin!
Yun muna!!!

Babuuuuuuuuu.
Kukulitin ko pa si stephanie. tetext ko ng itetext hanggang magising siya. yeeeha!!!


No comments: