Thursday, December 15, 2005

hay

for some reason, i ain't sleepy.
maybe because I'm still thinking about what leeann told me sa lib kanina.
We talked about relationships and stuff.
And she asked me how I managed to stay with (toot) kahit pa andami kong dinanas na sakit.

Sa totoo lang..
I wasn't even sure how I did it.
Kung paano ko pinaniwala yung sarili ko araw-araw na ok lang ako.
Kung paano ko tiniis lahat nung emotional torment.
Na dinaan ko lang lahat sa iyak.

Kapag naiisip ko lahat yun..
Naiiyak ako.
Dahil lahat sa kanya tinanggap ko.
Kahit halos araw-araw tulala ako.
Kahit halos everytime na umuuwi ako, umiiyak ako.

Pero ininda ko lahat yun eh.
Lahat tiniis ko.
Lahat tinago ko.
Lahat kinaya ko.

Bakit?

Dahil pag mahal mo yung isang tao, nakakalimutan mo na yung sarili mo.
selfless pero selfish.

Hay.
Buti tapos na.
Nakakatulog na ako ngayon ng mahimbing.
Nakakauwi ako ng nakangiti.
Wala na akong iniisip.

Hay.
Naiiyak na ako. :(
Ang sakit ng paulit-ulit kang niloko at pinapaniwala.

No comments: