Pagkatapos ng party, naisip namin na mag-organize ulit ng isa pa!
Overnight ito. Sa bahay nina april. Tenative pa ang date. Pero in fairness...
Marami ang may type! Haha. Sakit ng ulo ko........
Ilang linggo ding hindi todo puyat. Ugh.
Hikab ako ng hikabbbbbb.
Tas I have so many things pa na gagawin.
Hay. But I'm so happy.
That's what's much more important...
I love you blockmates!
Grabe..
I'm gonna miss you all.
After graduation, we're gonna take different career paths.
Some will continue med school.. Yung iba, graduate studies...
Tas yung iba bum (parang ako, joke) and some will be looking for jobs na.
I hope we don't lose contact with each other.
I just hope we all still remain friends, especially to those people na nagtiwala ako.
Thanks jeff for everything. You changed my life. Bigtime. Tandaan mo na hindi
kita ipagpapalit sa kahit sinong herodes. Ur still my number Vaklahhhh! Friends for life!
April... Even if we had this "thing" (no, we're not lesbos) before, andito pa din
ako. No gaps, no nothing. I'm just busy these days kaya medyo hindi ako nakakasama.
Thanks for everything. I appreciate those times na cinocomfort mo ko tuwing umiiyak
ako sa car mo.Tas ung mga pasama sa mga lugar lugar. I had fun those times. And I still do
kahit txt txt na lang tayo ngayon.. :) Nawa'y magtagal kayo ni Kristofer (tama ba spelling???)
Thanks dude. friends for life!
LeeAnn. Missing in action ka sa xmas party ah. Sama ka na lang sa next party natin.
Hay. Ang kikay kong friend. Ang super kasama ko tuwing uwian. Sobrang salamat for
trusting me with those stories you told me. You're like a sister I never had. We love talking about
kikay stuffs, relationships (ahem ahem), emotions kse. And super dooper thanks for being so open. :)
Maybe we'll see each other sa med school! Til then! Friends for life!
Rach. Grabe. Antagal na kitang hindi nakakasama! Kakamiss na! Even if last sem lang tayo super
nag-bond, I really appreciated 'yung company mo. You see life in a different light. I admire you
for that. You manage to party and still be a good student. Also, bad things happen to bad
people, kaya tingnan mo si JC ngayon. Bombo ang Apple niya ngayon. Hay. Friends for life!
Balbon. Potah. Balbon balbon. Mighty balbon. Hindi magiging block three ang block three kung hindi
dahil sa yo. I was really touched by your speech last xmas party. Yung sinabi mo na ur willing na
ipagtanggol ang lahat sa block. Naiyak talaga ko dahil sobra yung pagpapahalaga mo sa mga tao
sa block. Grabe. Sana makahanap ako ng isa pang balbon sa med school. Isang palatawa, makulit,
at sensitibong tao na marunong magpahalaga. Salamat! Mabuhay ka kaibigan! :)
Ranielle. Punyeta ranielle. Antagal ko ng alang naririnig sa yo, kaya kahapon sa xmas party.
Tangna... riot ka naman! Hay. Susme, pag nasa Alabang ka magtext ka sa akin. Pupuntahan kita.
Haha. Sobrang salamat dahil ikaw yung naging malaking impluwensya sa akin na maging simple
lang. Sa yo ko natutunan na hindi naman kailangang maging super magastos para lang maging
masaya. Salamat. Hay. Saan nga yung pinagtutoran mo?? Sa Pacific Village? Hahanapin kita doon!
Haha! :) Friends for life! (Namiss ko ng kumain kina Aling Hepa...!)
Hay. Ilan lang yan sa mga gusto ko talagang batiin. Naiiyak na kasi ako eh. Hindi ko kasi alam kung
makakahanap ako ng tao na tulad niyo sa buhay ko. Tunay kayong lahat. Yun yung gusto ko sa block
natin. Balahura sa balahura pero masaya lagi. Open sa isa't isa. Grabe. :c
Andami kong natutunan sa inyo. Kung ibabalik niyo ako sa 1st year, kayo pa rin ang pipiliin ko na
maging ka-block ko. Special tayo dahil of all people sa buong Pilipinas, tayo ang naging magkakasama.
Tayo yung mga nagkakilala.
We're more than just a block sa college.
Isa tayong pamilya.
We share a special bond.
Kaya kahit hindi na tayo magkakasama-sama. Tandaan niyo to...
"Ang isang block three, forever ng block three."
Love you guys!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment