Monday, December 19, 2005

Tribute to my bestfriend...

I have a weird sleeping pattern every vacation. I sleep early in the evening then I wake up at exactly 11:50 pm then go back to sleep at 1 am then wake up again at 3 am. Ugh. This bad bad sleeping habit should stop cuz it's givin' me a headache. Last sembreak, sobrang araw-araw wasted, mukha akong adik. Wala pang coffee yan ah. Pag may coffee, wala talagang tulog. Bullshit. I wanna get some sleep na. The problem is, ayokong i-give up yung coffee. And hell, I don't like decaf, di ko malasahan yung essence ng coffee. Tas sabi ko nga kanina.. Wala pa nga akong coffee may weird sleeping patterns na ako. Haha. hay. Papakaadik na lang ako....

Nagkita na kami ulet ni bes!! yay! Namiss ko na yung kulitan namin. Kaya tribute ko sa kanya tong rest of my post! Hehe..

Stephanie Del Rosario. My ever bestfriend since elementary. Naalala pa niya yung first time namin na naging magkaklase sa preschool... Hinoard ko daw yung invitation sa party niya kasi care bears yung design! Grabe. Pero naging close kami since grade 5, ever since nung funeral ng mom niya. I went there ng nakapambahay lang ata tas naputol pa yung slippers ko dahil we played sa may playground sa likod ng church. Ayun. Weird ba? Patay yung mom niya tas naglalaro kami? Haha. That's us. Weird gals.

Ayun. Tas sobrang na-build yung friendship namin nung high school. We saw each other mature, both physically and emotionally. Halos pareho kami sa lahat. We both had our 1st "serious" boyfriend nung 2nd year high school. Yung sa kanya nagtagal for 2 years tas yung sa akin, only lasted for a couple of months. Haha... We both had long hair, pero nauna siya magpahaba sa akin tas nagpagupit siya... Tas sa akin naman yung humaba (lagpas bra!!). Weird! Ayun. Lagi kaming andun para sa isa't isa. Literal na tinawid namin ang bagyo na kaming dalawa lang. Kuwento ko lang.. Nakakatawa talaga pag naalala ko yun ehhh!!

Sikat na sikat pa noon yung mini donuts sa may RFC dahil bago pa lang. Every dismissal, pupunta kami dun para i-try yung mga flavors, kesehodang hindi kami kumain ng tanghalian at maglakad na kami pauwi, kelangang may mini donuts. So at this particular afternoon, napansin na naming madilim sa labas, pero dahil hayok kami sa mini donuts minadali na lang namin yung pagbili para hindi kami abutin ng ulan. Wala ng natira sa allowance naming dalawa kasi kaya naglakad na lang kami pauwi... Tutal malapit lang naman ang bahay ni Tep kaya kahit umulan man puwedeng tambay muna ako dun para magpatila. Aba nung nakaka-cover na kami ng 1/2 ng distance ng nalalakad ayun na... Biglang kumulog, kumidlat at jaraaannn! Umulan! Kami naman parang ewan, biglang takbo. As in takboooo!! Wala kasi kaming payong na dala kaya todo takbo kami papunta sa kanila. Naalala ko nasira pa nga yung project ko sa Religion (CLVE) dahil nilipad ng hangin! Tas naiiyak na ako nun dahil basang-basa na talaga kami. Nung malapit na kami sa kanila, ako na yung nauuna sa paglalakad. Inis na inis na ako nun dahil nagsisisi ako kung bakit ba bumili pa kami nung punyemas na mini donuts na yun. Ayun. Pero narinig ko si Tep... Sabi: "Abii...." Pag lingon ko sa kanya, tangna, halos mamatay ako ng kakatawa. Nadulas pala siya dun sa may parang ramp dun sa bilihan ng tubig nina Mae (yung kapitbahay nila na ka-age namin ni Tep). Ang sama ko no?? Pero kung ikaw talaga yung nakakita sa nangyari sa kanya mauutas ka din sa pagtawa. Hahaha...

Ayun. Hindi pa lang yun yung baha na sinabak namin. May isa pang incident na kinailangan naming pulutin yung mga gamit niya sa baha dahil ang magaling na stephanie, iniwang bukas ang zipper ng backpack. Hay. Grabe. Nakakatawa talaga.. :)

Sobrang dami na naming pinagdaanan. Sama ng loob.. tawa.. Lahat yun. Kaya nga sa napipinto niyang pagpapakasal (3 yrs or 2 yrs from now) ako yung maid of honor niya. Magkaiba na yung tinahak
naming landas paglatpos ng high school. Siya sa Mapua ako sa UP. Siya may steady boyfriend na super mahal na mahal na mahal na mahal siya. Ayun.

Nakakalungkot nga dahil nakakamiss yung mga ginagawa namin before. Yung pupunta siya either dito or ako yung tatambay sa kanila. Grabe. Ngayon kasi minsan na lang kami magkausap, minsan na lang magkita kahit pa ilang kanto lang yung bahay niya sa amin. Hay.

Kaya mamaya sobrang lulubusin ko yung bonding time namin. Haha. Pupunta kasi siya dito.. Manonood kami ng GRUDGE... Hehe.. We share the same love for being scaredy-cats. Manonood ng horror para lang matakot. Haha.

To my bestfriend ever: "Ganda! Punta ka dito mamyang 1 pm. 1 pm ah hindi 1 am, hindi 5 pm, 1 pm. Miss yah!"

Wala akong pic na ma-post na magkasama kaming dalawa. Ala naman kasi akong scanner eh. Haha. Post ko sana yung pic namin nung prom. Hahaha. Beautiful girls... Partners in crime.. Sisters for life! :)

No comments: