Wednesday, January 11, 2006

Minsan sa buhay ng tao...

Nais kong ibahagi sa inyo ang piling mga letratong kinuha ko mula sa aking telepono. Pagpasensyahan niyo po sana dahil mababa lamang ang resolution ng aking camera kaya hindi ito kasing-ganda ng mga letrato na inyong nakikita kadalasan sa pahina (web page) ng ibang tao.

Ang pamagat ng koleksyon ng mga letratong ito ay: Minsan sa buhay ng tao...



Image hosted by Photobucket.com
"Paa"

Ang paa ay instrumento upang marating ang dapat paroonan.
Gamit na gamit ito sa mga taong hindi mapirmi sa isang lugar.
Iba't iba ang kulay, kapal ng kalyo at haba ng kuko.



Image hosted by Photobucket.com
"Paghihintay"

Maaga pa lamang ay nakapila na ang mga taong ito.
Buhat pa sa malalayong lugar at iba't ibang estado sa buhay.
Narito sila para sa iisang dahilan.. Ang makamura sa check-up
Susuungin ang ano mang pila at pagod...
Ganyan ang pagtitiyaga ng mga taong ito.
Nakakalungkot mang isipin..
Pati pala buhay mo kelangan mo pang ipila..



Image hosted by Photobucket.com
"Laro"

Ang mga paslit na ito'y wala pang kamuwang-muwang..
Wala pang alam sa mundong kanilang ginagalawan.
Walang isipin, walang bayarin at walang problema...
Ang tanging bagay lamang na mahalaga ay kanilang paglalaro.



Image hosted by Photobucket.com
"Deboto"

Tuwing Miyerkoles, lahat ng mga tao ay dumadagsa sa Baclaran.
Mga panata, deboto.. Ilan sa tawag sa mga taong ito.
Bumibisita sila sa bahay ng Panginoon para sa isang dahilan...
Ito ay ang tumugon sa tawag ng Diyos sa kanila.



Image hosted by Photobucket.com
"Tulala"

Ilan lamang ang mga taong ito sa mga "deboto."
Marahil ay humihingi sila ng awa o nagpapasalamat sa Poon.
Relihiyoso ~ Matinding paninindigan sa awa ng Diyos na Maykapal.



Image hosted by Photobucket.com
"Kandila"

Ang kandila ay simbolo ng pag-asa.
Ang mga taong itong nagtitirik ng kandila ay umaasa.
Umaasa sa biyaya ng Diyos.
"Pag-asa for only one peso donation."



Image hosted by Photobucket.com
"Alitaptap"

Aandap-andap ang mga kandilang nakabalot sa tela.
Wari'y mga alitap-tap na lumilipad sa hangin.
Mahina ang ilaw, subali't pagsama-samahin mo'y malakas.
Parang sa tao,
Ang pagkakaisa'y nakakapagpalakas ng isang samahan.




Photo credits:

Ang lahat ng mga letratong inyong nakita dito ay kuha ni: Thorabeech
Edited sa Adobe Photoshop 7.0
Hosted ng Photobucket
Copyrighted 2006


Salamat sa pagbisita!

No comments: