Hay. Kahit ano pang gawin at isipin ko... Wala na akong magagawa dahil simula ngayon may pasok na kami. Hay. Feeling ko, ito na ata ang pinakamaiksi kong christmas break sa buong buhay ko. Pramis! Ngayon ko lang naranasan na pumasok agad after New Year. Nakakatamad nga eh. Dati kasi, sa haba ng bakasyon, bumabalik na yung drive ko at naatat na akong pumasok, kaso ngayon sobrang bitin. Nag-dalawang isip nga ako kaninang umaga na huwag munang pumasok ng isang linggo! Manonood ako ng sine the whole week at walang gagawin hanggang mainip. Hay. Kaso hindi naman puwede yun dahil mapapagalitan ako ng nanay ko. Ayaw na ayaw pa naman niya na umaabsent ako dahil tinatamad ako. Hay... Nakakatamad talaga.
Ayun. Sorry kung tungkol sa katamaran ang post ko. Tinatamad talaga ako ngayong araw eh. Ngayon lang to. Susme.
Narinig niyo na ba ang pamahiin na: "kung ano yung ginawa or inasal mo noong January 1, magiging ganun ka sa buong taon."??? Nakakatawa kasi kahapon ito ang ginawa ko:
1. Natulog
2. Natulog
3. Natulog
4. Kumain
5. Natulog
6. Natulog
Ibig sabihin ba noon, isang taon akong magiging antukin? Hay. Pero kahit tulog ako kahapon, sinikap kong maging masaya. Syempre. Malay mo totoo pala yung pamahiin na yun. Ayoko namang maging miserable sa buong taon di ba!? :)
Maiba ako ulit. Noong Sabado, napanood ko yung re-run ng Scrubs. Napaisip lang ako dun sa narration nung bidang lalaki dun tungkol sa mga sakripisyo ng mga med student para maging duktor. Hay. Yung babae kasi dun (si Elliot) iniwan yung boyfriend niya dahil kelangan niyang maging focused sa pag-aaral niya. Hay. Napaisip ako tuloy.. Kaya ko kayang i-give up yung ganitong lifestyle para maabot ko ang pangarap ko na maging doktor. Hay. Pero nakuha ko na yung calling ko eh. Kasi napanaginipan ko noon na hindi raw ako Bio tas hindi rin ako puwedeng mag-med. Ewan ko, pero paggising ko, ang sama sama ng pakiramdam ko. Yung parang ang sama ng loob mo, yung feeling na may problema kahit wala, iyon... Yun yung naramdaman ko. Naisip ko na, sa med lang ako magiging masaya talaga. Yun yung paraan ko para makatulong.. at syempre, (pansariling dahilan) para yumaman.
Hay. Ewan ko ba. Ayoko ng palang maging Forensics expert. I don't have enough guts to deal with corpses everyday eh. Gusto ko ng magigng parang si Dr. House o maging part ng NIH. Haha. Sorry kung naiimpluwensyahan ako ng mga palabas sa TV.. pero ito lang ang sigurado ako ngayon. GUSTO KONG MAGING DOKTOR! Ang sarap kaya ng feeling pag tinawag na akong: Dok Abi. Lintek. Nag-ambisyon na naman ako. Dok Abi. Dok Abi. Dok Abi.... Sarap pakinggan. Hehe. Dra. Abigail Ruidera M.D.
Ang Taray!

No comments:
Post a Comment