Sa bus kanina may nakasabay akong guy, nakaputi, kalbo, moreno, malinis. Cute? Oo. Pero di ko tinabihan, kasi shy ako (hehe joke, ayoko nga 'yung tabihan! tangna! andami namang bakanteng upuan bakit naman ako sisiksik sa tabi niya? halllerrrr!? hindi ako ganoong ka-desperate!) Ayun. Crushable ang loko... kaso kamot ng kamot sa ulo! Tangna! Baka may kuto o kaya ginagalis yung ulo niya! Bwahaaaaaaaaahaaahaaaa!!! Kung hindi nagkakamot ng ulo nagtatanggal ng mantika sa mukha... Di ko alam kung vain siya o talagang bored lang. Tangna. Hehe... Sa aming dalawa... Ako ang bored at hindi siya.
====================
May dilemma ako kanina bago ako umupo sa bus kanina. Maraming bakanteng upuan kaso ayoko mag-isa sa upuan dahil papausugin ako. Ayoko sa dulo pag umuuwi kasi sisiksik sa mga katabi ko pag bababa na. Eh yung mga puwede eh yung sa likod na parang sinusunog ang pwet ko pag dumating ako sa coastal (ayokong maging crispy ang pwet ko pag-uwi), tas yung sa tabi ni kamot-ulo (ayoko din dun kasi kahit papable siya masikip sa tabi niya dahil dalawa na sila dun sa tatluhan na upuan. baka mamya mahawahan pa ako ng pagkakamot niya) at yung isa naman eh may mag-jowang juding! punyeta. ayokong maging ka-threesome sa kanila. Buti na lang may dalawahan pang seat na available kaya doon ako umupo (ang init ng sahig ng bus kaya kung papaano ko tinataas yung paa ko!)
=====================
Pasukan na naman pala bukas. Ilang beses ko na lang ba ito sasabihin pagkatapos ngayon? Marami pa... Dahil balak ko talagang magtuloy sa med. Magkamatayan na basta magiging duktor ako. Kakaririn ko ang katangi-tangi kong subject ngayon na Histology. Potah. Basta kaya ko to. Oo nga pala, muntik ko ng maisipan kanina sa National Bukstore (kasama si jep, si april at si chel... si jep kasi namimili ng iskul suplays) na ipa-cancel na lang ang Histology at palitan ng Field Bio (Salamat April sa walang sawang pangungulit sa akiiinnnn!! Muntik na talaga akong bumigay). Nagdalawang-isip ako kasi naka-plano na ang buhay ko, pero may sumisigaw sa utak ko na: "Ungas! Mahirap ang histology! Balak mo bang magpakamatayyy????!!!!!!"
Sa kasawiang palad nanalo ang pagiging ungas ko at pinagpatuloy ko ang pagkuha ng histo. At saka... Sa sobrang kahirapan na ata ng U.P. eh hindi nakayanan ang pag-aaccommodate ng dalawang elective kaya na-cancel ang Field Bio. Kainis talaga... Nakita ko yung disappointment ng mga ka-batch ko nung nalaman nila yung balita (Kung ako din ang nasa kalagayan nia, pihadong makakapag-mura ako). Gusto naming mag-aral pero takte naman... nailagay kami sa eskwelahang daig pa ang daga (may daga sa skul namin na parang pusa. nakakatakot talaga kasi naglalagi siya sa canteen. nung 1st yir ko pa yun nakikita eh!) sa kahirapan.
=====================
Bukas start na ng class sa histology. Syempre excited ako (ngayon lang ito kaya pagbigyan na ako), na malamang ay mawawala pagkatapos ng sunud-sunod na exam. Hay basta sana mai-enroll ko na ang mga subjects ko para tapos na...
=====================
Pakisabi na hapi grad sa mga ate at kuya natin na 4th year. Hihi... Bukas na iyon sa PICC! Gudlak sa kanila! :) Hayyyyyy.....
Kasalukuyang nakikinig si Abi ng kanta ni Usher. Let it Burnnnnn beybeeeeeehhhhhhh!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment