Thursday, April 14, 2005

Random Bits...

Unang Pasabog: RVC Duty

Sa mga RVC members na nagbabasa ng blog ko, ano'ng kulay ng t-shirt bukas? Hehe. Sory at dito ko pa nai-announce, desperado na ako.Hindi ako nagpunta sa school ng ilang araw kaya di ko alam 'yung schedule. Hehe. Mag-iwan na lamang po ng mensahe sa comments o sa tag-board para sa impormasyon.

Pangalawang Pasabog: JUICY Chismis tungkol sa lovelife

Hindi ko lovelife ang pag-uusapan natin dito. Sa kapatid ko po... Kasi naman, noong nag-college siya wala man lang akong naririnig na tumatawag dito sa bahay na babae o babaeng naipakilala sa mami ko na gelpren niya. Naihaluntulad na nga siya kay Piolo Pascual na natsitsismis na bading. Kung si Piolo raw ay may Yul Servo, ang kapatid ko naman ay may Ryan (ever-bestfriend/hair stylist daw ni kuya). Tas kaninang umaga, habang kumakain kami ng agahan, biniro siya ni tita tungkol na naman sa kanyang non-existent love life.

Kung dati-rati ay tinatawanan lang niya ang isyu o magpapanggap siyang bading (kadiri talaga), aba't ang sabi sa akin ay... "Mamaya 'pag tumawag sa yo si Stephanie (bestfriend ko), siguradong may sasabihin sa iyo 'yun" Punyemas ng inang kalabasa oo! Totally unexpected iyon. Ang akala ko ipagtatapat sa akin ni Steph na "Abi, sori... Nag-break na kami ni Nas (boyps niya) at ang pinalit ko ay ang kuya mo." Punyemas... Naisip ko na agad na magiging hipag (sis-in-law) ko siya. Takte. Siguradong magiging makulit at miserable ang buhay naming lahat pag nangyari iyon. Pero iba ang sinabi niya. Kahindik-hindik... At di kapani-paniwala.

May gelpren na ang kuya ko. Ang kilabot ng mga ka-judingan (May juding/bading na gusto siyang ipick-up noong high school siya) ay may syota na... Hehe... Isang maitim na plano ang biglang sumagi sa isip ko. Mukhang may ipapakilala na nga siya kay Mami. At ako ang dahilan. Mwahahahaha! (Duh... Sasabihin ko lang sa nanay ko na : "Mamiiiiiii! Si kuya may gelpren naaaaaa!"). Aba'y dapat lang naman na magka-syoting na siya. Ang tanda na niya! Hehehe....

Pangatlong Pasabog: AKO na lumpo.

Routine na namin ni lola at ni tita vicky (ang pinakapaborito kong tita) na maglakad sa umaga at mag-badminton. Kakaiba ngayon kasi si lola sobrang sakit ang tuhod... Kaya ilalabas ang magic wheelchair niya (ala lang... gusto ko lang tawaging magic) at doon siya sasakay. Nahihiya nga si lola kasi tuwing gagamitin yung wheelchair, hindi maiiwasang tanungin kung: "Nai-stroke ba siya?" Kaya naisip ko na sabihan si lola nito: "'Nay (Inay ang tawag ko kay lola1 at Nanay naman kay lola2) ipaling (shift) niyo ang mukha niyo sa kaliwa para mukhang nai-stroke, tas wag po kayong magsalita (kunwari autistic). Para po wala ng magtanong kung nai-stroke kayo o hindi." Tumawa si lola. Syempre, nagkaroon siya ng apo na sintu-sinto eh (ako yun).

Magaling na akong gumamit ng wheelchair (nagpapaikot-ikot nga ako sa bahay namin eh) kaso sabik ako na malayo ang matakbo ko gamit yung wheelchair ni lola. Kaya naman pagdating namin dun sa parking lot ng simbahan (sa Good Shepherd) at tumayo na si lola, ako ang umupo sa wheelchair at ako ang nagpatakbo... Wheeeeee! Iyon na ata ang pinakamasayang moment sa buhay ko ngayong araw. Kaso naputol ito noong may isang matanda (mga 60s) at isang medyo bata (40s) ang nagtanong kung ano raw ang nangyari sa akin. Akala ata, lumpo ako o disabled na. Nagtataka raw sila kung bakit natanaw nila na ako yung nagtutulak ng wheelchair tas ngayon naman ako ang nakasakay. Sabi pa ng babaeng medyo bata (40s), nakita raw nya ako sa garahe na nakatanaw ng malayo sa gate namin at nakaupo sa wheelchair. Hehe.. Bored kasi ako eh. Ayun. Nalaman na rin nila na baliw lang ako at hindi lumpo (teka di ba mas maganda na ang maging lumpo kesa maging baliw?) kasi bigla akong tumayo sa wheelchair. Hehehehe....

===================

Iyon muna. May inaasahan pa po akong bisita. Si steph. Dadalawin ako (yak. talagang may sakit na ata ako)...

No comments: