Parang hindi summer at hindi toxic ang subject na kinuha ko at nakukuha ko pang sumama sa parents ko na maggala kung saan 'san. Ewan ko ba... Pero dapat kasi sinusulit ko yung time na andito ang daddy ko. Mabait na ako at hindi ko na siya iniiwasan. At hindi ito dahil sa marami siyang dalang pasalubong sa akin (may bago na akong taleponooooo! mapapagpahinga ko na yung LG fone ko na sa sobrang dami ng gasgas eh baka baka itapon pa sa akin yun ng manghoholdap sa akin), basata siguro nga nagiging mature na ako. Nung ast niyang uwi, nag-effort akong makipag-bonding sa kanya kaya ngayon medyo ok kami.
Ok naman si daddy eh. Hindi lang talaga ako sanay na kasama siya dahil sa labing-siyam kong existence sa mundo eh si mami lang ang lagi kong kasama. Once a year ko lang siya makita at madalas pa doon eh magkagalit kami. Pasaway talaga ako noon. Sobra. Hehe...
====================
Pasaway din pala si daddy. Aba't iniwan kami ng nanay ko sa Market Market kanina dahil dumating ang ka-friendshipan niya na si Kuya Betong (asawa ng stewardess na nakilala ni daddy at mami sa Bahrain. Mukha siyang bading nung kasal nila last year kaya sa loob-loob ko dati: "Malas nung babae, mukhang bading pa ang nakatuluyan niya"). Pero mali ako... Maling-mali. Mucho guapito si betong ngayong nagpahaba ng buhok kasi at may braces pa (pero hindi ko siya pinagnanasahan... kadiri!). Mukha ng Vaness Wu na may braces. Hehe.. At in fairness, ang dala niyang chedeng eh Ford Expedition. Ok na din pala eh, wag na nga lang magpapaiksi ng buhok. :)
====================
Flashback muna. Kaninang tanghali, wala na akong pera pangkain. Literal na naubos dahil sa mga pagbabayad ng utang-utang at manual. Bigla kong naisip na: "Putek! Pupunta nga pala ng Duty Free sina mami at dadi mamaya! Subukan ko ngang sumama..." Suwerte ko naman at naisipan nila kong sunduin sa school. Putek. Ang saya ko. First taaaaayyyymmm koong masundo ng kumpletong magulang sa skul! Excited ako sobra! Hindi nga ako mapakali kaya lagi akong tumitingin sa talepono ko kung nagtext na si mami. Ibinida ko pa nga sa mga kaklasmeyts ko na susunduin ako eh. Tas nung nag-miscol na si mami, suave akong nagpaalam sa mga RVC co-members ko: "Uy, sige po... Aalis na ako... Hehe..." Pagkalabas ko ng skul basta lakad ako ng may sobrang laki ng ngiti ko. Sumimangot lang ako kasi yung tatay ko binusinahan ako! Lintek. Parang abduction. Hindi ko man lang nalasap ang moment (siguro kung sine ito, may slow mo pa at may nangingilid na luha sa mata ko...)
====================
Ayun pagkatapos ng abduction, nagpunta kami sa duty free. Bumili ng mga imported goods. Kaso ang nanay ko, nag-coconvert sa peso ng preso, kaya pag may nakita kaming medyo mahal na gamit, nakakapagmura talaga siya. Hay naku. Konti lang tuloy ang nabili namin. May nakita pa naman akong bag sa United Colours. Putek naman, $90 ang pressssyo! Sayang.. Ang ganda pa naman! Nawalan tuloy ako ng gana mamili... Hayyyy....
====================
O siya yun muna ulit. Mag-aaral pa ako. Hehe......
Abi is currently listening to Maroon 5 - This Love.... She said goodby too many times befooooorreeee!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment