Kahit pa siguro medyo ok na ako, I still feel bad about yesterday. Ang hirap sa loob. Maling timing lahat-lahat dahil sa pagkakataong ito hindi ko lubusang naitago yung kalungkutan ko.
8 pm: Nakauwi ako galing school. Pagod at masakit ang paa dahil sa kakalakad sa SM Manila kasama si Rachel. Kumain saglit at nagpalit ng damit. Kinausap si A. Umiyak. Sinabi ko lahat-lahat ng sama ng loob ko. Nagpalipat-lipat ng pwesto para hindi makita ng nanay ko na umiiyak ang anak niya (Bigo ako dahil nakita niyang mugto ang mata ko). Ang bigat sa loob talaga kaya 'di ko napigilan. Hindi nakaya ng tawa at pagpapanggap. Bumukal ang luha sa mata ko ng hindi inaasahan. Sumabog sa dibdib ko yung mga bagay na matagal kong dinamdam, tinago at kinimkim.
Naputol ang drama salamat sa kapatid ko. Inakalang umiiyak ako dahil sa lalaki. Nawala ang momentum ng pag-iyak. Pinababa ang telepono dahil gagamit daw siya. Sinabihan si A na tatawagan ko siya muli. Nagdabog at nagpatuloy umiyak sa kwarto.
Tinext si S. Sabi ko punta siya dito bukas, ako naman ang iiyak pero di dahil kay J. pero dahil sa ibang bagay.
Nagtext si A. Motivation. Kaya ko raw yung pinagdadaanan ko. Inattempt mag-reply, pero ang natayp ko lang ay ang letrang A dahil..
8.30 pm: Tumigil sa kakangawa dahil pumasok ang nanay ko sa kwarto ko. Di ko sinabi sa kanya kung bakit magang-maga ang mata ko. Bumaba na lang ako at nagbukas ng radyo. DZRH. Nawili ako this past few days na makinig sa Gabi ng Lagim sa AM. Panakot ba sa sarili... Sinabayan ko ng pagsulat kay A. Hindi ko natapos dahil naiisip ko pa din yung nangyari at natangay na ako sa pakikinig sa kwento.
9.00 pm: Natapos ang pinakikinggan ko. Natapos din ang pagkokompyuter ng kapatid ko. Tumawag muli kay A. Wala na ang momentum ng pag-iyak. Ibang bagay na lamang ang pinag-usapan namin. Dala ko pa rin ang bigat sa loob... Sana, magkaroon na ako ng lakas ng loob para matapos na ito. Hayyy.............
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment