Tuesday, April 26, 2005

After.....

Thank God we did not have an exam in Histology. I wasn't prepared to take that long quiz because I haven't studied thorougly the coverage of the exam. God must really be looking down on me today. He doesn't want me to fail so He gave me another chance to study. So after publishing this post I'm ready to hit the books (or hand-outs!) and study very very hard!

I'll be updating you guys tomorrow on the details of the exam... Hehe..

Sunday, April 24, 2005

Sipon

I'm here in my room typing this entry with a roll of tissue on my side. You see I have a bad case of "drippy-nose." I gad sick lath wedday (I got sick last wednesday in drippy nose lingo) cuz I forgot to circulate the fan. My drippy-nose got worse last thursday because of pollution and stress. I can't think straight for the past days because along with the drippy-nose, I have a really annoying head-ache. I can't absent myself from school because I will miss alot of my lessons and our first departmental exam is due exactly 6 days from now. I've been sleeping alot and been drinking many glasses of water to cure this dreaded "disease."

This morning, I'm so desperate to clear my stuffy nose, that I decided to increase the dosage of my medication. Instead of drinking just one teaspoon, I sort-of "upgraded" it to a whole tablespoon (I wasn't thinking straight!). I didn't become delusional or anything, I just felt very tired and sleepy.

I sure wish that I'll be better by tomorrow. I really need to do my schoolwork. ahhhhchoo! Sorry about that...

=====================

Abi - Lethargic and sick. Watching t.v.
Dad - Asks abi if he could teach her how to drive.
Abi - Shrugs. A sign that she doesn't want to.
Dad - Stood up and went to the other room. Goes back with a tennis racket.
Abi - (thinking) WTF?! Are you going to whack me with that thing?
Dad - Sits on the chair and asks abi if they could play tennis.
Abi - Huh? Can you see i'm really (double-emphasis) sick? Can we play some other time? Please?
Dad - Alright. Thinks for a second. Can we play tomorrow?
Abi - Said ok. Just to end the conversation.

Darn it. My dad thinks i'm just avoiding having a "bonding" session with him. But he doesn't realize that i'm REALLY sick. I really want to learn how to drive and to play tennis with him. But what to do? Sh*t.

=====================

I just realized after taking all those pictures in my new fone that I'm vain din pala. Sh*t, after all those times that I've been making fun of my friends who love take pictures of themselves, I realized that I'm one of them! I have so many pictures taken! Some of them are daring (not naked you perv!) and some are with tita and lola. I made an effort of transferring all of them to my laptop (hehe, lucky me, it has an infrared port)... What a very productive day for abi. Waw... :)

=====================

I'm going to watch t.v. muna. Do you guys know the show "Girls in Love" and Unfabulous? I love watching 'em. Bye for now. Hehe. Jep, If you're reading this, please don't do it! Wag kang magpakalbo! You're going to look like Berwin! Hehe....

Marvin. Uy. Nabasa ko yung text mo kay april. Hay.. Sorry po talaga di ako nakasama sa lakad last thursday. Kasama ko po kasi ang tatay at nanay ko. Bawi na lang ako next time. :)

Friday, April 22, 2005

Hay...

Parang hindi summer at hindi toxic ang subject na kinuha ko at nakukuha ko pang sumama sa parents ko na maggala kung saan 'san. Ewan ko ba... Pero dapat kasi sinusulit ko yung time na andito ang daddy ko. Mabait na ako at hindi ko na siya iniiwasan. At hindi ito dahil sa marami siyang dalang pasalubong sa akin (may bago na akong taleponooooo! mapapagpahinga ko na yung LG fone ko na sa sobrang dami ng gasgas eh baka baka itapon pa sa akin yun ng manghoholdap sa akin), basata siguro nga nagiging mature na ako. Nung ast niyang uwi, nag-effort akong makipag-bonding sa kanya kaya ngayon medyo ok kami.

Ok naman si daddy eh. Hindi lang talaga ako sanay na kasama siya dahil sa labing-siyam kong existence sa mundo eh si mami lang ang lagi kong kasama. Once a year ko lang siya makita at madalas pa doon eh magkagalit kami. Pasaway talaga ako noon. Sobra. Hehe...

====================

Pasaway din pala si daddy. Aba't iniwan kami ng nanay ko sa Market Market kanina dahil dumating ang ka-friendshipan niya na si Kuya Betong (asawa ng stewardess na nakilala ni daddy at mami sa Bahrain. Mukha siyang bading nung kasal nila last year kaya sa loob-loob ko dati: "Malas nung babae, mukhang bading pa ang nakatuluyan niya"). Pero mali ako... Maling-mali. Mucho guapito si betong ngayong nagpahaba ng buhok kasi at may braces pa (pero hindi ko siya pinagnanasahan... kadiri!). Mukha ng Vaness Wu na may braces. Hehe.. At in fairness, ang dala niyang chedeng eh Ford Expedition. Ok na din pala eh, wag na nga lang magpapaiksi ng buhok. :)

====================

Flashback muna. Kaninang tanghali, wala na akong pera pangkain. Literal na naubos dahil sa mga pagbabayad ng utang-utang at manual. Bigla kong naisip na: "Putek! Pupunta nga pala ng Duty Free sina mami at dadi mamaya! Subukan ko ngang sumama..." Suwerte ko naman at naisipan nila kong sunduin sa school. Putek. Ang saya ko. First taaaaayyyymmm koong masundo ng kumpletong magulang sa skul! Excited ako sobra! Hindi nga ako mapakali kaya lagi akong tumitingin sa talepono ko kung nagtext na si mami. Ibinida ko pa nga sa mga kaklasmeyts ko na susunduin ako eh. Tas nung nag-miscol na si mami, suave akong nagpaalam sa mga RVC co-members ko: "Uy, sige po... Aalis na ako... Hehe..." Pagkalabas ko ng skul basta lakad ako ng may sobrang laki ng ngiti ko. Sumimangot lang ako kasi yung tatay ko binusinahan ako! Lintek. Parang abduction. Hindi ko man lang nalasap ang moment (siguro kung sine ito, may slow mo pa at may nangingilid na luha sa mata ko...)

====================

Ayun pagkatapos ng abduction, nagpunta kami sa duty free. Bumili ng mga imported goods. Kaso ang nanay ko, nag-coconvert sa peso ng preso, kaya pag may nakita kaming medyo mahal na gamit, nakakapagmura talaga siya. Hay naku. Konti lang tuloy ang nabili namin. May nakita pa naman akong bag sa United Colours. Putek naman, $90 ang pressssyo! Sayang.. Ang ganda pa naman! Nawalan tuloy ako ng gana mamili... Hayyyy....

====================

O siya yun muna ulit. Mag-aaral pa ako. Hehe......
Abi is currently listening to Maroon 5 - This Love.... She said goodby too many times befooooorreeee!

Thursday, April 21, 2005

Heya...

Mamya pa akong 7 am maliligo kaya sinusulit ko yung free net dito sa ISP. Ngayon talaga mag-sstart 'yung class ko kasi 'yung prof ko umattend ng graduation kahapon. Ayon. Ngayon lang ako nakapag-post kasi sobrang pagod ako kahapon! O sige.. Exag naman pag sobrang pagod kaya pagod na lang. Galing kami kahapon sa Recto nina April, Jeff at Rachel para bumili ng textbook ng histology (Leeson, Leeson, Paparo..), suwerte nga namin kasi nakabili kami for a lower price na copy nung book.

Aion tas nagpunta kami sa Quiapo (hindi namin planado yun ah...) to scout for art films. Kaso si Jeff pala wala pang DVD player eh ala kaming nakita na VCD copy kaya we ended up (si Chel lang pala at si Jeff) buying other "stuffs." Wala akong perang dala kaya corny, wala akong nabili. Jeff bought perfume, watch, at incense (mura lang.......!) and Rachel bought syempre... kikay stuffs (not-so-chandelier earrings, flower earrings, mini ziplock bags for her "kikay stuffs"). Oo nga pala nilibre kami ni Jeff ng lip gloss! Thanks po! Hehe.. Tas ako.. Since wala nga akong pera, nilibre din ako ng dinner sa KFC - Quiapo (Libre na yun ah! Gagawan naman kita later ng blog ehhhhh....)

Yun. Dumating pa yung dad ko... Ayun. Pagod na talaga ako. :( Hehe... I'll try to post ulit later maliligo na ako ehhhhh... :) Till then....!

Wednesday, April 20, 2005

Usapang abi...

Sa bus kanina may nakasabay akong guy, nakaputi, kalbo, moreno, malinis. Cute? Oo. Pero di ko tinabihan, kasi shy ako (hehe joke, ayoko nga 'yung tabihan! tangna! andami namang bakanteng upuan bakit naman ako sisiksik sa tabi niya? halllerrrr!? hindi ako ganoong ka-desperate!) Ayun. Crushable ang loko... kaso kamot ng kamot sa ulo! Tangna! Baka may kuto o kaya ginagalis yung ulo niya! Bwahaaaaaaaaahaaahaaaa!!! Kung hindi nagkakamot ng ulo nagtatanggal ng mantika sa mukha... Di ko alam kung vain siya o talagang bored lang. Tangna. Hehe... Sa aming dalawa... Ako ang bored at hindi siya.

====================

May dilemma ako kanina bago ako umupo sa bus kanina. Maraming bakanteng upuan kaso ayoko mag-isa sa upuan dahil papausugin ako. Ayoko sa dulo pag umuuwi kasi sisiksik sa mga katabi ko pag bababa na. Eh yung mga puwede eh yung sa likod na parang sinusunog ang pwet ko pag dumating ako sa coastal (ayokong maging crispy ang pwet ko pag-uwi), tas yung sa tabi ni kamot-ulo (ayoko din dun kasi kahit papable siya masikip sa tabi niya dahil dalawa na sila dun sa tatluhan na upuan. baka mamya mahawahan pa ako ng pagkakamot niya) at yung isa naman eh may mag-jowang juding! punyeta. ayokong maging ka-threesome sa kanila. Buti na lang may dalawahan pang seat na available kaya doon ako umupo (ang init ng sahig ng bus kaya kung papaano ko tinataas yung paa ko!)

=====================

Pasukan na naman pala bukas. Ilang beses ko na lang ba ito sasabihin pagkatapos ngayon? Marami pa... Dahil balak ko talagang magtuloy sa med. Magkamatayan na basta magiging duktor ako. Kakaririn ko ang katangi-tangi kong subject ngayon na Histology. Potah. Basta kaya ko to. Oo nga pala, muntik ko ng maisipan kanina sa National Bukstore (kasama si jep, si april at si chel... si jep kasi namimili ng iskul suplays) na ipa-cancel na lang ang Histology at palitan ng Field Bio (Salamat April sa walang sawang pangungulit sa akiiinnnn!! Muntik na talaga akong bumigay). Nagdalawang-isip ako kasi naka-plano na ang buhay ko, pero may sumisigaw sa utak ko na: "Ungas! Mahirap ang histology! Balak mo bang magpakamatayyy????!!!!!!"

Sa kasawiang palad nanalo ang pagiging ungas ko at pinagpatuloy ko ang pagkuha ng histo. At saka... Sa sobrang kahirapan na ata ng U.P. eh hindi nakayanan ang pag-aaccommodate ng dalawang elective kaya na-cancel ang Field Bio. Kainis talaga... Nakita ko yung disappointment ng mga ka-batch ko nung nalaman nila yung balita (Kung ako din ang nasa kalagayan nia, pihadong makakapag-mura ako). Gusto naming mag-aral pero takte naman... nailagay kami sa eskwelahang daig pa ang daga (may daga sa skul namin na parang pusa. nakakatakot talaga kasi naglalagi siya sa canteen. nung 1st yir ko pa yun nakikita eh!) sa kahirapan.

=====================

Bukas start na ng class sa histology. Syempre excited ako (ngayon lang ito kaya pagbigyan na ako), na malamang ay mawawala pagkatapos ng sunud-sunod na exam. Hay basta sana mai-enroll ko na ang mga subjects ko para tapos na...

=====================

Pakisabi na hapi grad sa mga ate at kuya natin na 4th year. Hihi... Bukas na iyon sa PICC! Gudlak sa kanila! :) Hayyyyyy.....

Kasalukuyang nakikinig si Abi ng kanta ni Usher. Let it Burnnnnn beybeeeeeehhhhhhh!

Tuesday, April 19, 2005

Toxicness!

Ampf. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nai-eenroll ang katangi-tanging isang subject ngayong summer. Kukuha ako ng histology (zoo 106) para mabawasan ang major elective na kukunin ko... Sana lang maka-enroll na ako by tomorrow kasi start na ng class sa lecture at lab dahil kay heredity! Orientation pa lang naman daw... Hay... Duty ko kasi bukas eh. Sana ngayon na lang ako nag-duty sa RVC kasi walang nagpa-enroll ngayon!!!! Paano nag-extend ng regular registration ang OCS! Hay naku... Na-compute ko na ang tuition fee ko... Malamang ay 1677.50 ang dapat kong bayaran.


Buti pa ang mga ka-block ko na nag-cross enroll sa Diliman. Kahit daw gaano ka-gulo (parang palengke) at kahaba ng pila doon ay natapos na sila sa enrollment. Hay... Basta ako, naniniwala pa ding makakaenroll na ako bukas. Hehe...

===================

Pagod na pagod pala ako ngayong nakalipas na araw. Di ko nga alam kung bakit, pero iniisip ko na baka dahil iyon sa metabolism pills na iniinom ko. Nauubos ang ATP ko.... Hay. Di muna ako iinom bukas para go, go, gooo! ako sa pag-aassist ng mga students na mag-enroll...

Saturday, April 16, 2005

Recipe for Tuna Casserole

I spend countless hours watching cooking shows in Discovery Travel and Adventure (All cooking shows I've watched: The Naked Chef/Puka Tuka by Jamie Oliver, Creating with Heart and Soul by Kylie Kwong, A Cook's Tour by Anthony Bourdain, Cooking with Nigella , Surfing 'd Menu with Curtis Stone and Floyd). I dunno, I like watching them create scrumptious dishes out of fresh ingredients. I admire their love of food and I admit they inspired me to try cooking.


Lately I've been perfecting one dish (and mukhang ok naman ang result!) called Tuna Casserole. I've adapted the recipe from my mom and modified her para maging mas masarap! This evening, I've come up with my very own recipe (modified pala) for this dish and I'd like it to share it with you guys, baka gusto niyo i-try! Ok siya pag may gatherings kasi hindi gaanong heavy at nakakaumay. Hehe... Kung may naisip po kayong suggestion for this recipe please feel free to leave your comments dun sa baba! :)


=====================


Tuna Casserole
8 Servings
Olive oil (I suggest using Olive oil para healthy!)
1/2 cup chopped Onion
3 cloves of Garlic, minced
1/2 cup chopped fresh Basil
1/4 cup chopped red bell pepper
1 can of button mushrooms, drained and sliced thin
2 180-gram cans tuna flakes/chunks in water (or in brine)
1 500-gram pacakage macaroni, cooked until al dente
1 big pouch of Del Monte Italian Style Spaghetti Sauce
1/2 cup liver spread
1 tablespoon of Capers
Salt and pepper to taste
1 1/2 cups grated cheddar cheese


Procedures:


1. Heat olive oil in pan and saute onions and garlic until transluscent.
2. Add red bell pepper and sliced mushrooms.
3. Stir in tuna and liquid from the cans and let it stand until simmering.
4. Blend in the Spaghetti Sauce, liver spread and season with salt and pepper.
5. Add capers and chopped basil and stir. Wait for 2 minutes to cook.
6. Toss in the cooked pasta and transfer to the serving dish.
7. Top with cheese. Serve warm.


O 'di ba mga misis ang dali lang? Hehe... Sorry recipe lang at walang patikim. Siguro pag may mag-aaya sa akin ulit ng swimming magdadala na ako ng food. Kaya pala ako nahihilig sa pagluluto eh, nakakarelieve ng tension ang pagluluto (basta succesful ha.. :)) O iyon muna... 9:51 pm na sa relos ng computer ko. Nagagalit na si mami eh. Watch out for the next recipe to be published in this blog (I'm still perfecting my authentic Indian Biryani Rice).


=====================


Patty: Thanks for the hug, I felt better knowing that somebody cares for me. Drama! Hehe...
(thanks also April for listening sa mga rants ko kagabi. :))

Hay..

Kahit pa siguro medyo ok na ako, I still feel bad about yesterday. Ang hirap sa loob. Maling timing lahat-lahat dahil sa pagkakataong ito hindi ko lubusang naitago yung kalungkutan ko.

8 pm: Nakauwi ako galing school. Pagod at masakit ang paa dahil sa kakalakad sa SM Manila kasama si Rachel. Kumain saglit at nagpalit ng damit. Kinausap si A. Umiyak. Sinabi ko lahat-lahat ng sama ng loob ko. Nagpalipat-lipat ng pwesto para hindi makita ng nanay ko na umiiyak ang anak niya (Bigo ako dahil nakita niyang mugto ang mata ko). Ang bigat sa loob talaga kaya 'di ko napigilan. Hindi nakaya ng tawa at pagpapanggap. Bumukal ang luha sa mata ko ng hindi inaasahan. Sumabog sa dibdib ko yung mga bagay na matagal kong dinamdam, tinago at kinimkim.

Naputol ang drama salamat sa kapatid ko. Inakalang umiiyak ako dahil sa lalaki. Nawala ang momentum ng pag-iyak. Pinababa ang telepono dahil gagamit daw siya. Sinabihan si A na tatawagan ko siya muli. Nagdabog at nagpatuloy umiyak sa kwarto.

Tinext si S. Sabi ko punta siya dito bukas, ako naman ang iiyak pero di dahil kay J. pero dahil sa ibang bagay.

Nagtext si A. Motivation. Kaya ko raw yung pinagdadaanan ko. Inattempt mag-reply, pero ang natayp ko lang ay ang letrang A dahil..

8.30 pm: Tumigil sa kakangawa dahil pumasok ang nanay ko sa kwarto ko. Di ko sinabi sa kanya kung bakit magang-maga ang mata ko. Bumaba na lang ako at nagbukas ng radyo. DZRH. Nawili ako this past few days na makinig sa Gabi ng Lagim sa AM. Panakot ba sa sarili... Sinabayan ko ng pagsulat kay A. Hindi ko natapos dahil naiisip ko pa din yung nangyari at natangay na ako sa pakikinig sa kwento.

9.00 pm: Natapos ang pinakikinggan ko. Natapos din ang pagkokompyuter ng kapatid ko. Tumawag muli kay A. Wala na ang momentum ng pag-iyak. Ibang bagay na lamang ang pinag-usapan namin. Dala ko pa rin ang bigat sa loob... Sana, magkaroon na ako ng lakas ng loob para matapos na ito. Hayyy.............

Thursday, April 14, 2005

Random Bits...

Unang Pasabog: RVC Duty

Sa mga RVC members na nagbabasa ng blog ko, ano'ng kulay ng t-shirt bukas? Hehe. Sory at dito ko pa nai-announce, desperado na ako.Hindi ako nagpunta sa school ng ilang araw kaya di ko alam 'yung schedule. Hehe. Mag-iwan na lamang po ng mensahe sa comments o sa tag-board para sa impormasyon.

Pangalawang Pasabog: JUICY Chismis tungkol sa lovelife

Hindi ko lovelife ang pag-uusapan natin dito. Sa kapatid ko po... Kasi naman, noong nag-college siya wala man lang akong naririnig na tumatawag dito sa bahay na babae o babaeng naipakilala sa mami ko na gelpren niya. Naihaluntulad na nga siya kay Piolo Pascual na natsitsismis na bading. Kung si Piolo raw ay may Yul Servo, ang kapatid ko naman ay may Ryan (ever-bestfriend/hair stylist daw ni kuya). Tas kaninang umaga, habang kumakain kami ng agahan, biniro siya ni tita tungkol na naman sa kanyang non-existent love life.

Kung dati-rati ay tinatawanan lang niya ang isyu o magpapanggap siyang bading (kadiri talaga), aba't ang sabi sa akin ay... "Mamaya 'pag tumawag sa yo si Stephanie (bestfriend ko), siguradong may sasabihin sa iyo 'yun" Punyemas ng inang kalabasa oo! Totally unexpected iyon. Ang akala ko ipagtatapat sa akin ni Steph na "Abi, sori... Nag-break na kami ni Nas (boyps niya) at ang pinalit ko ay ang kuya mo." Punyemas... Naisip ko na agad na magiging hipag (sis-in-law) ko siya. Takte. Siguradong magiging makulit at miserable ang buhay naming lahat pag nangyari iyon. Pero iba ang sinabi niya. Kahindik-hindik... At di kapani-paniwala.

May gelpren na ang kuya ko. Ang kilabot ng mga ka-judingan (May juding/bading na gusto siyang ipick-up noong high school siya) ay may syota na... Hehe... Isang maitim na plano ang biglang sumagi sa isip ko. Mukhang may ipapakilala na nga siya kay Mami. At ako ang dahilan. Mwahahahaha! (Duh... Sasabihin ko lang sa nanay ko na : "Mamiiiiiii! Si kuya may gelpren naaaaaa!"). Aba'y dapat lang naman na magka-syoting na siya. Ang tanda na niya! Hehehe....

Pangatlong Pasabog: AKO na lumpo.

Routine na namin ni lola at ni tita vicky (ang pinakapaborito kong tita) na maglakad sa umaga at mag-badminton. Kakaiba ngayon kasi si lola sobrang sakit ang tuhod... Kaya ilalabas ang magic wheelchair niya (ala lang... gusto ko lang tawaging magic) at doon siya sasakay. Nahihiya nga si lola kasi tuwing gagamitin yung wheelchair, hindi maiiwasang tanungin kung: "Nai-stroke ba siya?" Kaya naisip ko na sabihan si lola nito: "'Nay (Inay ang tawag ko kay lola1 at Nanay naman kay lola2) ipaling (shift) niyo ang mukha niyo sa kaliwa para mukhang nai-stroke, tas wag po kayong magsalita (kunwari autistic). Para po wala ng magtanong kung nai-stroke kayo o hindi." Tumawa si lola. Syempre, nagkaroon siya ng apo na sintu-sinto eh (ako yun).

Magaling na akong gumamit ng wheelchair (nagpapaikot-ikot nga ako sa bahay namin eh) kaso sabik ako na malayo ang matakbo ko gamit yung wheelchair ni lola. Kaya naman pagdating namin dun sa parking lot ng simbahan (sa Good Shepherd) at tumayo na si lola, ako ang umupo sa wheelchair at ako ang nagpatakbo... Wheeeeee! Iyon na ata ang pinakamasayang moment sa buhay ko ngayong araw. Kaso naputol ito noong may isang matanda (mga 60s) at isang medyo bata (40s) ang nagtanong kung ano raw ang nangyari sa akin. Akala ata, lumpo ako o disabled na. Nagtataka raw sila kung bakit natanaw nila na ako yung nagtutulak ng wheelchair tas ngayon naman ako ang nakasakay. Sabi pa ng babaeng medyo bata (40s), nakita raw nya ako sa garahe na nakatanaw ng malayo sa gate namin at nakaupo sa wheelchair. Hehe.. Bored kasi ako eh. Ayun. Nalaman na rin nila na baliw lang ako at hindi lumpo (teka di ba mas maganda na ang maging lumpo kesa maging baliw?) kasi bigla akong tumayo sa wheelchair. Hehehehe....

===================

Iyon muna. May inaasahan pa po akong bisita. Si steph. Dadalawin ako (yak. talagang may sakit na ata ako)...

Wednesday, April 13, 2005

Hay...

Bored to death na ako. I'm considering activating my old friendster account. Wah. Sana April 14 na para makabalik na ko sa school. Bored.

Tuesday, April 12, 2005

Hay...

Despite all my efforts in praying, he's still going to states this wednesday. Hay... His parents are going to process JJ's papers pa so he could study college here in the Philippines. I don't know yet when he's coming back but one thing's for sure, i'll be having sleepless nights na naman.I guess it's because i'm used to receiving messages from him, imagining na tabi kami matulog. Hay, I better save his messages na para may babasahin ako bago matulog.
I'm gonna miss him. I remember nung nagpunta siya sa Bora (Ei, if you're reading this, bakit po natapilok si Brent nung nagsasayaw siya? Hehe) nung Holy Week (Hindi ako kasama...) santambak na post ang nagawa ko na puro miss you. Sad to say, si abi ay hindi na tuod... Natuto na akong magpahalaga at mag-alaala. Hay.
Kay bilis ng oras, sana pag-alis mo sa wednesday ganun din. Sana di ko mapansin na nawala ka. Hay....
===================
Panget ka pa din kahit may post ako tungkol sa 'yo. Mali ang tawagin mo akong sunget dahil... Selfish ako. Gusto ko ako lang ang may pang-asar. Oo nga pala, revised post na ito. Si mami kasi nabasa yung una. Nagalit. Panget talagaaa!
Hirap talagang maging mature :(

Monday, April 11, 2005

Hotta-Hotta!

Image hosted by Photobucket.com

Hotta-hotta!
Seems like Jeremy will be the next cover guy of cosmo... Luis Manzano move over! Hehe...


**This picture was taken last Wednesday sa swimming! :)**

======================

Nuf looking at Jeremy's sexy bod... Moving on with my post... For you CSI fanatics out there like me... What do you think bout CSI: NY? Ako? I think the show's a bit bland. Wala gaanong emotions unlike CSI: Las Vegas, natodo na ata ang acting sa CSI: Miami kaya naubos pagdating sa NY... Mas mukha nang drama series ang NY kesa dun sa dalawa kasi konti lang yung mga diagnosis at mga forensic techniques ang ipinalalabas. Asar. Ayoko pa namang maging ganun yung image ng CSI. Pero ang pagkakapareha naman ng NY sa Miami at Las Vegas eh lahat ata ng Director ng lab (Grissom, Cane, at yung sa NY) eh may "personal isses" sa buhay nila. Like si Gil Grissom bingi, si Cane namatayan ng kapatid tas yung guy sa NY eh namatayan ng asawa sa 9/11 incident.


Oh well. Comment na lang. :)

======================

May 2 blog pa akong due na gawin. Hehe... :)

Friday, April 08, 2005

Hay...

Hay naku! Back to boredom na naman ako. Flat broke kasi ako! Kung may pera ako malamang asa mall ako ngayon, nanonood ng Spongebob. Hay. Inis. Kaya nagdadalawa na akong post today! Wahhhhh... :'( Ano'ng araw na ba? Saturday na ba...? Ang highly unproductive kooooo. Syet. Back to bed to me! In less than a week's time pala, enrollment ko na. Tama... Syeeet. Di puwede! Ang lakas magpataba ng pagtulog! Ano ba puwedeng gawin? Hmmm... Ayusin ko na lang yung mga hand-outs ko sa lahat ng subject! Tas... Ayusin ko na din yung mga gamit ko for summer... Syet. My back itches na. Sun burn. :(


Ang init. Hay christine. Ako ang naiinggit sa iyo. Malamig jan di ba? Dito ang init. Parang oven. Hay. Sana may mag-aya naman na magpa-spa sa akin...... Hehe.. Demanding? Sa may New Manila may tig-400 php daw tas ang ganda ng mga amenities! Hay... Spa...... :(
What do you get when you mix 8 hormonally imbalanced teens and a swimming pool?


A steamy orgy? (No! We maybe hormonally imbalanced but we're not that crazy!)
A summer job? (I wish!)
A great summer outing? (Yeah...!)


Hmm.. Ala akong chance na magkuwento last night kasi sobrang pagod na ako tas badtrip pa. Kaya ngayon na lang ako magkukuwento! Wait bago muna ang details... Gusto ko lang sabihin na ang itim kooooo! Ngipin ko na lang ata ang natitirang maputi! Hehehe...


Details... Hmm... Nakaalis na kami ng school mga 9 am na ata? Kasi, madaming na-late (kasama na ako dun!), tas hinintay pa namin si OOOOdillllee na makadating, kaso di rin siya nakaabot (paano ba naman, nag-effort! nakatulog sa loob ng car niya bago ilabas ng garahe! haha... sayang oooodilllee!). Ayun, tas nakarating kami sa Dasma after 1 and 1/2 hours na biyahe... Sa kasawiang palad... Hindi pala dumadaan yung nasakyan naming bus sa harap ng resort!
Naglakad kami (1/4 lang!) tas sumakay din kami ng jeep (Dahil bukod sa mainit, malayo pa ang WalterMart!) Ay wait nakalimutan ko palang sabihin kung sinu-sino yung walong hormonally imbalanced na teens! Ako aka "Sex Goddess", si Rachel aka "Sexy", si April aka "Chosen-One", si Anna aka "Beb", si Marvin aka "Sex slave... joke! Balbon!", si Jeremy aka "Sex/Hunk!!!", si Dan-dan (di ko alam ang a.k.a niya eh) tas si Jeff aka "Sex Object".


Aion. Bili muna kami ng food sa Walter (Thanks pala April!) tas off we goooo sa Volet's (Tapat lang ng Walter). Nag-effort pa kami sa paglakad papunta sa nipa hut (Di naman kasi namin alam na may mas madaling daanan eh). Nagbihis na kami agad, shower tas swimming na! 5 pools ata yun tas syempre 4 lang 'yung inaccess namin kasi yung isa pambata. Pinakamabenta 'yung may slide at saka yung pool na parang beach (kasi may waaaaveee!). Salit-salitan nga lang ata kami doon sa 2 pool! Yung may wave kasi, every 15 minutes lang nag-wawave tas yung may slide naman, tuyempuhan yung life guard. Basta ang saya! Kain at rotation sa pagbabantay 'yung pahinga sa pagsswimming kaya sobrang umitim kaming lahat (Lalo na si Anna! Grabe may tan lines siya sa likod!)


Tas may picture-picture din... Hindi ko pa lang nakukuha yung mga shots kasi di pa na-uupload yung mga pics ni Jeff. May isang pic akong ipopost dito pag dumating na dito 'yun. Picture ni Jeremy 'yun. Syet. Sobrang provocative at seductive ang pose niya, iisipin mong lalaki siya. Pang Cosmo yun! Topless! Ay hunk! Baka bukas ilalantad ko na ang controversial na "photo" na iyon. Hehe...


Basta ang saya talaga. Lalo na kapag mala-tsunami na yung wave! Sobra! Ever favorite namin
yun! Ewan ko kay Jeff na nawawala sa malalim na tubig pag nag-wawave!!! Hehe... Sayang sana nakasama pa 'yung mga blockmates ko saka mga batchmates!! Astig sana! Memorable talaga ito, dahil parang si April, ito ata ang pinaka-una kong outing na walang parent/adult supervision. Para dun sa 7 other teens na kasama ko kahapon... Astig kayo!


========================


Eklat lang 'to... Pero badtrip pala ako kagabi. Tama ba kasing text ka ng text tas di ka rereplyan? Hay. Ang hirap maging mature.

Wednesday, April 06, 2005

Hei!

I finsihed my exam at 9 am. Honestly, I don't know if I'll pass or not... Sigh! I feel sad, unfulfilled and lethargic. Maybe tomorrow's event will help me feel a hell lot better. God if you're reading this... I need you. :(

Tuesday, April 05, 2005

Hay...

Busy mode today... I'm still studying for my last exam due tomorrow. After that, I can finally kiss this sem goodbye. It's my friend's birthday today (Hie April!) and I'm really guilty for not giving her anything (Thanks for the treat april... hehe! Bawi po ako this week!). I wrote her a letter, pouring my heart out (Sorry guys, I can't tell you what I wrote there, but I can assure you that it's not a profession of my undying love for her - I am desperate but not LESBIAN).


I got 8 chapter summaries to read and about a ton of terms to memorize but my mind is already set on Wednesday. Finally! May nag-aya ding mag-swimming!. Haay... I already packed my bag last Saturday (Anticipating for a swim party... Oiii.. Excited ako eh!). I just hope na matuloy!


Hmm... What else? Oh.... No.... I forgot.... Wednesday = Spongebob the Movie. Crap. I won't be able to watch it pala 'pag natuloy yung swimming. I guess Ok lang kse 2 weeks pa naman siguro ipapalabas dito 'yun.


Hay... Ito muna ang post ko for the day. Special mention to: JEREMY, Belated happy birthday! Bearer of bad news ba ako? Hehe... You're old na! Unlike me... Well... 19 pa lang ako! Ikaw? 20!? Well older = mature? Not! My wish for you is to find a cute, sensible guy who would be able to control your "rarracious" behavior...! Hehe... :)

Monday, April 04, 2005

Hay...

Busy mode today... I'm still studying for my last exam due tomorrow. After that, I can finally kiss this sem goodbye. It's my friend's birthday today (Hie April!) and I'm really guilty for not giving her anything (Thanks for the treat april... hehe! Bawi po ako this week!). I wrote her a letter, pouring my heart out (Sorry guys, I can't tell you what I wrote there, but I can assure you that it's not a profession of my undying love for her - I am desperate but not LESBIAN).


I got 8 chapter summaries to read and about a ton of terms to memorize but my mind is already set on Wednesday. Finally! May nag-aya ding mag-swimming!. Haay... I already packed my bag last Saturday (Anticipating for a swim party... Oiii.. Excited ako eh!). I just hope na matuloy!


Hmm... What else? Oh.... No.... I forgot.... Wednesday = Spongebob the Movie. Crap. I won't be able to watch it pala 'pag natuloy yung swimming. I guess Ok lang kse 2 weeks pa naman siguro ipapalabas dito 'yun.


Hay... Ito muna ang post ko for the day. Special mention to: JEREMY, Belated happy birthday! Bearer of bad news ba ako? Hehe... You're old na! Unlike me... Well... 19 pa lang ako! Ikaw? 20!? Well older = mature? Not! My wish for you is to find a cute, sensible guy who would be able to control your "rarracious" behavior...! Hehe... :)

Sunday, April 03, 2005

Shop till you drop!

Glaing kaming SM Manila ni Mami kse nga di ba sale. So pag sale ano'ng ginagawa? E di mamili. Hehe... Puro pang-summer yung nabili ko... Hmm... Eto lahat ang painagkaubusan ng pera: Banana Peel na Red na Flip Flops, Fekfek Shorts, SM na large black tote bag, Generic brand na goggles, at Jolly Kiddie Meal (Free toy: Patrick Star na Conditioner Dispenser). Hehe... Handa na para mag-swimming! Ala pa nga lang akong pupuntahan! Hehe...
Oo nga pala, nung pauwi na kami ni mami, sabi niya try ko daw 'yung goggles kung ok lang yung fit. Pero 'yung tinry ko yung nose plug kung kasya, hehe... Tapos pagtingin ko sa labas ng bintana, nakatinign sa akin yung mama na nakasakay sa car na color white... Nakatitig lang as in. Hehe... Na-weirdohan siguro. Hehe... Oh well.
Masaya pala ako kasi may mga bagong gamit na ako. Hehe... Pihadong pag kinuwento ko na naman to kay j. siguradong ito ang sasabihin sa akin n'un: "Hehe... Para ka talagang bata!" E masaya naman talaga pag may bago kang gamit di ba? :)

Sad...

Sad day ngayon kse namatay si pope ngayon, 9:37 pm - italy time. He deserves to rest na din naman kasi he's 84 years old na tas he has parkinson's pa. Ganun talaga ang buhay...


Finally, nasabi ko na to after so many weeks (months na ata) na malungkot ako deep inside. Eto na talaga ang fresh start ko. 2 sems na lang at graduate na ko... I'm so overdue in doing this na. I'm finally saying goodbye to solitary confinement, childish acts and stupid decisions I've made. Letting go of bad feelings stuck inside me. I'm going to be serious na... Mahirap iwanan yung nakasanayan mo na, pero I need to grow up!


Weird post no? Oh well. Wish me luck. It's tough and I hope I can make it through the changes I will impose on myself. No more silly abi. No more weird, childish and lovestruck attitude for me.

Summer!

Asar... Gusto ko mag-swimming! Gusto ko yung sa malayo tas matagal! Ok na sa akin kahit sa puerto or sa bora for one week. Hay.. Problema, I'm stuck dito sa hell-house (mainit kse) with nothing to do but study for my exams. After my exams, I only have one more week (I think) before my summer classes start. Pwede na yun! Kahit mga one week vacation sa kahit saan!


Ala bang mag-aaya? Please!


Desperado na ako. Gusto ko mag-swim! Gusto ko ng sand sa paa ko (beach sandddd!) tas yung salt water sa buhok ko. Darn... Last year naman nung ayaw ko saka naman kme nagpunta sa Pangasinan. Ngayon na gusto ko, antagal dumating ng dadi ko tas nung inaaya naman ako sa bora ni panda bear, may exam ako! Waaaaaaaaaaaaa!


Oh well. Rant na naman ako! Bdtrip kse! Hehe... Grabe, i'm looking forward this week! Dahil... Birthday ni April sa Monday, Premiere ng CSI New York sa AXN this tuesday, tas Spongebob sa Wednesday! Exciteddddd! Haha... Bili ako ng Jolly Kiddie Meal mamya pag lumabas kmi ni mami. Yung free toy kse: Spongebob na shampoo dispenser, Patrick Star na conditioner/lotion dispenser tas toothbrush holder! Baka nga hapon na ako makauwi ksi sale sa SM Manila today! Balak ko ksing mag-shop for summer gear! Flip-flops, loose shirt saka pjs!


Excited talaga ko. Pero, medyo malungkot ako kse si lola matamlay parang si panda bear. Namimili ng food niya tas tahimik. Dati naman ang saya-saya ni lola. Lagi ko pa siyang na-huhug, nakikiss sa cheeks tas nakikipagkulitan pa sa akin. Ngayon, parati na lang siyang nakahiga, hindi masyado tumatawa tas tahimik. Pray nio naman po si lola... Sana maging ok na siya. Maabutan pa niya dapat 'yung pag-graduate ko sa Med School tas maabutan pa niya dapat wedding ko (yak feeling)!


Tas si panda bear kahapon din matamlay. Bored daw ksi siya. Waaaaaa..... Kung pinapayagan lang naman ksi ako e di punta ko sa kanila. Body slam ko siya para magising. Hay. Buti nga di niya naiisip na pumunta sa States gaya last year. Sad. :(


Latest update sa kukunin kong subject this summer: Histology na at NatSci 5. Magpaka-GC! hehe..


Ganda ba ng bagong lay out? :)

Saturday, April 02, 2005

New Lay-out.. Again

The bitch lay-out is not working out pretty good. Maysadong simple ans I can't put much in it. Besides, masyado atang strong yung lay-out, kaya mas pinili ko ito. Cute di ba? di ba? Hehe...

Saka na lang ang bagong entry. Hehe.. Too busy! :)

Belated Happy birthday to Trish and Advance Happy Birthday to April. Libre ko? Haha...

April Fool's day pala today. Better watch out for pranksters...