Saturday, November 26, 2005

E-vents

I just got home from my hell toxic day. I'm gonna give you a quick recap of what happened to me this day.

So this morning..

At 'round 11 am I arrived at Pedro Gil to print a copy of pur thesis proposal.
Sa may Anglo ako nagpaprint always dahil 2 pesos lang per page yung print nila. Kaso, it seems na paubos na yung ink ng printer nila, kaya mukhang xerox copy na yung pinaprint ko. Badtrip. Pero ndi pa yun eh, while I was getting my diskette from my bag, napatingin ako sa may monitor nung "attendant" dun. Lo and behold, ako ay labis na naguluhan, natorete, nawindang at nandiri sa nakita ko.


Ano kaya ang nakita ni Abi??


Poor quality image na porno vid lang naman.. Ayoko ng i-elaborate kung ano yung nakita ko, dahil sa mga konserbatibong tulad ko (ahem, konserbatibo ako kahit pa nabibilang ako sa Bio batch 2006) eh baka ipa-ban niyo pa itong blog ko. Hahahahaha. So much for being clean, unscathed and virginal (eyes). Tas nakita nung mama na nakatingin ako so dali-dali niyang pinatay (oi bakit kaya ako nakatingin?). So akala niyo tapos na yun. Ay dyan kayo maling-mali. Dahil habang pini-print na niya yung mga dokumento ko, aba! Muli niya binuhay ang porno na pinapanood niya. Matagal pa a! Hindi ilang seconds... Minutes! Sleazy computer shop! Kaya kayo na asa may area ng Pedro Gil at Padre Faura, wag kayong magpapaprint doon sa may Anglo! Panget na nga 'yung quality ng printing, may libre pang porn show!

After being baptized sa makamundong bagay, nagtungo ako sa school para i-file ang nakatengga ko ng application for graduation. Napilitan nga akong gamitin yung 2 x 2 na galing sa studio kasi naman, sa sobrang deliquente ko eh ndi ako nakapag-papicture picture. Haha. Ayun. Buti na lang sandali lang yun. Ayun, tas after nun, kinuha ko na yung shirt ng org (tsk tsk, paano ko pa magagamit yun? Last duty ko pa naman na nung enrollment!) Hay, tas nagpunta ako sa Rob para kumain...

So ngayong tanghali...

Sa may Casa Ilongga ako kumain (sa may Robinson's food court) dahil natatakam ako sa crablets. Kaso, walang crablets! Badtrip. Napilitan tuloy akong umorder ng iba. Ok lang naman dahil masarap yung gulay. :) Hehe. So dahil lonely, i'm miss lonely ako, mag-isa lang akong kumain. Huhuhu. Wala naman kasi talaga akong pasok ngayon eh. :( Ayun, tas kalagitnaan ng pag-iyak (joke) at pagkain ko, may mama na may dalang plastic bag ng mga laruan ang nagsalita: "May nakaupo ba dito?" Tas ako naman: "Wala po." Sabay tungo at binilisan ko ang subo ng pagkain. Kesehodang mamualan na ako, nagmadali talaga akong kumain. Hindi kasi applicable sa akin 'yung ever famous quote sa mga food court na: "Share a seat, Win a friend." Pero kahit anong bilis ko mang lumafang, naabutan pa ako nung mama. Magkatapat kaming kumain, ang ulam ata niya kaldereta saka mushroom soup. So naalarma na ako, todo bilis na ako, as in full speed ng pagkain. Ayun. Natapos ako, uminom ng tubig, tuloy layas.

Huhuhuhu. :( Lonely, I'm miss lonely.....!!!

Skip na natin yung pagpunta ko sa Diliman dahil wala namang magandang nangyari dun kung hindi problema. Hay.

Ayun. So nung nakasakay na ako ng jeep pauwi, may nakasabay ako na cute. Hindi super pretty boy, pero swak dun sa type kong guy. Malinis. Tas ang ganda pa ng smile. Hay. Fafa. Chem major ata yun. Hay... :) Fafa chem!!! So ayan, may bagong reason ka na Abi para magpunta lagi sa Diliman. Mang-stalk! Hahahaha!!!!! Loser! Amf! L:-)

Yung nasakyan kong bus pauwi, graba! Muntik na akong atakihin sa puso! Dahil sa sobrang biliis niyang magpatakbo, feeling ko na-break na niya yung sound barrier! Kung may bullet train, siya bullet bus! Grabe talaga. Natatakot na nga ako kasi nag-sslide na yung silya ko everytime na nagbbreak yung driver. Basta ng bilis bilis billlliiiiiiiiiiiis niyang mag-drive! Kaya kayo, kung nagmamadali kayo, sumakay sa PAMANA Express (Byaheng Fairview - Baclaran), matutuklap yung mukha niyo sa bilis ng bus na yun.

Ilang minuto ang nakakalipas...

Noong nakasakay na ako sa jeep papuntang Alabang (galing Baclaran). Aba may warlang babae na nakaupo sa harap. Tawa ng tawa mag-isa tas sumisimangot, basta di mo maintindihan yung mukha niya. Natatawa na nga ako habang pinapanood ko siya sa may side mirror nung jeep eh. Warlang babae, nawawala pala siya. May imemeet ata dito sa may Las Pinas, eh mukhang hindi pa siya nakakapunta dito sa area namin kaya tawag ng tawag siya sa celphone niya. Ayun. Sa may Casimiro pala siya bababa. Lukaret talaga yun. Tawa ng tawa mag-isa! Pati yung katabi niya lalaki, natatawa na sa kanya eh. Hahahaha. Ako din tumawa. Pero may dahilan! Hmm! :D

Ayun. So andito na ako. Pagod na pagod. Manonood siguro ako ng t.v. pagkatapos. Medyo sad din ako kasi may sakit ang aking mama. May suspected appendicitis siya. Hay. Ayaw ngang magpa-confine eh. Tigas ng ulooooo! Hay. Sana naman wag lumala. :( Iiyak talaga ako pag may nanyari sa mami ko. Love ko si mami eh. :( Hay.

Bukas pala may aattendan ako na lecture/seminar sa school. Sponsored ata ng MKule yun... Hay. Sana makapunta ako. Seminar yun for formal and creative writing. So kung matuloy ako 9 - 4 akong asa school tas yun. Hay. Baka sa sunday na ako makapanood ng Goal. :(

Yun muna. Kiss kiss! Mwah!

*Yak, alam niyo bang may Club Mwah? Hahaha.*
*Dec. 15 - Oblation Run sa Diliman, Venue: Academic Oval*

No comments: