Ewan ko..
...Pero "acquired taste" lang talaga ang tsaa para sa akin. Hindi ko ito gusto dahil wala itong lasa. Ginagamit ko lang ang tsaa para makalimot sa kape. Kailangan ko lang uminom ng tsaa kasi gusto kong matunawan. Hindi dahil gusto ko ito at hindi rin dahil mahal ko ang tsaa. Umiinom ako nito upang makalimot at dahil kailangan ko ang tsaa.
...Maihahalintulad ko ito sa pagmamahal na pinilit mahinog. Minahal mo ang isang tao hindi dahil mahal mo talaga siya. Nasa piling ka niya dahil gusto mong makalimot sa nakaraan. Nagtatagal ka dahil yun yung tingin mo na kailangan mong gawin. Kailangan mo iyong gawin dahil yun lang ang alam mong paraan para makabawi sa mga pag-aalala niya sa iyo.. Yun lang ang alam mong gawin para hindi mo siya masaktan.
...Ang epekto ng tsaa sa akin ay masahol lalo na kung nasa labas ako. Sasakit ang tyan ko ng sobra, hihilab at uutot ng walang pakundangan. Kapag gabi ko ito ininom tiyak na hindi ako makapagkatulog. Balisang-balisa ako at pabalik-balik sa banyo. Hanggang umabot sa puntong mailalabas ko rin ang lahat ng laman ng sikmura ko.. success! muli sa loob ng banyo.
...Gaya ng pagmamahal na pilit, hindi maaring walang masaktan. Masahol ang epekto nito sa taong pinilit mong mahalin. Dahil minsan bigla ka na lang magigising na may mabigat na dinadala. Hindi mo ito mapigilan at mapipilitan kang sabihin sa taong pinilit mong mahalin.
...Subalit kaiba sa pag-inom ng tsaa, hindi "success!" ang pakikipag-hiwalay sa taong pinilit mong mahalin... Dahil hindi ka naging tapat sa iyong damdamin at mas lalo mo lamang siyang sinaktan. Sa huli, ikaw ang talo dahil dadalhin mo ito ng pang-habambuhay sa iyong konsensya..
Iyon lamang po.
Mahal ko talaga ang kape. Subalit dahil lagi akong nahihilo sa kape, tsaa na lang muna. :c

No comments:
Post a Comment