Tuesday, May 09, 2006

Hay

Nangangarap akong muling... mag-swimming!

Syete. Feeling ko pinaglihi ako ng nanay ko sa tubig o sa isda nung baby pa ako. O baka naman anak ako ng sirena, hindi ko lang alam... ahihihi.. pwede! Ay naku, grabe. Malapit na ang june! ilang hinga na lang patayan na naman! pero ok lang.. kinukundisyon ko na nga sarili ko para sa panibagong patayan. ahihihi... hay. kayanin ko kaya ang mag-dissect ng patay? Hmm.. Acquired taste siguro. Kung yung pagkatay ng pusa nun super dreaded ko talaga pero parang after kong nabalatan at.. (sige i-censored ko na nga. masyado ng gory) ok na. hehe. ano kayang mapupunta sa aking patay? babae kaya o lalaki? papangalanan ko kaya? hmm.. wag na lang siguro. baka pagmultuhan pa ako eh. leche. haha.

ay naku. walang magawa! hehe. bukas uwi ulit ako ng batangas. pero one day lang yun. at walang swimming na involved. hay. pwede na rin. kesa naman mabobo ako dito sa bahay. hay naku. yung kabilang bahay naman yung nag-vivideoke. takte niyong lahat! pasa-pasa bahay ang mga jologs dito. pano pa kaya sa linggo? wahaha.. kami naman ang babawi. langya kayo. ang lagay kayo lang? huh! grad pa naman ng kapatid ko nun. huh! at ang matindi pa dun isasabay dun yung bitrhday ng tita ko! langya kayo! paumagahan din kami! bwiset! (grabe kasi kagabi, yung kinuwento kong peste na nag-iingay, nagbasag pa ng plato nung madaling-araw! peste! tumawag nga yung nanay ko sa baranggay!) nuissance! ampf!

hay. sige na bago lumabas ang mga kaugatan ko sa leeg, maglilipat muna ko ng mga music files sa mp3 player. mahaba-habang tulugan na naman bukas!! hehe. road trippppp! babu!


No comments: