Monday, May 29, 2006

rack en rawled!

Photobucket - Video and Image Hosting


Naku. Hindi iyan picture ng isang babaeng nababahuan. Ako yan at ang student enrollment record ko sa PLM. Hindi ko pa pala nasabi pero sa University of the City of Manila (better known as Pamatasan ng Lungsod ng Maynila) ako magpapatuloy ng pag-aaral ng medisina. Hay. Sobrang pinaghirapan ko ang makapag-enroll! Last week pa nga akong pabalik-balik sa school para lang asikasuhin ang iba't-ibang credentials, requirements at kung anu-ano pang ka-chorvahan. Pero finally! finallllly talaga... Natapos din akong mag-enroll. Ahaha. Sa mga nagnanais na malaman ang aking mahiwagang toxic sched, eto na.. eto naaaa!

Monday:

8 - 12 PM - Histology
1 - 4 PM - Family and Community Medicine 1

Tuesday:

8 - 12 PM - Physiology
1 - 5 PM - Physiology (ulit!!!)

Wednesday:

8 - 12 PM - Gross Anatomy
1 - 5 PM - Gross Anatomy (na naman!)

Thursday: (mega toxic day!)

7 - 11 AM - Unang Biochemistry
12 - 3 PM - Pangalawang Biochem
4 - 5 PM - Biochem pa rin!

Friday: (TGIF)

8 - 10 AM - Medical Ethics 1
10 - 12 PM - Neuro-anatomy

O di ba toxic? Ahaha. Kaya advanced paumanhin na sa inyo para sa mga susunod na araw, dahil lubhang magiging madugo talaga ang labanan. Susmaryosep! Buti na lang sa July pa ako mag-uuniform! Ayokong mag-palda! Ayoko! Ayoko! Madungis pa naman akong bata! Wahh! Miss ko na ang UP. Hay. Hay. Hay.... :c

No comments: