Sorry for not updating this blog last week. I was so busy! Lagi akong madaling-araw umuuwi tas last Thursday nag-overnight pa kami ni Ralph sa MSI. Hay. Kahit nga medyo nakatulog na ako, I feel so tired pa din. Tired pero medyo happy kasi our hard-work paid-off with “tentative" results. Tentative kasi we’re still not sure if we succesfull isolated protoplasts na. Wait. Sana ineexplain ko muna yung thesis namin di ba??
Yung thesis namin is entitled: “Isolation of protoplasts from Gracilaria” Yung Gracilaria eh red seaweed na locally available. Yung aim namin eh ma-digest yung cell wall nung mga cells niya para ma-liberate ng buo yung protoplast. Tas kapag successful yun, may hope na ma-improve yung strain ng species na yun for commercial purposes (through somatic hybridization). Magulo pa ba? Basta. Maganda talaga yung topic tas kung nakaliberate na nga kami ng protoplast, sobrang major milestone yun.
Bakit nga ba ako gumagawa ng thesis ngayon? Para matapos na agad tas para kung may aberya, mahaba pa yung time namin para maayos yun. :)
Sobrang enriching yung experience ko so far sa MSI. Andami kong natutunan sa mga tao dun, tas nakagamit din ng mga apparatus. Ang saya pa kasi ang babait ng mga tao dun. Super accommodating sila tas tinutulungan pa kaming i-figure out kung paano namin gagawin yung thesis. Hay.
Baka nga di muna kami babalik dun ni Ralph dahil oorderin pa yung mga enzymes na gagamitin namin for replicating yung experiments namin. Hay buhay.
Basta ang saya. :) Saka na lang ako magkukwento ng mga stuffs. Antok pa ako eh.. :)
===========================
P.S. May mamimiss ako sa MSI... :) Si Larry (nag-maMasteral ata yun dun eh! :)))). Hush-hush lang yun a. Bait na cute pa. Hehe. :) Crush! ^__^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment