I've discovered some of my high school batchmates' friendster accounts.
Ito lang ang masasabi ko..
Oh kaybilis ng oras.
Grabe. May mga graduate na sa kanila at yung iba ay may work na. Tas yung mga inakala mong mahinhin, aba may boyps at gelps na! hay. and to think high school batchmates ko yung mga yun. Baka isang araw sa aking office (naks, office daw) nakita ko naman yung mga college buddies ko, may asawa't anak na! Hay. Ayoko pang tumanda!! Hay. But it's so inevitable. Next week thesis defense na, and then finals tas graduation na. Ang bilis bilis! Parang noon lagi akong tumatambay sa bahay ni stephanie para makinood ng cable. Wala pa kaming interes sa mga guys o sa pakikipag-date o sa make-up. Tas ngayon, grabe. Ininvite na niya ako sa wedding nila ni jonas (planned!) sa 2011. Dati sobrang immature namin! Hindi namin maintindihan kung bakit ba kelangang magsipag sa pag-aaral. Di rin namin alam kung gaano kahalaga yung value ng pera. Tas ngayon iba na. Parang andaming naiisip na problema (naging major issue na ang perang pang-gimik), kahit yung mga hindi naman dapat pinoproblema sinasama! Hay. Paano pa kaya 10 years or at least 5 years from now? Mas madami kaya akong problema? Ano na kaya ang issue by that time? Buhay pa kaya ako nun? (Sana naman no!). Kung meron lang way para makabalik or maka-move forward sa time dimension... Ang sarap balik-balikan ng mga alaala ng nakaraan. Kung paano ka nadapa at nagkamali noon.. Yung mga masasayang alaala nung bata ka pa. Pero ang sarap din namang malaman kung ano yung hinaharap mo. Kung magtatagumpay ka ba or hindi. Kung magkakapamilya ka ba o hindi? Hay.
Parang wala akong gagawin ah at puro ako pag-iisip! Mag-aaral pa ako sa animal physio! Dapat maganda yung makuha kong score dahil feeling ko ambaba ng score ko nung 2nd exam. Hay. Ilang chapter pa ba tong aaralin ko?? (buklat ang makapal na hand-outs). Ay mukhang marami pa a! Hay. Bukas pala makukuha yung pictures sa Great Image (yung parang kapamilya drama series ang pose namin). Buti pa yung mga mag-fifield trip lang bukas!! (Oi leeann, pasalubong ko??) (April, marvin, jeff, chel --> May swimming charvaness pala kayo bukas sa Laguna!) hay. Sige na. :D babu!
P.S. I miss taking pictures. :C One of these days, I shall take my camera from its dusty grave. :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment