Sunday, February 05, 2006

Hay.

Before anything else, I'm asking you guys to include in your prayers the victims of the stampede yesterday at ULTRA. These people don't deseve to die. As what I've said last night to my friend Charmaine, these people were driven by poverty. This event mirrors how many poor and less fortunate people are living in our country. For a measly 2 thousand pesos, these people risked their lives. It's so sad. Ala na ba talagang hope for us Filipinos? Hay...

---------------------------------------------------------------------

On a much lighter side of life..


"The whole object of travel is not to set foot on foreign land; it is at last to set foot on one's own country as a foreign land."
- G. K. Chesterton


Traveler's Log

02-04-06, 7 am

Laman ng wallet: 600 pesos
Laman ng bag: Swimming googles, bathing suit, kikay kit, pekpek shorts, hopia
Laman ng bulsa: Cellfone (Load: 23 pesos)

Kasalukuyang sakay ng Saulog bus tungo sa Calatagan.
Kasama ang isa't kalhating antukin na thesis partner.
Walang ideya kung saan papunta.

Mga Laman ng utak:
- Sino si Mang Edgar?
- Saan namin hahanapin si Mang Edgar?
- Gutom na ko. Gutom na ko. Gutom na ko.
- Bakit ba hindi ako kumuha ng Pringles nung inalok ako?
- Ano ba tong palabas sa T.V.?

02-04-06, pasado 10:30 am

Laman ng wallet: 480 pesos
Laman ng bag: Ganoon pa rin
Laman ng bulsa: Cellfone (Load: 13 pesos), Wallet

Nasa Calatagan proper na.
Super init!
Kasama pa rin ang optimistic na thesis partner.

Mga Laman ng utak:
- Putang ina. Putang ina. Paano na?
- Sobrang gutom na ako.
- Ang laki ng Calatagan!!!!

02-04-06, pasado alas onse ng umaga

Laman ng wallet: 460 pesos
Laman ng bag: Walang pinagabago
Laman ng bulsa: Cellfone (Load: Di ko na alam), Wallet

Asa isang unknown baranggay.
Helpless sa pag-eexplain kung ano ang kelangan naming seaweed

Mga Laman ng utak:
- Happy thoughts.
- Wawa ang mga namatay sa wowowee.
- Bakit kaya hindi pa siya nagrereply?
- Asan na ba kami?
- Anong tagalog ng cell?
- Nakakaaliw si Ralph! Hahahaha.
- Bakit nakatitig tong mamang 'to sa akin?

02-04-06, alas dose ng tanghali

Laman ng wallet: 460 pesos
Laman ng bag: Same same
Laman ng bulsa: Cellfone (Load: Di ko na alam), Wallet

Nakita na si Mang Edgar ang hari ng seaweed.
Ito lang ang masasabi ko: In your face kuya knong!!!!!!

Mga Laman ng utak:
- Yay!
- Yay!
- Bakit kaya mapula ang mata ni Mang Edgar???
- Hmm. Cute ang anak ni Mang Edgar.
- Sana may makuha kaming seaweed.

**Sa pagitan ng alas-dose at ala-una, kasalukuyang asa tubig ang manunulat ng journal na ito. Sakay sila ng isang motorboat at tumigil sa isang isla (gawa sa coral reef) na may bahay (na pag-mamay-ari ni Mang Edgar). Agad silang lumusong at nag-umpisang kumuha ng mga sample. Matagumpay nilang napuno ang "cooler" ng mga maburak at dugyot na specimen ng Gracilaria salicornia.

**Kumain sila pagkatapos sa isang carinderia na pag-mamayari din ni Mang Max (ang butihing tricycle driver na tumulong sa amin). Ang ulam: 2 order ng ginayat-gayat na inihaw na baboy at 2 order ng ginataang puso ng saging na nilahukan ng sayote at alimasag.

02-04-06, pasado ala-una ng tanghali

Laman ng wallet: 150 pesos
Laman ng bag: Same same (minus the hopia)
Laman ng bulsa: Cellfone (Load: 0 balance), Wallet

Sa wakas pauwi na kami ni rap!
Ang bait ng mga tao dito sa Calatagan!
Hay..!

Mga Laman ng utak:
- Sobrang pagod. Pagod. Pagod.
- Init. init. init
- Antok na ko!
- Ang saya! Destiny!! May chance na kaming matapos yung thesis namin!

**Nag-byahe ang manunulat at ang kanyang antuking thesis partner ng halos 4 na oras. Sila'y tumungo sa laboratoryo na kanilang pinagtatrabahuhan (sa Diliman). Nilinis nila ang kanilang precious seaweed at umuwi ng may ngiti sa labi ng alas-7 ng gabi.

And this has been Abi Ruidera, your Lonely Planet correspondent.

Lao Tzu once said: "A good traveller has no fixed plan and is not intent on arriving."
So that makes me and my partner in crime Ralph, good travelers.

---------------------------------------------------------------------

Sorry walang pictures! Kasalukuyan pong nagpapahinga ang cellfone ko na may camera. Hihihi. :D Sarap ng simoy ng hangin sa probinsya! Super bait pa ng mga tao sa Calatagan! :D O paano, sa susunof na ulit! Mahal ko kayo!!! :* :* :* Mwah!

No comments: