On my way home, I thought of posting a very serious entry here. But what I saw along the way made me changed my mind.
Paglalakbay ng Isang Baliw
Unang Scenario: Ang epal na kunduktor
Pauwi na ako galing Diliman. As usual, haggard na haggard na ako at mukha na talaga akong adik sa sobrang pagod. As usual, ang buhok ko ay mukha na namang before shot ng Rejoice commercial. So ayun, nagbayad ako sa kunduktor: "Ma, Baclaran po, estujante." Aba. Yun lang ang sinabi ko ang dami ng sinagot niya sa akin! Kesyo asan daw ba ang ID ko, estudyante daw ba talaga ako o ewan. Hindi na lang ako nagsalita, pero kinuha ko ang UP ID ko sa bulsa. Pinamukha ko sa kanya. Wala akong sinabi pero ang lakas ng dating. "O, eto na ang ID na hinahanap mo. Ano pa gusto mong prueba? Itong dala kong mga hand-outs? Puwede na ba?"
Badtrip.
Pangalawang Scenario: Bombay, India
Unfortunately, hindi po ako marunong mag-teleport. Pero sa eksenang ito, feeling ko napunta ang katawan at kaluluwa ko sa Bombay, India. Ganito ang nangyari:
Ma-traffic na bago dumating ng Ayala. Andaming sasakyan na papauwi na. Yung sinasakyan kong bus eh medyo puno na rin kaya inaasahan kong pagdtaing sa may Ayala eh dederecho na yung bus. Pero mali ako. Maling-mali. Hindi nga tumabi yung bus pero sumambulat ang santambak na tao dun sa may sakayan sa Makati. Siguro kung terrorista ako siguradong 'pag hinulugan ko ng bomba yung area na yun, pihadong marami silang nalagas. Ewan ko ba, ni hindi naman Biyernes noong araw na yun, pero sobrang kapal ng tao. Pero di pa yun eh. Yung kapal ng tao na yun eh nag-aabang pala ng bus papuntang Baclaran. Wait. Rewiiind! Papunta yung bus ko sa Baclaran. So yung kumpol ng tao na yun sumakay sa bus namin! Pucha! Kahit sigaw ng sigaw yung epal na kunduktor wala siyang nagawa! Yung mga tao gusto, mali, desperado na atang umuwi! Sobrang kapit sila doon sa may hawakan! May nakalabas na nga yung katawan sa labas eh. Tas sobrang siksikan! Pinaghalo-halong amoy putok, pawis, utot, lansa... Basta! Ang dami! Feeling ko, super hay. Nagkaroon na ata ako ng claustrophobia dahil sa nangyari. Hay. Kaya paalala lang: Kayong mga Pilipino. Please, tigilan niyo na ang pagpaparami ng anak. Andami na natin pramis!!
Pangatlong Scenario: Ang Dyipni
Ang dyipni o jeep ay isa sa mga pangunahing paraan or mode of transportation dito sa Pilipinas. Alternatibo ito sa bus dahil naari din ito sa malayuang byahe.
Madilim na madilim na sa labas noon. Lumalamig ang simoy ng hangin (hindi pa po Pasko), at may kidlat na ding makikita sa kalangitan. Isa lamang ang ibig sabihin nito: Nagbabadya na ang malakas na ulan. At dahil natakot akong maistranded sa Baclaran ay pinatulan ko na ang jeep na kasalukuyan noong naghihintay ng mga sasakay pang pasahero. Suwerte ko dahil ang napili ko ay yung jeepney driver ay hindi gahaman, ganid, matakaw, duhapang, sakim sa pera. Umalis kami agad ng hindi pa masyadong napupuno yung jeep.
Medyo bored na ako kaya naisipan kong gawan ng kuwento 'yung mga ibang pasahero sa jeep:
Ang una kong napag-tripan: Tawagin natin siyang "Saudi Boy"
Nasa mid-forties na ang lalaking ito. May asawa at dalawang anak, hula ko dalawang babae ang anak niya. Ex-Saudi ang mamang ito kaya hindi masyadong maitim. Pero, dahil sa nagkatanggalan sa pinapasukan niya, napauwi siya ng wala sa oras. Mekaniko siya kaya hindi naman siya nahirapang makapasok sa mga talyer ng pagawaan ng jeep sa Maynila. Kaninang hapon ay naipit ang kanyang kamay sa vice grip (patay na kuko) dahil sa pagmamadali niyang umuwi. Birthday ng kanyang anak na bunso kinabukasan at kelangan pa niyang dumaan sa palengke upang mamili ng papansitin (canton noodles). Maraming tao ang dadalo kaya dinamihan niya ang kanyang binili. Nakakita pa siya ng magandang blusa na ireregalo niya sa kanyang si "bunso" at sinilid niya iyon sa kanyang bag kasama ng mga tools. Isip na isip siya ngayon kung paano nila (ng kanyang asawa) gagawing masaya ang birthday ng kanilang anak kahit pa hindi masyadong magarbo ang handa nila ngayong taon. :)
Pangalawa konng napagtripan: Tawagin natin siyang "Inday"
Eto, no offense sa mga Bisaya ah.
Ay etong se 'day ay Di-op ngayun (se day ay kase ay mananahe sa pabreka ng mga RTW). Nagponta sela ni Dudung sa Baclaran upang magsemba. Se Dudung ay ang "Ga" ni Enday. Boy se Dudung sa esang mayaman na pamelya. Suwirte na den nela sa esa't-esa dahel mahal na mahal nela ang esa't-esa. Kahet maherap ang bohay detu sa Maynela eh ok na den. Penagdasal nela sa Diyos na makaahun na sela sa kaherapan man. Para mapayagan na sela sa kanelang mga pamelya man na makapag-kasal na. Se 'day naman kase ayaw mawalay ke labs niya. May ang aluk pa naman sa kanya sa Hongkong belang Di. Ets. (DH). Kaya eto se 'day prublemado hende pa neya alam kung paanu sasabehen kay Dudung ang baletang aales na siya pontang Hongkong.
:)
Pangatlo kong napagtripan: Ang grupo ng mga "manang"
Hesus Marya. 'Yung dalawang matanda ay deboto na sa Mahal na Birheng milagroso. Gabi sila magsimba dahil: Una, ay may pwesto silang dalawa sa palengke. Pangalawa ay ayaw nila ng masyadong maraming tao dahil ang isa sa kanila ay may sakit na high-blood. Naging pangako na nila sa Birheng Maria na lagi silang pupunta doon at magnonobena. At ang kapalit? Na sana'y makahanap na ng magandang trabaho ang anak ng isa kanila at gumanda pa ang benta nila sa palengke. Paminsan-minsan ay sumasama ang anak nung isang babae para siya rin ay makapagdasal bilang pasasalamat at paghingi ng tulong para sa kanyang boyfriend na isang office worker sa Maynila. Humihingi rin siya ng awa na sana'y makahanap na muli siya ng trabaho (nakasama siya sa paglalay-out ng tao sa dati niyang opisina na pinagtatrabahunan).
:)
Ang huli kong napag-tripan: Ang mga "manikurista"
Hindi ako marunong mag-Ilokano kaya in Tagalog na lang natin ito isulat.
Pareho silang hindi nakapagtapos ng hayskul kaya bumagsak sila sa pagiging manikurista sa isang beauty parlor. Sa beauty parlor na din yun sila nagkakilala at naging mabuting magkaibigan. Masayahin silang mga tao at mahilig silang magkuwentuhan. Updated sila sa showbiz chismis dahil naririnig nila ito mula sa mga pinagkukuwentuhan ng kanilang mga costumer. Isang bagay ang kanilang pinagkapareho, yun ay ang pagkabaliw nila kay Piolo Pascual. Hindi sila naniniwalang bading ito at may relasyon kay Yul Servo. Halos lahat ng mga pelikula nito ay napanood na nila at kung may day-off sila ay sinisikap nilang pumunta sa mga guestings ni Piolo para manood. Pero kung paminsan ay pumupunta rin sila sa simbahan upang magpasalamat at humingi ng milagro sa Birheng Maria. Na sana'y maiahon sila at kani-kanilang pamilya sa kahirapan.
:)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment