Tuesday, May 31, 2005

Morning...

Later pa ako punta sa school. Ala naman akong duty sa RVC, ahihihi, kaya dito muna ako sa bahay. June 7 pa kasi yung official date ng pasukan. Wahaha!

Di pa dapat ako gising, dapat mamaya pa. Kaso lang ang lakas ng radyo namin, at ang tugtog? "J-O-Y, joy in my heart, deep deep down..." Potah. Biglang nagbukas yung talukap ng mata ko. Namumula pa yung mata ko dahil biglaang gising. Hay. Tas hindi na ako makatulog! Potah talaga. Sige na naman, ampunin niyo na ako. Please. Kahit isang linggo. Makikitulog lang. Haha. Potah ang desperate ko. Haha...

Syet. Tas feeling ko may eating disorder pa ako. Ang takaw ko. Hehe. Mamaya may libre si Ez sa Dad's. Syet wait. Dad's = Eat all You Can. Potah. Di nga muna ako kakain ngayon. Hanggang tanghali para super gutom na ako pagdating dun. Hahahaha... Sulitin! Hahahahahaha! Potah! Baliw! Hahaha

Ano pa ba? If you live in the south (esp. sa Las Piñas at sa Cavite), kapag liliko na yung bus sa may Longos (intersection ng Las Piñas at Cavite), take a close look sa clouds sa may Coastal Area (sa Bay). Astig talaga. Parang galing sa painting! Andaming low-lying clouds. Tas 'yung rays ng sunlight nag-penetrate sa clouds. Parang bumukas yung langit. Hay. Not enough words to describe its beauty. Basta. Ang ganda. Super. Ang babaw ko ba? Ang ganda talaga eh. Hay...

Maya na ulit ang post. Ligo muna ako. Potah. Punta na lang ako sa skul. Peste kung mamaya pa ako aalis baka super ma-trapik na ako sa may Vito Cruz. Paduguan ng ilong ang style ng traffic dun sa may La Salle. Tinalo pa ang EDSA. Syet.

Di ko alam i-eend ang post ko.

Basta.

Ang ganda talaga.

Niravana.

Sunday, May 29, 2005

Ha!

And I thought, I would be spending this day in my sweet sweet bed. Ha! I ended up doing other things dahil ang init! I pampered myself this morning, cooked lunch for family kanina and scouted for a good lay-out for my friend's site. Badtrip. Kapag yumaman ako, magpapakabit ako ng aircon sa kuwarto ko. Yung industrial aircon ha, hindi yung pang-kuwarto, para mukhang Antartica. Hay. Sana kasi parati na lang umuulan eh.

Puta. Speaking of ulan... Kagabi, di ba nasabi kong magsisimba ako, aba pag-uwi ko biglang buhos 'yung ulan. Normally, tatakbo ako to take cover. Pero kagabi, naglakad lang ako, as in yung slowwww walk. Ang weird nga dahil hindi ako nagkasipon o ubo o lagnat man lang. Di tuloy na-prove yung connection ko between the rain and falling in love. Saka ko na sasabihin yung tungkol dun. May mas importante akong ikukwento.

Kahapon kasi ang death anniversarry ng lolo ko. So nagdecide kami ni mami at ng tita ko na magsimba sa Good Shepherd. Syempre, friday iyon so konti lang ang tao... At mostly, matatanda. Laking gulat ko na lang nung mpatingin ako sa upuan nung mga choir. Sa likod nung mga bata (every friday kasi ang practice ng Children's Choir), nakita ko siya. At si "Siya" ay si Mario.

Si Mario with unknown surname. Ang crush ko nung bata pa ako. Andun siya, ganoon pa din ang itsura, yung makapal niyang kilay, morenong kutis at ang mga nangungusap niyang mata. Yung imaheng natatak sa utak ko, iyong-iyon, walang labis, walang kulang.

Never pa kaming nag-usap. Nalaman ko lang yung pangalan niya sa kapatid ko dahil pareho silang altar boys nung mga bata pa kami. Nagkakasama kami sa mga joint activities ng girl's club (yung mga flower girls) at mga altar servers, pero ni minsan hindi ako nagkaroon ng chance na marinig ko yung boses niya. Suwerte pa nga si Steph (si bespren) at nakausap na niya "siya" dahil nagkasama yung choir nila sa isang concert.

Wala pa ring nagbago. Crush ko pa din siya dahil sa pagiging malapit niya sa Diyos. At hanggang ngayon, wala pa ring pag-asang magkausap kami o malaman ko man lang yung surname niya. Hay buhay..

Hahanapan ko siya ng picture sa mga lumang annuals ng simbahan na meron kami. Hehe. May kuha kasi yung choir nila dun! (Dapat kasi St. Anne's Choir din ako parang siya, kaso tamad ako, at ni minsan hindi ako nakaattend sa mga practices) Tas pag nakakita ako post ko dito. :)

Haaaayy...

Haayyyy...

1st crush never dies... Yak. Di ba dapat 1st love never dies? :)

=========================

Manonood lang ako ng Girls in Love at Dave the Barbarian tas tatapusin ko na yung blog ni Jeppie (cute ng nickname ni Jeff! hehe!)

Saturday, May 28, 2005

Hay

Sori kung naging hiatus ang blog ko. Andami ko lang talagang ginagawa lately. Last tuesday galing ako sa mantrade, tas no'ng thursday (kahapon) galing sa hazing (haha.. juz kiddin') este ng induction ng org ko sa school then punta sa greenhills tas punta ng glorietta. Basta andami ko ginagawa lately. Siguro tomorrow, baka matulog lang ako the whole day, wala namang plano, at wala naman akong inaasahang bisitang dadating dito. Pahinga muna ako ng two whole days bago sumabak ulit sa mga problema.

Umalis na din pala dad ko kanina. Ayokong malungkot dahil hindi naman bagay sa akin. Isa pa, pagod na din akong malungkot. Nasabi ko na nga lang sa kanya bago siya umalis eh: "Dad, pano yan? Wala na akong kalaban sa magic sing?" Napakawalang-kwentang line no? Nakita ko siyang ngumiti, natuwa ako.

Naisip ko na 'to n'ong mga nakaraang araw. Di na ko dapat iiyak kahit kelan. Di na ako dapat masaktan.

Tama na yung serious part. Fun naman! Ayun last tuesday galing nga kaming mantrade nina Jeff, Leeann saka ni Ten para ipa-develop yung mga slides namin. Ang saya kasi adventure dahil kaunah-unahan: wala kaming transpo at wala ni isa sa amin yung may alam nung place at second, yung 300 bucks ko nadedo sa pamasahe. Nagpunta din kami sa glorietta para magpalipas ng oras. Hay...

Ayun. Tas madami pa nangyari! Nitatamad akong magkuwento. All time record ko ngayong summer! 4x akong nakapag-swimming! Ayun, may change of plans pala ako, bukas, tatayo lang ako para ayusin yung blog ni jeff. Tas baka punta na din ako sa starmall para manood nung spongebob mall tour. Pero more or less, tulog ako. Patay telepono ko. Kaya sa mga kokontak sa akin... Sori. Telepono ko naman ang magiging hiatus. :)

Hanggang sa muli.. :)

P.S. Baka magbago na ako ng lay-out.
Salamat sa mga nagbasa
Salamat kay Lord
Basta salamat sa inyo.

Magsisimba muna ako. :)

J, pagod na ako. Tama na. Ayoko na ng lokohan.

Monday, May 16, 2005

One year

Di ko inakala na may bagay na magtatagal sa buhay ko. Aaminin kong wala akong sense of committment kaya masayang-masaya ako dahil for the first time, may bagay akong sineryoso at nagtagal. One year na akong blogger! Actually, hindi dito makikita ang kauna-unahan kong post! Sa abiruidera.blogspot.com pa! Hehe. Andami ng nangyari, andami ko ng nasulat at proud ako! Kaya labis-labis ang pasasalamat ko sa lahat ng taong sumuporta, nagmahal, nakibasa, nagpa-iyak, mga nakasabay sa bus, at mga nagpatawa sa akin. Dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi naging makulay ang buhay ko, wala ako dapat natutunan at hindi ako magiging ako dahil sa inyo. Salamat sa inyong lahat!

=====================

Sensya na kung hindi magiging sobrang mahaba ang entry ko ngayon. Nag-iisip pa ako ng bagong kuwento na isusulat ko dito. Ano pa ba? Basta, ang saya ko. Sobra. Alam kong super babaw ko ngayon. Hayyy... Hindi lang naman kasi tungkol sa blog ito eh. Maraming bagay. Hay, sana maayos ko na nga lahat eh para mas happy.. :)

=====================

Aral po muna ako! May exam po kami sa histology lab this tuesday! Karir karir muna! :)

Wednesday, May 11, 2005

Pagod!

Hay. I don't know, but I just realized that I do have a bipolar syndrome. I was so sad this morning and now, after all the drama, here i am posting and honestly, and am very happy right now. Maybe because I released every bit of bad emotions that I have kept for a long time. I told some people how I really feel, and I guess that helped clear up several misuderstandings. Ayun.


Ano pa ba? Hay, last Saturday po pala galing ako sa Batangas! Ang saya! Nag-dalawang isip na nga ako na mag-drop ng histology dahil masyadong tempting mag-stay sa province! Duh? Abi = Swimming! And province = beaches! Darn it! Wala pang bayad yung beaches (we went to 2 beaches = Sigayan and Aplaya) doon dahil my mom made a freaking connection with two beach owners (we were related to them!) and anytime that we want to go swimming, ok lang (libre accommodationssss!). I liked Sigayan better because it has less jelly fish (sa Aplaya, sobrang rich ang kanyang marine ecosystem ng cnidarians!) and white sand siya (of course, mas maganda pa din ang sands ng bora - sabi nila! di pa ako nakakapunta doon!). Sayang lang kasi, we went to Sigayan medyo hapon na tas low tide pa. Hay. Sayang.


Hmm, what else? Baka next week pumunta ulit ako doon! Hahaha!! 'Yung dad ko kasi punta sa batangas race circuit para manood ng race with his friend, si tito betong ata (si Vaness Wu look-a-like). Ewan ko lang, pero gusto ko nga pahinga muna! Ang layo kasi ng trip! Almost 4 hours from Alabang! Hay.. Sana ayain ako nina april pag nagpunta sila sa Galera (summer-ender daw yun), I love to swim kasi! Kahit maging apo neg-neg ako, magpapagawa talaga ako ng swimming pool na may wave-wave kapag yumaman ako. Hehe.. Pansin niyo ba, parang ang haba ng entry ko? Bakit kamo? Dahil wala kaming quiz tomorrow! Hay... Fun..! PEro di ko pa ma-upload yung pictures dahil: tinatamad ako. Asa laptop kasi yung pictures, eh mag-eeffort pa ako na magkalkal at mag-bukas ng isa pang pc... Hay, iniisip ko pa lang napapagod na ako!


Hmmmmm... Last na.. Si Ate Genna asa skul kanina! Blooming siya ah! Hay, totoo ngang love is a great beautician. Oh well... Suwerte niya! I hope maging ok sila ng boyps niya na si Eric! Haha! O yun muna! Bukas ulit! Hehe.. :)


====================


Naayos ko na pala yung talagang sched ko, asar kasi, restricted daw ang bio 120 lec3 sa biochem! Nyarks! May class tuloy ako ng 1 - 7 pm! Badtrippp! tas baka mag-add ako ng bio 124 (rad bio). Hehe... Papaka-toxic na ako! Haha!!

Monday, May 09, 2005

Ahoy there!

Shux... Ang tagal magbukas ng website ng UPM sa browser ko. I'm writing this entry para di ako ma-bore sa kakahintay. Yun. Dami kong subjects next sem! Putek! Bio 120, Bio 199, Bio 196, Bio 150 tas STS! Hay.. Feel ko na 4th year na ko! Hay... One more year to go tas it's med na for me. Hay. Kaasar tong UP ah. Hi-tech nga ke bagal naman! Asa bahay na pala ako. Hehe.. Magpapaka-toxic muna ako! Hehe... Gagawa pa kami ni Leeann ng sched namin. Babu!

Tuesday, May 03, 2005

End of the three part mini-series

Natigilan siya sa ginawa ko. Sinabihan ko siya na handa akong tumulong sa kanya, para palakasin ang loob niya para tuluyang gumaling. Napapayag ko siya bandang huli at sabay kaming umuwi noon para ibalita sa mga magulang niya ang magandang balita.

Isang taong gamutan ang nangyari. Tinupad ko ang pangako kong hindi ako aalis sa tabi niya at sasamahan sa kanyang problema. Naroon ako sa mga panahong namamalipit siya sa sakit, noong unti-unting nalalagas ang buhok niya... Naroon ako para dumamay, para kahit papaano, maibsan ang hirap na kanyang dinaranas.

Ang paghihirap namin ay nagbunga. Ang tiyaga at suporta namin ng kanyang magulang at kaibigan ay nagpalakas sa kanya ng loob para lumaban. Unti-unting bumalik ang kanyang sigla, kasama na rin ang naudlot na aming pag-iibigan. Ang mga nangyaring tradehya sa aming relasyon ay ang siyang nagpatibay lalo sa aming samahan.

Ngayon, habang sinusulat ko ito ay katabi ko si Julian sa aking tabi. Nakangiti habang inaalala namin ang unos na aming pinagdaanan at ang ligaya na sa habambuhay ay aming pagsasaluhan....

Fin
=========================
Hayan. Akala niyo sobrang drama no? Di naman. Ayoko ng masyadong tragedy baka maiyak kayo. Hehe... Saka mas gusto kong tapusin ito na nag-iiwan ng saya at kilig sa puso niyo. Ang sarap kaya ng feeling ng may nag-aalala sa iyo at may nagmamahal ng totoo.. Ay! Hehe. Hindi ito kuwento ng lovelife ko. Inspired lang akong gumawa ng kuwento na gaya nito. Sana nagustuhan niyo! Hehe... :)

Monday, May 02, 2005

Part II..

Sori nabitin ko kaya sa kuwento ko. Heto na yung kasunod ng kuwento ko...

=====================

Hindi ko matanggap ang mga sinabi nya sa akin, hindi ako naniniwala na masasabi niya ang lahat ng mga bagay na iyon. Na hindi na niya ako mahal, na nagsasasawa na siya sa akin. Nanghina ako at kung hindi ko naisandal ang kamay ko sa pader, malamang ay nawalan na ako ng panimbang at bumagsak sa sahig. Hindi ko nagawang umiyak dahil hindi ko na kaya. Nagmamadali akong umalis sa bahay nila at hindi ko na nagawang magpasalamat sa mommy niya.

Pagdating sa bahay, nagkulong ako sa kuwarto. Tinabunan ko ang mukha ko ng unan at umiyak ako. Ramdam ko yung bigat sa dibdib ko at inilabas ko lahat. Iyon na ata ang pinaka-pangit na araw sa buong buhay ko. Sana mamatay na lang ako. Paulit-ulit kong sinabi 'yun... Dahil nawalan ng saysay lahat. Lahat ng pinaniwalaan ko, biglang naglaho.

Ilang linggo ang nakalipas at malungkot pa rin ako. Hindi ako makakain, at nilunod ang sarili sa lahat ng mga trabaho sa school. Malaki ang naging epekto sa katawan ko, bumagsak ang timbang ko at napapansin na rin ng mga kaklase ko na unti-unti ng nawawala ang dati kong sigla. Pinilit kong kalimutan ang lahat, na hindi ako magpapatalo sa damdamin ko. Madalas kong pinaniwala ang sarili ko na ok ako, kahit hindi.

Lumipas pa ang mga araw at unti-unti ko ng natatanggap na wala na si Julian sa buhay ko. Muli akong tumambay sa waiting shed dahil hindi man kapani-paniwala, hinanap-hanap ko ang pagmamasid sa mga tao at ang alikabok sa kalsada. Marami na ang pinagbago sa waiting shed. Wala na si Mang Berting dahil tapos na ang construction sa likod ng waiting shed. Si Aling Mameng ay napalitan na ng kanyang anak na si Yayo. Si Grace ay wala na, dahil ang balita ko kay Yayo, may natuwa kay Grace na mag-asawa at inampon siya ng mga ito. Subali't ang mga alaalang dala ng waiting shed sa akin ay naroon pa rin. Yung isang maulang hapon noong Hulyo, naroon pa rin. Hay...

Isang hapon, matapos ang finals namin sa skul ay dumiretso ako sa waiting shed. Sabi nga nila, ang mga bagay na hindi mo inaasahang mangyayari, ay iyon pa ang magaganap. Malayo pa lang ay may natanawan na akong nakaupo sa paborito kong upuan (doon kami nagkakilala). Hindi ko maikakaila ang tindig at itsura ng taong iyon. Kilala ko ang taong iyon. Si Julian.

Nagdalawang-isip ako kung lalapit ako. Ayoko ng bumalik lahat sa akin, pero may mga katanungan ako na hindi pa nasasagot, kung kaya't nilakasan ko ang loob ko at lumapit ako. Umupo ako sa tabi niya, pero wala siyang imik. Sinandal lang niya ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Huminga ako ng malalim at tinanong ko siya ng bakit.

Alam kong makikita kita dito. Iyon ang sinabi niya, at hindi iyon sagot sa tanong ko. Tinanong ko siyang muli, hindi siya nagsalita at hinawakan ang kamay ko. Na-miss raw niya ako. Sa totoo lang... medyo naiinis na ako noon dahil ayaw niyang sagutin ang tanong ko. Inalis ko ang kamay niya at sa huling pagkakataon ay tinanong ko siya. Inalis niya ang ulo niya sa balikat ko at muling hinawakan ang kamay ko. Ipinaliwanag niya lahat sa akin. May sakit siya pero mas pinili niya ang huwag magpagamot, wala rin naman daw kuwenta dahil hindi na siya naniniwala na gagaling pa siya.

Nagalit ako at sinampal ko siya. Umiyak ako hindi dahil naglihim siya sa akin pero dahil ayaw na niyang mabuhay.....

(Shet sorry, mamyang hapon na talaga ang ending pramis. Dami kasing istorbo eh. :))

Sunday, May 01, 2005

hay.

May kuwento ako na laging naiisip habang naghihintay ng bus sa may waiting shed ng U.N. Avenue. Kinda mushy... Hehe...

===============

Naging libangan na ata sa akin ang pag-upo sa waiting shed sa may U.N. Avenue. Trip-trip ko lang ang magmasid sa mga taong naghihintay kung kaya't ginagabi ako lagi ng pag-uwi sa amin. Hindi ko inaalintana ang kapal ng usok ng mga tambutso at ang ingay ng mga sasakyan. Para sa akin ito ang kasiyahan ko dahil dito lahat ng klase ng tao napapagmasdan ko.

Marami na rin akong nakilala sa libangang kong ito. Si Aling Mameng na may sariling maliit na bangketa sa may waiting shed. Halos ata lahat na puwedeng kailanganin ng mga dumadaan eh ibinebenta niya. Mga sedula, ballpen, candy, dyaryo, buko juice, mineral water, sigarilyo, at ultimong e-load ay meron siyang itinitinda. Akala ko noong una'y suplada si Aling Mameng dahil matapang ang kanyang mga mata at mukhang laging may iniisip. Nabigla na lamang ako noong minsang tinanong niya ako kung bakit nakahiligan kong tumambay sa waiting shed. Simula noo'y lagi na kaming nag-uusap, tungkol sa gobyerno o kung minsa'y sa mga chismis tungkol sa mga artista na kanyang nababasa sa diyaryo.

Ang pangalawa'y si Grace. Ang bulag na namamalimos sa may dulong bahagi ng waiting shed. Aliw na aliw ako sa kanya dahil sa ganda ng kanyang boses. Kung hindi lamang naging bulag ang batang ito, malamang ay sumikat ito dahil sa galing niya sa pagbirit. Nakagawian ko ng bigyan siya ng tinapay (baon ko) kapalit ng isang madamdaming kanta.

At ang huli ay si Mang Berting. Foreman siya sa ginagawang building sa likod ng waiting shed. Paminsan-minsan ko lamang siyang nakakausap dahil sasaglit lamang ang breaktime nilang manggagawa.

Hindi sa kanila umiikot ang aking kuwento, subali't sa isang hindi makalimutang pangyayari.

Tandang-tanda ko pa. Isang maulang hapon sa buwan ng Hulyo ng una ko siyang makita. Patakbo siyang sumilong sa waiting shed. Umupo siya sa tabi ko at napansin kong basang-basa siya mula ulo hanggang paa. Sobrang nanginginig siya sa lamig kung kaya't naisipan ko ipahiram ang jacket ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at nagpasalamat sa jacket. Nalaman kong pareho kami ng bus na sinasakyan pauwi. Kung kaya't nong dumaan na ang bus namin ay pinasukob ko siya sa payong ko. (Nalaman ko ang pangalan niya: Julian!)

Habang sakay kami ay napailing ako at sinabi ko sa kanya na bakit ba halos lahat ng lalaking kilala ko eh hindi mahilig magdala ng payong o sumbrero man lang. Napahiya ata sa akin kay siya na ang nag-alok na ibayad ako ng pamasahe. Ipinaliwanag ko naman sa kanyang hindi niya iyon kailangang gawin dahil bukal sa loob ko ang pagtulong sa kanya. Ipinilit pa rin niya ang bayad kung kaya't ako naman ang napahiya at napilitang tanggapin ang kanyang alok.

Hindi doon nagtapos ang pagkikita namin. Nasundan pa ito ng maraming beses dahil nagkataong pareho kami ng oras ng labas galing sa school. Naipakilala ko na rin sa kanya si Aling Mameng, si Grace at si Mang Berting. Natuwa siya at nasabihan pa akong unique at hindi maarte. Hindi ko raw pinipili ang mga taong gusto kong makilala, ke mahirap man sila. Naging madalas na rin ang pagsasabay namin pag-uwi. Nagulat na lamang ako nang isang araw ay inalok niya ako na ihatid pauwi. Ililibre daw niya ako ng kape dahil nakuha niya 'yung stipend niya sa scholarship. Pumayag naman ako dahil wala din naman akong lakad noong araw na iyon.

Kalagitnaan ng aming pag-uusap ay bigla siyang natahimik. Yumuko siya at huminga ng malalim. Tinanong ko siya kung ano ang problema, at sinagot naman niya ako ng meron. Tumitig siya sa akin at sinabing unti-unti na raw na nahuhulog ang loob niya sa akin. Ipinaliwanag niya sa akin lahat-lahat. Sinabi ang kanyang nararamdaman at nang matapos ay muli siyang yumuko. Nahihiya raw siya dahil baka raw isipin kong inabuso niya yung kabaitan ko sa kanya. Ngumiti ako at inamin ko din ang nararamdaman ko para sa kanya. Talo ko pa si Kris Aquino sa pagbubunyag ng mga lihim. Pagkatpos noon ay pareho kaming natahimik. Tatayo na sana ako at aalis dahil sa kahihiyan ng hinawakan niya ang kamay ko. Nakiusap siya. Kung pwede raw na bigyan ko siya ng pagkakataon na mahalin ako.

Bigla ata akong nasapian at kung ano'ng pakiramdam ang biglang bumalot sa katawan ko. Hindi ko masabi kung ano, basta ang alam ko, masarap at para akong idinuduyan sa ere. Ayokong mawala yng pakiramdam na iyon kaya pumayag ako. Noong inihatid niya ako, sobrang saya ko. Sa loob-loob ko: Kami na! Hay... Ewan ko pero noong tumalikd siya at lalakad na palayo sa bahay namin eh bigla ko siyang niyakap. Natigilan siya at nabitawan yung hawak-hawak na paperbag. Hinawakan niya yung kamay ko tapos sinabi na sobrang saya niya. Hindi ko nakikita yung reaksyon niya dahil isinandal ko ang pisngi ko sa likod niya, ipinikit ko ang mata ko at paulit-ulit kong sinasabi na mahal na mahal ko siya.

Pero hindi lahat ng kuwento ay happy ending. Kung bakit naman kasi sa buhay ng tao, hindi puwede ang laging masaya...

Walong na buwan ang lumipas na puro saya at pagmamahalan. Inasahan ko ng kami na talaga dahil wala kaming naging problema dahil open kami sa isa't isa. Pero mali ako. Dahil sa isang iglap, nawala siya. Patay lagi ang telepono, laging wala sa bahay at hindi pumapasok sa eskwelahan. Gulung-gulo ako dahil hindi ko alam kung bakit. Naging madalas ang pagtambay ko sa waiting shed. Umaasang makikita ko siya muli. Subali't sa araw-araw na pagtigil ko doon ay lagi akong tulala. Laging walang imik at malalim ang iniisip. Pinagpayuhan na nga rin ako ni Aling Mameng at Mang Berting na tigilan ko na ang pag-iisip, dahil kung kami raw ang para sa isa't isa eh magkikita kaming muli. Lahat ginawa nila para lang sumaya ako, pero nabigo sila.

Hindi ako kaagad sumuko dahil gusto kong malaman kung ano ba talaga ang dahilan. Kaya noong isang araw na nawalan kami ng pasok dahil sa welga ay dumiretso ako sa bahay nila. Nadatnan ko ang mommy niya. Malungkot at hindi maipinta ang mukha. May iniabot na sulat sa akin. Binasa ko ito at pagkatapos ay natigilan ako at sobrang higpit ang hawak ko sa sulat niya...........

****Itutuloy****

(Sori! Next time na po ang karugtong... :) Isipan niyo ng ending! :))