Sa mga taong lagi kong kasama, mapapansin niyo na may mga oras na bigla na lang akong tumatahimik o bigla na lang aalis. Maaring ang dahilan ko eh hindi na ako nakakasabay sa mga hirit niyo o dili kaya ay malalim ang iniisip ko.
Mas karaniwan ang pangalawang dahilan kung bakit ako tumatahimik. Naisip ko lang ata yun kahapon nung naglalakad ako sa SM kahapon. Marami akong naisip kahapon, at balak ko sana silang ilagay ngayon dito. Pero, may mga bagay na mas mahalagang punahin at isulat kesa sa mga obserbasyon ko.
Sa mga nakalipas na araw, puro love ang sinusulat ko dito. Kung paano ako nasaktan, kung paano ako nagalit at kung paano ko siya sinumpa. Hindi nga niya alam ang tungkol sa mga posts ko, hanggang kahapon. Nabasa niya lahat-lahat. Ang galit, ang mura at ang mga pag-iyak.
Naging unfair din ako. Dahil hindi ko sinabi. Dahil sinarili ko 'yung nararamdaman ko. Ayoko ng away, ayoko ng sumbatan. Kaya ko sinulat yun para mawala yung tensyon. Para makalimot. Hindi para siraan siya at pagmukhaing ako ang laging tama.
Mahirap magmahal, may mga beses na iiyak ka, masasaktan, at aayaw na lang. Wala namang relasyon na perpekto di ba? Ako kaya ako natutong magpasensya at maging selfless dahil sa kanya. Meron din akong mga bagay na natutunan mula sa kanya. Hindi lang puro sakit at iyak. Hindi lang nasusulat dito yung ilang ulit na pagpapangaral sa akin na wag akong magpupuyat, at wag akong magpapagabi, mag-aral ng mabuti at ang mga paglalambing na di ko inaasahan. Ayokong magyabang pero lahat ng iyon nasa loob ko. Muli't muli kong binabalikan lahat ng iyon, gaano man ka-busy ang buhay ko.
Masyado ng seryoso. Nagiging mushy na naman ako. Pero yun yung totoo eh. Yun yung nasa isip ko ngayon...
Kung sakaling mabasa mo itong entry ko, alam kong galit ka. Lahat ng sinabi ko totoo... Mahaba ang pasensya ko. Wag kang makialam! :)
Tama na nga ang pagiging seryoso. Baka ang panget ng kalalabasan ng sayaw ko mamya. (Tama ba? Sayaw = Abi? Wahaha! Totoo po yun! Hehe.. Pero hindi ito contest at lalong hindi sa LT ito gaganapin. Hehe... :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment