Dapat ay nag-aaral ako ngayon, pero anong ginagawa ko? Nagtatamad-tamaran.... Hirap kasing piliting isuksok sa utak ko ang 5 chapters ng Klug and Cummings. Tinamaan kasi ng kulog, nakakaantok! Hay naku.
Ano pa ba? Salamat kay Trish dahil ngayon, may ipagmamalaki na akong gmail account. Wahaha. Kelangan ko nga ng 1000 MB na inbox storage space para sa mga natatanggap kong experiment papers.
Hmm.. Ano pa ba? JRay, ako po ay isang BS Bio student gaya mo. 3rd Year, block three. Hindi ako mahirap makilala dahil: RVC ako (lagi ko kayong nakikita tuwing enrollment). Hahahaha... Kilala ko si Trish. Di ko nga rin matandaan kung paano ko nalaman ang blog address mo. Hehe.. History.. :) Sabihin mo sa mga classmate mo na mag-RVC sila. Madaming benefits! Una: May mag-aayos ng enrollment mo, Pangalawa: Libre pagkain tuwing may duty, Pangatlo: Makakakilala ng mga tao, Pang-apat: Puwede kang pumili ng schedule mo (Tulad ko: Nung 2nd year second sem, wala akong pasok ng Miyerkules, pati ngayong sem... Hehehe) At Pang-lima: Makakasama mo kami. Importante yun. Hehe... We're accpeting new members na! Kaya ano pang hinihintay nio! Sali na! Haha....
Yun muna. Aral ulit.... zzzzzzzzz
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment