Monday, March 28, 2005

hayy...

I'll be changing the lay-out of this bloggie after all exams. Hmm ano pa ba? Sana makasama ako sa friday! Swimmingggggg! Yey! Sa Cavite ata, kasama blockmates kse magbbirthday na si april sa april 4.. Hehe.. Dunno pa nga kung wat gift yung bibigay ko sa kanya.. Si momon na lang kaya? wahaha!


Ano pa ba? Hmm kaya ako online eh nag-aaral ako online! Bait ko! Di actually cramming nga tong ginagawa ko kse shopping kmi ni mami knina. Shux! I bought 2 pants na naman. Asar...


Hay sana tuesday na para masaya na ulit ako. Kse naman sa bora pa nag-punta di pa sa bahay namin. May banyo naman kmi, tas kung buhangin din lang hanap niya, may construction sa village namin. At kung chickas din ang hanap ng kapatid nia at nung bestfwend nia eh andito naman ako. Wahaha! Asa bahay pa si April, c chel at si steph nung sabado. Complete! Libre accommodations at fud! Hay naku.


Ano pa ba? I'm learning to bake pala this summer! Gusto ko kse matuto para babake ako lagi ng cake, ng lemon squares, ng cookies para dadalhin ko sa kanila. Hehe... Pa-gurlaloo epek ba. Hay. Sana matuto ako.


Yun muna ulit.... Wah! Abi = sad.


47. Nag-aaral ng nakababad ang paa.
48. Tinry ko ng uminom ng coke na may kape. Takte ksi si Rex, sabi epektib daw pag nag-aaral. Oo nga naman, epektib. Kaso 2 araw akong di nakatulog.
49. Tahimik akong tingnan, pero sobrang makulit ako.
50. Gusto kong yumaman. As in yung yaman na tipong Ayala.
51. Kasama si Mike Enriquez (Imbestigador) sa mga gusto naming tatay ni April at ni Marvin.
52. Lahat ng kalaro ko ng bata wala na dito. Lahat asa Canada.
53. Nanakawan na ako ng fone. Ang masaklap pa, pinagmukha akong tanga dahil sa harap mismo ng Supreme Court na-jobong ang fone ko.
54. Ang bahay ko ay isang sakay ng bus at isang tricycle mula UP Manila.
55. Mahilig akong tumambay sa kotse ni April para magpalamig, kumain, mag-whine at makitulog.
56. Pangarap kong maging mommy, magka-asawa at magkaroon ng 2 anak.
57. Gusto kong maging Forensics pathologist o puwede na rin ang neurosurgeon parang kapatid ng lola ko.
58. Ulila na ako sa lolo.
59. Batangenya ang nanay ko at ang tatay ko ay taga-Quezon.
60. Dapat ay sa La Salle Dasma ako nag-aaral. Ang course ko dapat: BS Human Biology
61. Paborito kong fud: Hungarian Rice ng Smokey's or yung Combo no. 2 ng Barrio Fiesta sa Rob
62. Na-memorize ko yung Ni Yao De Ai, closing track ng Meteor Garden. Napagkamalan tuloy akong Chinese habang kinakanta ko yun sa bus.
63. Sobrang hilig kong manood ng t.v. As in. Sobra.
64. 4 na beses ng muntik mawala ang ID ko sa skul.
65. Isang beses pa lang ako nag-aply ng library card sa skul. Kaya nakikiiwan ako ng bag sa kotse ni April bago pumasok.
66. Peyborit na kulay: Pink, black, green.
67. Nag-iisa akong anak na babae (Yak. Dalawa nga lang kmi eh)
68. Hindi ako nahuli ng terror kong teacher nung 2nd year na may kodigo. Take note, nangodigo ako sa Science - Biology (Course ko)
69. Naging crush ko si Dao Ming Zhu ng F4. Potah.
70. Nagkaroon ako ng crush for 9 years. Nakita ko last Holy week, mukha ng mama!
71. Yung isa ko namang naging crush may asawa't anak na. Take note. Kasing-age ko ata yun.
72. Kung gusto mo akong makita, abangan ako sa GBox o kaya ay katukin ang kotse na kulay-tae na may plate number na WaDeDe 288.
73. Skul ng hayskul, elementary at preskul: Divine Light Academy.
74. Bespren ko: Si stephanie na taga-Mapua.


Naubusan na naman ako! Bukas na ulit ung 75-100. :)

No comments: