Saturday, November 13, 2004

Hmm..?

Ang sakit ng likod, ulo at puso ko ngayon. Bakit? Una, dahil sa pagod at pag-iisip. Pangalawa, nawindang ako dahil hinimatay si Ma'am Lacdan habang nagkaklase ng Ecology Laboratory dahil hindi kumain. At ang pangatlo at ang matindi, nawala ako kanina sa Ongpin noong pauwi na ako sa amin galing Recto.

Doon na lang ako sa huli magpopokus dahil 'yung una eh baka lalo pang sumakit ang ulo ko. 'Yung pangalawa eh malamang lantad na madlang publiko ng mga Taga-UPM kung ano'ng nangyari kay ma'am lacdan.

...

Naghanap kami ni April kanina ng mga libro sa Recto kanina. Nag-cacanvass kasi kami dahil ang mahal ng mga libro sa national bukstore! Ayun, 5:30 pm na kami natapos at medyo masama 'yung pakiramdam ni april kaya binababa niya ako saan? Sa bambang, tayuman. Ok lang, dahil kabisado ko na 'yun dahil sa pagbili-bili ng mga gamit sa mga laboratory. So sumakay ako ng jeep puntang Sta. Cruz para doon sumakay ng bus pauwi sa amin sa Las Pinyas.

Ang masaklap, pinutol ng jeep 'yung route niya, at ilang kanto pa lang kami eh pinababa na ako dahil daw ala na siyang sakay at kesyo ma-trapik. Ang advice niya sa akin? "Neng, lakarin mo na lang.." Lam ba niya kung gaano kalayo 'yun!!??? At haller?? Ano'ng oras 'yun? Di ba niya naisip na babae ako at gabi na??!! Wala rin naman akong magawa, dahil, una, ang tita ko ay nasa las pinyas at God knows where ang location ko ngayon. Pangalawa, alangan namang i-text ko si April ng: "Tang ina!!!! Sunduin mo ko!!!!" (may kahihiyan naman ako no, kasi naman hindi ko naman siya opisyal driver!!)

Kaya ako naman si miss magaling, baba nga ng jeep at sige lakad. Sa loob-loob ko, ok lang dahil kapag sinundan ko ang mga jeep na puntang sta. cruz, di ako maliligaw. At ito ang pinakamalaking pagkakamali kong ginawa sa buhay ko.

Alam niyo kung ano nangyari???!! Nakarating nga ako sa Ongpin (last stop puntang Santa Cruz) pero ang floor plan pala nito'y parang isang complex maze! Isang maling liko, dedo ka na. Palatandaan ko? Pag nakita na ang nagbebenta ng hopya at biskwit sa daan na malapit sa bilihan ng alahas, ibig sabihin noon, malapit na malapit na ako sa Plaza Sta. Cruz.

Pero sa dakilang katangahan ko, nakita ko na nga yung Welcome Arc ng Ongpin di ko pa 'yun pinuntahan! Lumiko ako! Ang dilim-dilim na doon tapos ang dami dami ng tao dahil sa video karera. Bumalik ako at diniretso ko na 'yung arc.

Putik yan, para akong nasa isang Music Video, una nag-sesenti dahil nawala ako at mag-isa lang ako, tapos naging horror dahil nawala ako at napdpad sa isang lugar na puro intsik beho (ang alam ko lang chinese phrase ay: Ni Hao Ma? na ang ibig sabihin ay How Are You? at Wo Ai Ni at ang ibig sabihin? I Love You; tangnang 'yan.....!!) tapos naging comedy pa dahil nung nakita ko yung Lugar na Bentahan ng Hopya sa Kalye na malapit sa bilihan ng Alahas, muntik ko ng nahalikan 'yung lupa at sumigaw ng "Salamatttt!!!!"

Lesson Learned: Mag-aral ng Mandarin Chinese para kung sakaling mawala muli sa Ongpin, marunong na akong magtanong kung nasaan na ako. Joke!

Ang totoong lesson dito: Wag sumabay kay April kapag masama ang pakiramdam niya.

Este...

Mag-ingat sa Maynila. Wag umuwing mag-isa lalo na kung di kabisado ang lugar dahil baka magaya kayo sa akin na hopeless na hopeless pag nawala.

On the bright side, andito pa naman ako at nakauwi naman ako ng maayos. O yan.. I leave you guys with the lyrics of Kitchie Nadal's latest hit na Wag na Wag Mong Sasabihin.

(Bagay na bagay si Kitchie Nadal na kumanta nito. Dalang-dala ako ng meaning nito! Sobraaaaa! Ang ganda...)

Kitchie Nadal - Wag Na Wag Mong Sasabihin

may gusto ka bang sabihin
ba't di mapakali
ni hindi makatingin
sana'y wag mo na itong palipasin
at subukang lutasin
sana nga'y sinabi mo na...

iba'ng nararapat sa akin
na tunay kong mamahalin

oh... wag na wag mong sasabihin
na hindi mo nadama itong
pag-ibig kong handang
ibigay kahit pa kalayaan mo

ano man ang inaakala
na ako'y isang bituin
na walang sasambahin
di ko man ito ipakita
abot langit ang daing
sana nga'y sinabi mo na...

at sa gabi, sinong duduyan sa'yo...
at sa umaga, ang hangin ang hahaplos sa'yo...

oh...
oh...
oh...

wag na wag mong sasabihin
na hindi mo nadama itong
pag-ibig kong handang
ibigay kahit pa kalayaan mo...

No comments: