Monday, November 08, 2004

Hayyy...

Linggo ngayon pero meron kaming review. 6 am pa lang gising na ako at nag-aagahan. Di ko na nga halos naramdaman na natulog ako eh. Lumapat ang likod ko sa kama tapos maya-maya lang aalis na naman ako. Pero ala naman kasi akong magagawa dahil nabayaran ko na 'yung review at medyo sayang din ang ibibigay na baon sa akin.

Ang masaya lang kasi kapag umaalis ka ng linggo, maluwag ang kalsada at konti lang ang kaagaw mo sa pagsakay sa bus. Maluwag na, mabilis pa. Excited nga ako at umalis ako ng 7 am dito sa bahay. Alam mo kung ano'ng oras ako dumating sa PCU? Alas-7 y medya! 30 minutes lang ang byahe! Umupo ako doon sa may corridor dahil ayoko pang pumasok sa loob ng classroom. (Malay ko ba kung may mumu doon!)

Pero feeling ko ako ang napagkamalang mumu dahil medyo di pa ayos ang buhok ko at natutulog pa ako doon sa silya. Buti na lang, kilala ako noong sumunod sa akin na dumating kung hindi baka napabilang na siya sa mga nabiktima ko. Dati kasi sa PGH noong nag-duty pa ako sa mga wards (CWTS kasi 'yun) eh nakatulog ako doon sa isa sa mga wheelchair. Medyo mahaba pa ang buhok ko noon, nilulugay ko pa yun dati at natiyempuhan pang naka-puti akong t-shirt. Ang masama pa noon, 'yung wheelchair na tinulugan ko eh nakatalikod sa tao. Kaya paggising ko, hayun nakatingin sa akin lahat ng mga watcher na kadarating lang. Nagtaka pa nga ako eh kung bakit eh.. Hehe...

So iyon nga. Dumating din 'yung mamang galing sa All-UP kaya pumasok na ako sa classroom. Microbiology kasi kami ngayon kaya ako umattend. Di ko pa kasi iyon natetake dahil kasama 'yun sa mga elective na puwede kong kuning pag-4th year na ako. Ok naman 'yung review. Nakakaaliw nga kasi, andami kong natutunan na mga sakit at mga gamot.. Ito ang ilan sa mga kawili-wiling "facts" na nalaman ko:

1. Di naman daw talaga nagka-SARS. Ginamit lang daw 'yun ng gobyerno para ma-mobilize ang mga rebelde at terrorista. Impossibleng magka-SARS dahil ang sakit na ito ay activated sa 37 degrees Celsius na temperature. Fatal ang corona virus kaya imposibleng magtagal pa ng isang buwan ang pasyenteng may SARS sa kondisyon ng ating temperature noong mga panahong iyon.

2. Hindi gonorrhea ang sakit ni Kris. Ang sakit niya ay Cervicitis ang tawag sa kanyang sakit. At asymptommatic ito. May posibilidad na hindi galing kay Joey ang sakit niya at... malamang siya pa ang nakahawa dito.

3. Ang daga ay walang rabies. Ang aso at pusa lang ang meron.

4. Ang kinamatay ng anak ni Django Bustamante (yung player ng Billiards) ay dahil sa Neisseria meningitidis na nagdudulot ng sakit na meningitis.

5. Hindi namamatay ang isang HIV positive dahil sa AIDS kung hindi dahil sa impeksyon na kasama nito.

6. Kapag malala na ang tuberculosis, ang pasyente ay nagsusuka ng lung parenchyma (bahagi ng kanyang lungs) dahil sa lung necrosis o pagkasira ng baga. (Ewww)

7. Ang Naegleria fowleri ay isang air-borne protozoan na puwedeng sumuot sa butas ng ilong at dumiretso sa utak. Ang resulta? Meningioencephalitis. 95% ng mga huminga ng infected na hangin ay namamatay sa isang linggo. (Huminga ka man o hindi, patay ka.)

Marami pa talaga eh. Tinatamad lang akong maglagay dito. Hehe.. Epekto kasi ng mga tugtog na nakakaantok kanina sa bus eh. Country music ba naman! Haha!

Bukas na lang siguro muli!! Babayu... Mwah.

No comments: