If yer sick of reading my love posts den ignore this one.
Minsan na akong naniwala na puwede tayo. Na puwede ka ngang ma-inlab sa isang tulad ko... sa isang "nobody." Ano ba naman kasi ako kumpara sa mga babaeng nagiging crush mo? Ala akong maipagmalaki kung hindi ang pagkakaroon ng isang masayang pamilya at ang "fact" na nag-aaral ako sa isang de-kalibreng Unibersidad. Sa totoo lang, sa tuwi kong makikita 'yung mga friendster ng mga crush mo, nanliliit ako.
Walang-wala ako. Sila maganda, mayaman at normal 'di katulad ko na simple, inosente at utot lang ang itsura kumpara sa kanila. Sakit no? Sabihin ng masyado kong ibinababa ang sarili ko, pero 'yun ang totoo eh. Ano lang ba ang puwede kong ibigay sa 'yo? Wala.
Alam kong nagbabasa ka nitong mga post ko. Di ko ito sinulat para sumbatan ka at magalit sa iyo. Sinabi ko lang ito para malaman mo kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Marahil ito na rin ang dahilan kung bakit lagi akong nagseselos kay (M).
Gaya ni Snow White, nagising na ako. Ngunit di dahil sa halik ng prinsipe, kung hindi sa katotohanang ngayon ko lang lubos na nakita.
Insecure talaga ako. Walang makakatanggal nito kung hindi ako lang.
Bukas pala ay may pasok na ako. Hayyy... Tapos na ang non-existent sembreak ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment