Sunday, November 07, 2004

Badtrip.

Ano'ng araw ngayon? Sabado. Ano'ng petsa? Ika-6 ng Nobyembre 2004. Markado ang araw na ito dahil sa sobrang sama ng loob na tinamo ko. Hindi ito basta-bastang sama ng loob na dapat maranasan ng isang tao. Labis-labis ang sakit na nararamdaman ko.

Umaga.

Alas-singko y beinte dos ng umaga. Naalala kong 3 buwan na pala kami ngayon. Tingin sa fone. Alang text. Sa loob loob ko lang.. Ok lang. Baka tulog pa.

Tanghali.

Nakikinig sa walang sawang review. Tingin ulit sa fone. Ala pa din. Tinext ko na. Ibang bagay pa ang ni-reply sa akin. Dagdag sama ng loob sa naunang kasalanan. Ok lang sa loob-loob ko... Kung ang Diyos nga nagpapatawad, ako pa kaya? Pinaalala ko sa kanya na tatlong buwan na kami.

Hapon.

Inaaya akong umalis. Tangna. Ni hindi ka pa nga nag-sosorry eh. Ni hindi pa nga ako lubos na nakakalimot sa mga masalimuot na sinabi mo sa akin noong isang araw. Hindi mo ba naisip na hindi pa ganoon ka-okay ang lahat? Ni hindi ka man lang nga gumawa ng paraan para makabawi eh. Isa pa. Asa review pa ako. Sana maintindihan mong nakasalalay dito ang buhay ko, dahil pag pumalya ako sa NMAT, lagot ang buhay ko. Pupulutin ako sa kangkungan. Masama ba ang mangarap? Masama bang magsakripisyo ng konti para sa pangarap? Bakit di mo kayang intindihin? Kaunting panahon lang naman ang hinihingi ko di ba?

Gabi.

Pauwi na ako. Sakay sa bus. Naiiyak na ako sa sama ng loob. Pigil-pigil ang luha para di pumatak dahil baka tingnan pa ako ng mga tao. May nasiraan ng bus, kaya nagkaroon ng transfer sa bus na sinasakyan ko. Sino'ng nakita ko? Ang hudas kong ex-boypren na labis-labis ang panggagago na ginawa sa akin noong kami pa. Kasama ang gelpren niya. Sa loob-loob ko lang ulit... Mas maganda ako kahit namumugto na ang mata ko. Naalala ko lang kaya sumama pa lalo ang loob ko.. Kung paano niya ako pinaglaruan at pinaasa. Tang-ina.. Ganon ba ako ka-tanga?

Ngayon.

Burado ang ilan sa testi ko sa friendster. Puta. Kasama pa doon 'yung mga gustung-gusto kong basahin na mga testi. Lintek... Bakit ba alang makaintindi sa akin?! Hindi mo ba nakikitang takot ako sa feeling of rejection at takot na akong mapaglaruan! Sinong may ayaw na may nagmamahal sa iyo? May nag-aalala.. May sumusundo..

Simple lang naman ang gusto ko eh. 'Yung masaya tayo pareho. Mahal mo ko, mahal kita. Kakain sa labas, o dadalhan kita ng pagkain... Manonood ng sine at tatawa sa mga kuwelang pelikula. O kahit sa bahay, manood ng pelikula sa t.v. o tawanan ang mga bagay-bagay sa parehong buhay. Di naman ako high-maintenance eh. Di rin naman ako pathetic para hingin ang mga bagay na ito, dahil gusto ko ding may nagpapahalaga sa akin.

Simple lang di ba? Pero mahirap dahil takot ako.

No comments: