Tuesday, June 07, 2005

3 Little Bears

May tatlong bears sa loob ng isang bahay; Si Papa bear, si Mama bear, si Baby bear. Si Papa bear ay malakas; Si Mama bear ay maganda; Si Baby bear ay napaliksi. Tignan nyo, tignan nyo ang saya nila.

+++++++++++++++++

Hay.. This is my last post before our official classes start. I'm gonna miss waking up very late, my bed (yup, certainly), my boob tube (t.v.), my p.c. and everything else that I did this vacation (less than one week lang!!!). I'll be embracing toxicity again tomorrow. *Sigh..*

This year, i'll be very very very serious. No more gimiks muna, and no more sleep (hay).. This is my last year in bio na kaya dapat super serious na ako. No time for fooling around at this time ok lang na maging G.C. At ok lang na mag-spend muna ako ng time sa library para mag-aral at para hindi matulog. Kaya ko ito. Huling bulusok na bago sa med. No more fun-loving abi muna.

+++++++++++++++++

Kaninang umaga, pumunta kami ni tita sa B.F. para ihatid 'yung baby cousin ko sa school niya. Sad kasi dahil 'yung mommy niya ('yung tita ko) hindi pinayagan na mag-absent ngayon dahil 'yung manager nila sa bangko, naunahan siya. Hay..

Nakakamiss pala 'yung bumili ng mga school supplies. 'Yung may maghahatid sa 'yo, 'yung may susundo, 'yung walang inaalala kung hindi 'yung mga pinapadala ng teacher sa 'yo... Hindi katulad ngayon sa college, lahat problema mo. Walang nag-aalala sa 'yo at lahat dapat ikaw ang bahala, sa notes, sa papel, sa pag-aaral, sa mga libro. Masarap ang buhay mo pag bata, and as you progress and mature, palaki ng palaki ang mga inaalala mo.

Balik tayo sa first day of school ni pinsan. Bago kasi kami pumunta sa school niya (halos katabi ng bahay nila), pinraktis muna namin siya ni tita. Tinanong ko siya: "What's your naaaame??" aba, sinagot ako ng: "I is Yassel Louis Henandez!!" Sabi ko: "Mali! Dapat.. I am Russell Louis Hernandez!" Kaso makulit siya, ang gusto niya 'yung sinasabi niya. Ay potah. Ok lang yan, bata pa siya. Sabi nga ni tita: "Naku, kapag beinte anyos na 'yan, hindi na niya 'yan gagawin." So there.

+++++++++++++++++

Si papa bear ay ni-hug si mama bear... Si mama bear ay masaya! :)

Watch out for my new story.. It's coming out kapag nag-reach na ako by 1,500 hits. Lab you ol. :)

No comments: