I was expecting to go home yesterday by 4 pm. Sleep until 5:30 pm and watch Full House. But instead of doing that, I found myself in Star City at 6 pm. And by 7 pm, I'm inside, with my friends, running around, laughing and looking for good rides.
Tama na muna ng pag-iingles abi.. Sabi ng masarap magkuwento sa tagalog eh. (Nadiscover ko pala kahapon na may multi-personality ako, si Abi, si Gail, si Abiru at si Abigail). So heto na, kuwento ko lahat-lahat ng nangyari kahapon sa akin.
Nagpunta muna ko sa skul. Nakinig sa sermon ni Jep sa RVC at by 12 nn, umalis na kami sa skul. Dumaan muna kami sa Mapua para sunduin ang semi-boyps ni April na si Enreco este Enrico pala. Ilan kami sa car ni April? Ako, si Jep, si Rachel, si Dandan at si Enreco este Enrico nga. So ayun, papunta na kami sa Makati para... Makikain sa... Handa ni Ezrah.
Kaso, hindi pala agad kami tutuloy sa kainan. Nagkandaligaw-ligaw muna kami kakahanap dun sa service center ng talepono ni April. Sa awa ng Diyos nahanap namin 'yung SmartNet sa may Gil Puyat. Feeling ko talagang inikot-ikot kami ni April para pagdating namin sa Glorietta (sa Dad's), sobrang masusulit namin yung handa ni Ezrah.
Hindi rin naman napagawa yung talepono si April dahil si Ezrah ay nagtext na: "APRIL ROSE, bakit wala pa kayo? Nauna pa kayo sa aming umalis ah? Bilisan niyo!" Syempre hindi ito verbatim, modified version na ang text na ito. Ayun. Basta. Nakarating din kami sa Dad's. Sa awa ng Diyos.
Nalipasan na ata ako ng tatlong siglong gutom kaya nung binigla ko yung kain, super sumakit yung tyan ko at hindi ako mapadighay (burp). Masarap ang food (hay naku dandan, hindi tayo nakakuha nung Gyoza.) at talagang sulit anfg pera mo. Hehe.. So ayun, natapos din kaming kumain, magpicture-picture, magtawanan dahil na rin sa pangongonsensya ng mga waiter na aali-aligid sa amin.
Ayun. Tas asa may G4 kami (yak G4 daw o!). Naggala muna kami, paikot-ikot, tas nakita pa ni Dandan at Ezrah si Leeann at ang kanyang family (Nax leeann! Bonding kayo ah! :)), tas nagpunta pa kami sa Bread Talk (syempre dahil kay Jep), sa Dippin Dots (Salamat Jian sa orgasmic food na ito), sa Garfield at sa kung saan-saang store pa.
Tapos na-decide na lang nila na ituloy 'yung star city. Tas ako, nagula, nabigla, nagitlahanan, na-shock. Ganoon sila ka-spontaneous. Talo pa ang mga chemical reaction. So ako, say babay na dahil ang mudra ko kala sa akin madre, at kahit 19 years old na ang unica hija niya, hindi puwedeng magpagabi, hindi puwedeng magboypren, hindi puwedeng magdala ng lalaki sa bahay, hindi puwedeng mag-bar, hindi puwede.. hindi puwede!
Ay potah. Bahala na! Minsan lang ito (at sa totoo lang, hindi pa talaga ako nakakapunta sa Star City) at gusto ko namang maging masaya. Ayun nga, by 6:30 o 6 pm nandun na kami. Ayun. Tas bumili kami nung VIP band para... RIDE ALL YOU CANNNN! Woooo!
Ang saya! Inuna muna namin 'yung may mga Mummy! Nakakatakot! Sobra! Nahubaran ko na ata si Dandan sa kakahila sa damit niya! Tapos sumakay kami doon sa may Xyklon Loop! Ang saya rin! Halos mawalan ako ng boses kakasigaw! Sobrang saya! Hindi ko na nga ma-feel yung hita ko pagbaba! Sayang! Gusto ko pa nga sana ulitin eh. Hay!!!Ikot, ikot, ikot!
Ayun, pangalawang bulusok ng mga rides na kami. Sumakay kami ni Anna sa may Spider. Yung dati raw na Octopus. Shet. Para kang ibinabato! Ikot kami ng ikot! Wheeee! Ang saya talaga! Ok tong ride na to! Exciting talaga! Ayun, kaso lang si Ezrah nahilo, paano ba naman puro ikot talaga yung kanila! As in mabilis na ikot! Nasuka na nga ata si Ezrah sa sobrang ikot eh. Wawa. Hay..
Ayun, tas pumunta din sila sa may Haunted House (ay naku, naduwag kami nina April kaya back-out!) . Ayun, tas nagpunta din kami si Viking (yung parang Anchor's Away sa may Hongkong), tas super saya din! Hindi naman ako masyadong nahilo tas ang saya dahil natataas ko yung kamay ko para pagbaba na! Wheeeee! Wheeeeeeeeee! Syet. Ang saya talaga nito! Saaaaaaya!
Wala ata talaga akong pagkahilo! Feeling ko ang high-high ko kaya walang pahinga! Tas pumunta kami doon sa may Lion King. Tawa kami ng tawa kasi niloloko namin yung mga mascot. Syempre, ako promotor ng mga kalokohan. Hehe. Kinanatahan pa nga namin yung mamang may hawak ng pekeng reindeer ng: "Jingle Bells" at "Rudolph the Red Nose Reindeer). Hayyy....
Last na. Kainis kasi dahil tinext na ako ng mami ko na umuwi na raw ako kung hindi sa kalye na ako matulog. Ayun, so sumakay kami doon sa may Magic Carpet! Potah! Parang Viking yun na full circle ang ikot! Yung itataas ka sa taas na taas tapos biglang bagsak! Potah! Ang saya! Nagkalokohan pa nga kami, kasi naman, sa sobrang haba nong pila, may mga premonition na "kuno." Ayun, kaya hindi kami sa may dulo nakaupo at doon sa may gitna! Ang saya pramis!
Kakainis. Last ride ko na 'yun. Nalungkot nga ako kasi dapat sasakay ni Dandan doon sa may Round Up (yung nakatayo ka tapos iikot-ikot kayo in a centrifugal force) tapos dapat uulitin ko pa yung spider at yung Xyklon Loop. Tapos dapat sasakay pa ako sa Wild River para umuwi akong basa. Tapos dapat mag-bubump cars pa kami. Hay naku. Naalala ko din yung may mga statues na yelo. Dapat pupuntahan ko din yun pag sobrang hilo na ako. Hay. Next time talaga!
Ang saya ko! Hanggang ngaon, kahit na napagalitan ako, kahit na hindi ako nakapasok sa skul masaya ako. Super.
The kid inside me is alive once more.
I'm so happy.
Escape from reality.
:)