Monday, April 03, 2006

hay.

Sama ng pakiramdam ko. Pero kahit malungkot ako at kahit ang sama sama ng loob ko kailangan ko pa ding humarap sa buhay ko. Sana may puwede akong pindutin na pause button sa buhay ko. Lahat ng tao titigil at ako... Tatakbo ako sa isang sulok at magmumukmok. Iiyak hanggang mapagod. Magtatanong kung bakit lahat ng bagay ay napaka-kumplikado. Kung bakit simple lang naman ang hinihingi pero hindi iyon mabigay sa akin. Walang ibang makakapagpasaya sa akin dahil sa sakit na nararamdaman ko. Iuuntog ang ulo sa pader para lang lumabas ang sagot sa katanungang: "Bakit ako pa?" Sisigaw at muling iiyak. Makaraang gawin lahat yun.. Siguro puwede na ulit i-play yung buhay ko. Kaya ko na ulit magpanggap na matapang ako, na walang nangyari at masaya ako. Kahit hindi.

Bakit ganoon? Gusto ko lang namang maging masaya. Pero ano? Napupunta ako sa mga sira-ulo. Lalo na ngayon. Pinilit kong pinigil ang pag-ikot ng mundo ko para makasabay sa kanya. Ang sakit dahil alam ko wala akong kasalanan. Ginawa ko yung mga dapat. Isinantabi ko yung sarili ko at nagmahal ako. Pero ano'ng nangyari? Naiwan akong mag-isa sa mundo ko. Hay. Sana hindi ko na lang inaming mahal ko siya. Para alam kong ako yung may kasalanan. Mas naging madali siguro kung noong isang araw na iyon ay tinanggi kong hindi ako ang kausap mo. Na sana, sana hindi na lang kita nakilala at minahal. Na sana hindi ako naniwala sa mga pangako mo. Pero ngayon. Puro ako sana. Sana. Sana hindi ako umiiyak ngayon. Sana hindi ako nasasaktan. Sana hindi muli nabasag ang puso ko. Sana....

Malamang nito wala na naman akong pakialam sa mga taong nakapalibot sa akin. Maglalakad ng walang direksyon. Iiyak paulit-ulit. Magtatanong. Masasaktan. Magiging in-denial at papaniwalain ang sariling ok lang lahat. Hay. Sana hindi na lang ako biniyayayaan ng puso. Hay.

Alam mo ba kung bakit ako nasasaktan ng ganito? Ang malamang bakla ang mahal mong guy ay hands down. Mas masakit yun p're. Sobra.

No comments: