Hinding-hindi ko makakalimutan na noong bata pa ako nakagalitan ako ni lola. Asa bahay kasi ako ng kapitbahay namin sa probinsya (may napakalaking butas sa gitna ng bahay nila, at hindi ko alam kung bakit). Kasama ko noon si Ellen (may asawa at anak na ngayon), at si Amy (ang kapatid ni Ellen), at dahil bata pa kami noon, hindi uso ang personal hygiene kaya super dungis namin. Nagtakas kami ng ice candy mula sa bahay at dahil isa lang ang nadugas namin, share-share kaming tatlo. Malaking katangahan ko lang noong nakita ko si lola sa may silangan (tawag namin sa likod ng bahay namin), sumigaw ako ng: "Hi Inay!" with matching supsop sa ice candy. Nakita kami ni lola sa kalagitnaan ng aming ice candy session at sinigawan ako ng: "Bumaba ka d'yan p*ta ka!" Anak ng tukneneng. Nakalimutan kong si lola nga pala ang reyna ng kalinisan at siya na ang pinaka-vain na matandang nakilala ko. Sobrang galit sa akin ni lola nun! Buong summer ata akong hindi pinalabas ng bahay bilang parusa.
Strict si lola sa itsura at pananamit. Gusto niya laging maayos ang buhok, naka-pulbos, mabango, at dapat maayos ang damit. Ayaw niya ng marumi, gusgusin at magulong buhok. Ke me okasyon o wala, lagi siyang maayos. Kapag gabi, hindi mawawala ang ritwal niya ng paglalagay ng chinsansu ('yung pearl cream na pampaputi) sa mukha. Kapag aalis at magsisimba, dapat naka-lipstick, powder, naka-suave ang buhok, at dapat may pabango. Nagpapasama pa talaga siya kay tita kina Carmen ('yung beautician na kapit-bahay nina Stephanie sa may Cadena de Amor) para lang mag-pa manicure at pedicure with matching kulot at gupit. Ang matindi pa dyan, kung hindi lang natuklasan kamakailan na allergic pala siya sa Bigen (yung pangkulay sa buhok) eh natalo pa niya ako sa dami ng beses ng pagpapakulay ng buhok.
Pero ibang-iba siya kaninang madaling-araw noong nakita ko siya sa kama. Maputlang-maputla siya at hinang-hina. Kumupas na ang dating sigla ni lola. Hindi ko napigilang umiyak noong iba na 'yong paghinga niya. Sobrang taas ng lagnat niya kaninang madaling-araw kaya lahat kami nataranta. Ang akala ni mami, iyon na ang katapusan ni Inay. Di ko matanggap yun kaya umiyak talaga ako. Dapat maabutan pa ni lola yung pag-graduate ko ngayong March at dapat nandoon din siya sa graduation ko sa med. Di pa dapat kaninang mdaling-araw, dapat matagal pa siya mabubuhay.
Tinugon ng Diyos 'yung iyak ko kaya medyo ok na si lola ngayon. Asa perps (Perpetual) siya naka-confine ngayon. Wala na naman siyang lagnat pero under observation pa din daw siya. Hay. Buhay nga naman...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment