Naiinis ako pag dumadating ang pasko. Hindi dahil matagal akong napabilang sa SMP o Samahan ng mga Malalamig ang Pasko kundi senyales ito ng nalalapit kong pagtanda dahil ilang araw matapos ang pasko e birthday ko na. Next year pa naman pero kahit na! Ayoko pang mag-disinuebe! Waaaahhhh! Ngayon pa na nalaman kong may re-run ang Shaider sa Channel 7!! Kainis!
Favorite namin ni kuya iyon noong bata pa kami. Sa channel 13 iyon pinapalabas kasama ng mask rider black ('yung mukhang ipis na nakasakay sa motorsiklo), bioman, voltes 5... Hay! Habang napapalapit ang birthday ko saka naman ako bumabalik sa pagkabata ko.
Masarap kasing alalahanin 'yung nakaraan. 'Yung panahon na wala kang iniisip kung paano ka makakaiwas sa hampas ng magulang mo kapag nakipag-away ka sa mga kalaro mo. Hay... Si kuya kasi dati nakipag-away dun sa kapitbahay namin dati kasi tinawag 'yung kuya kong suplado saka lampa. Pero kung makikita nila si kuya ngayon! Naku baka sila na ang ibalya.
Kung kelan pa ako tumanda saka pa ako naging hindi pala-labas ng bahay. Dati kasi, alas-7 na asa kalye pa kami. Hay.. Naalala ko tuloy dati isinasama ako ng kuya ko sa may kanto ng campupot (street malapit sa bahay namin) para magdala ng isang dangkal niyang teks at makipaglaban doon sa mga malalaking bata. O dili kaya'y nakikipaglaro kami ng tumbang preso at taguan sa mga kalaro namin na ngayo'y nasa Canada ng lahat.
Andaming mga alaala, lahat masasaya. Minsan naisip kong huwag na lang tumanda dahil kapag nadadagdagan ang bilang ng edad mo, nadadagdagan din ang mga problema mo sa buhay.
Kaya minsan, hindi ko rin maiwasan ang maging tulala at tumanaw sa nakaraan sa tuwing ako'y may problema.
Masasabi ko na lamang na ako'y bata na muli.
Masaya at walang problema.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment