Sunday, October 24, 2004

Hayyy!

Kakauwi ko lang galing sa review. Yup Beck.. Ako isang taga-PCU ngayong sembreak... Sa darating na regular semester, ako'y babalik muli sa Unibersidad ng Pila. Ok naman ang review, kahit medyo nakakatamad. Medyo compensated naman dahil, gumagaling akong mag-laro ng badminton at natututong maglaro ng basketball. Sa wednesday daw ay may iskedyul ng laro ng softball. Haha.. Gaya ng lagi kong sinasabi ako'y magiging proficient sa sports at hindi sa pagsagot sa NMAT.

Bukas, alang review..! So malamang matutulog ako at manonood ng t.v. o maglalaro ng badminton sa court (kakaadik!). O pupunta ng sm southmall at magliliwaliw. Hehe.. Sarap ng buhay ngayon dahil alang pasok eh. Ang aga ko ngang matulog! 8 pm tulog na ako! Haha... Sa lahat ng mga taong nagbabasa na sembreak din gaya ko.. Enjoy niyo lang po ang bakasyon dahil syempre pagdating ng sem sa nobyembre tapos na ang maliligayang araw.

Sa larangan ng lovelife. Medyo 0 balance ako. Ilang beses man akong magpaliwanag di tanggapin. Nakakita na daw siya ng chick doon. Oh well. Ganyan ang buhay eh. Ika nga nila: "Absence makes the heart grow fonder." Sa iyo, kilala mo naman kung sino ka eh, sana'y ok ka lang diyan. I'll stop counting thedays that you'll be coming home dahil ala na palang babalik. No more goodbyes and sappy lines. Ingat ka na lang po jan! Di bale ang mga testi ko sa iyo ay mananatili sa page mo. At ang iyo naman ay mananatili din. Di ko naman puwedeng ipilit ang sarili ko sa iyo. Nabasa mo na ang message ko sa iyo, nagpaliwanag na ako at mukhang malabo na din na maniwala ka. Sige!

Hay! Yun po muna! Matutulog muna ako? Di pala muna.. Magbibihis muna ako! Yun munaaaaa!! Happy sembreak sa inyo! (Yak delayed!)

It's so nice to be hapee.

Abiyuuuu!! =p

No comments: