Tipong dininig ng Diyos ngayon ang panalangin ko na alang pasok sa review ngayon. Sobrang na-lusaw ang utak ko sa chem series ng review. No offense kay Sir Tayo dahil magaling naman siyang magturo, pero 3 araw na straight na wala kayong pag-usapan kundi chem? Hay...
Ang masama lang... Dahil ala kaming pasok ngayon, ililipat 'yung English part 2 sa November 3. Pero mukhang hindi ako papasok noon dahil simula ngayon hanggang araw ng enrollment ko (November 4 ata) eh susulitin ko ang nalalabing araw ng sembreak ko. Hay.. Ngayon ko lang naisip na straight pala ako ngayong school year (hindi 'yung sexuality ha..) Ang ibig kong sabihin, hindi pa pala ako nagbabakasyon simula noong second sem last year. Hay... Kaya nga ala akong balak na mag-summer classes next year eh. Hehehe...
Maiba pala ako... Alam niyo bang muntik na kaming manakawan kahapon ng madaling araw!!?? Buti na lang nagising si kuya ko (may sleeping disorder kasi 'yun eh.. natutulog ng alas-4 ng umaga tapos gigising ng alas-6) Biruin niyo nakasampa na sa terrace namin 'yung Hudas na magnanakaw na 'yun. Sumigaw nga 'yung kuya ko ng "Magnanakaaaawwww!!" At ako? Hayun.. Humaharok pati puwet ko(In other words... Tulog na tulog) At take note... Katabi lang iyon ng kuwarto ko. Iba kasi akong matulog eh... Kapag tulog, tulog talaga.. Hehe..
Buti na lang talaga.. Kung hindi mag-iisip na naman ang mum ko.. Mamumurublema pa iyon at lahat ng tao sa bahay ay madadamay. Hay!
Halata bang nasabik ako sa internet? 3 araw kasi akong hindi nag-online dahil nilasap ko ang bagsik ng chem. Haha!! Hindi no?! Sa tatlong araw na hindi ako nag-oonline, lam niyo kung ano ang ginagawa ko? Umuwi ng maaga, kumain ng tanghalian, makinig ng radyo (am station), magbasa ng dyaryo, matulog hanggang 4 pm, manood ng t.v., kumain ng hapunan, manood ng t.v, kulitin ang mum ko, at matulog ulit. As in iyon lang ang ginagawa ko.. Hehe.. Buhay-baboy na naman!!! Hahahahahahahahahahahahahaha!!!
Hmm... Iyon muna ulit siguro. Naku! Bukas pala ay Sabado at Oct. 30! Lam niyo kung ano'ng ibig sabihin non? Special ED ng Magandang Gabi Bayan! Tradisyon naming magkapatid ang manood noon at pagtawanan ang special effects at prosthetics ng mga gumaganap. (Oi noong bata pa kami, takot ako dun.. Bakit kaya ngayon di na? Hehe)
Bukas na lang ulit! Sa umaga pala, baka sumama ako sa tita leni ko sa Landmark. Sasamahan kasi namin si Russell ('yung 2 years na lil cuz ko na madalas kong asarin) na mag-trick or treat doon eh. Subukan kong kunan siya ng picture tapos post ko di2! Hehe..!
Babay na talaga! Hehehehe... Sa mga readers dyan.. Advance Happy halloween!
P.S. Sa Sunday, uuwi ako ng Batangas kaya ala munang post doon hanggang Monday! Mamimiss ko kayo!! Muah!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment