Malapit ng matapos ang hirap ko ngayong sem!! pero ngayong sem break ata parang ala pa din magbabago dahil e2 na ang line up ng gagawin ko:
1. Mag-enroll para sa NMAT review sa PCU (Monday to Friday!!)
2. Maglinis ng kuwarto. Sa wakas.. Makakahiga na ako ng maayos sa kama ko ng walang papel at mga libro.
3. Magpagupit, magpa-relax, magpa-facial, at mag-exercise (kelangang magpaganda dahil baka malosyang! hehe!)
4. Catch up sa min ni j.. (hay... sana makapag-date na kami!) (oi minsan lang to!)
5. Uma-ttend ng training ng RVC (kami kasi ni jeff ang mag-introduce ng mga officers, flow ng RVC, chuva chuva)
6. Maggala kung saan-saan (shopping!)
Hay... Actually di pa ako nakaka-get over sa thought na tapos na ang sem. Para kasing ambilis at andaming nangyari eh! Mga re-cap at pasasalamat...
Mga masasayang alaala...
1. Ngayong sem, parehas na ulit kami ng sched ni april. Nakakatawa ang mga "car talks" namin nina jeff dahil namulat ako sa mga bagay na di ko pa alam. Lagi kaming nagkukulitan, tawanan, at magkakasama sa hirap man (OUR) at sa ginhawa (OUR pa din) ngayong sem. Sa inyong dalawa.. Jeff, April.. Salamat mga dude dahil andyan kayo. Di ko na naman kelangang habaan pa ito dahil alam niyo na naman kung gaano ako ka-thankful dahil jan kayo. hehe.. At kay baby juh (Rachel).. Salamat din sa mga payo mo tuwing may problema ako (alam mo na un..!)
2. May nabuong mga relasyon... Kasama na ako dun (2 mos na kami ngayon!).. Hehe.. Sa mga ka-miyembro ko ng Elite Circle na ngayon ay may minamahal na.. (Kilala niyo kung sino kayo.. hehe) Nawa'y magtagal ang inyong pagsasama.. Dito lang ang block para sumuporta sa inyo. =)
3. Napadalas ang pagsasama-sama ng mga blockmates ko. May mga nadagdag pa nga eh. Kay Papa Bill, Dianne (Dikya), Rovster (omni block ka ba?), Rondel, Judith, Reiziel at 'yung mga di ko pa naalala at di pa nagsasabing block three na sila... Salamat sa pagtanggap sa paanyaya ng aming block sa inyo. Asahang magiging masaya ang magiging pagsasama natin sa mga susunod na semester na puno ng saya at pahirap.
4. Nanalo ang batch namin ng 1st runner up sa biogyugan. Sa lahat ng bio batch 2006 ang galing nating lahat! Next year natin i-reclaim ang trono natin. Sa mga fourth year, 2nd year at first year ngayon.. Ang galing galing niyo din! Para sa akin lahat tayo panalo.. Amen!
Samantalang ang ilan sa malulungkot na alaala..
1. Umalis na ang parehong Christine sa Pilipinas.. Ang isa'y brahman at ang isa'y puwede ng masabing pinaka-sane sa block. Mamimiss ko kayong pareho. Kung nagbabasa man kayo ng blog ko. Maraming Salamat at magkikita pa din tayo!!
2. May mga di pagkakaintindihan na sa kalauna'y naayos din naman.
Sa lahat.. Mahal ko kayo!! Hahahahahahahahahaha!! kita-kits next sem!