Thursday, October 13, 2005

Hay

I just got back from Diliman. Thank God Kuya Knong was not mega, super lang, mad at me. Muntik ko ng mapatay 'yung mga anak kong seaweeds. I saw them this afternoon, almost lifeless na. As in puro bula na and the medium was so dirty (mukhang sabaw na ng nilaga 'yung PES medium). So what did I do the whole afternoon? I tried to revive our specimens. Oh merde! Thank goodness they're still alive!

Kaya ngayon, sobrang careful na ako. Araw-araw na ang thesis at dapat once a week napapalitan ko na ang medium. Siguro kung ako yung seaweed, malamang matagal na akong sumuko sa dumi ng paligid ko. Hay.

So tomorrow (Friday), instead of coming to the batch overnight, itutuloy ko ang paglilinis ng seaweed. Preciousssssss! Hahaha. Ok na rin yun, I kinda like what I'm doing there dahil kahit paano I'm preoccupied, sabi ko nga dati, hindi stagnant. Plus, I'm counting the days for our diving trip, not in Calatagan.... But in BOLINAO! Yup! Sa Bolinao na kami hahanap ng cultures! Yay! BOLINAO = Cultures + BEACH!

Damnit. Sana next week na yun. :))

===========================================

I want to learn how to surf. I'm planning to go to Surigao next year (summer) to catch some serious waves! Kaso paano naman ako matututo? Saan ako magppractice? Sa baha ng Padre Faura? Pwede..... Why not?! Hehe. Andami ko talagang gustong gawin! I want to know how to drive a go-kart, play guitar, photography! Dami talaga! Hay. Sana magawa ko silang lahat someday! :))

===========================================

I don't want to be in a commitment pala right now. I don't know, I just realize this: I enjoy being single! Plus the fact that marami nga akong gustong gawin, baka pag may labi dabi na ako di ko na sila magawa! (malay mo, di pareho yung likes namin) Hayy.... :) If ever I want to be in a relationship, gusto ko friends muna, as in parang bestfriends kung pwede. Hindi naman ito classified ads at hindi naman ako naghahanap ngayon, pero if ever, ito talaga yung mga gusto ko: hindi pretty boy (paiiyakin lang ako eh), may itsura at malinis, may-kaya hindi mayaman (at lalong hindi mayabang), ok yung family (drunkards, sugarols, at mga ex-hippies are no-no), saka syempre dapat mahal ako (ano ba yun, syempre, duuuhhhh?!). Iyon, actually simple lang naman yung trip ko. Ala sa mga extremes, kasi yung mga guapo pang-crush lang, ang sobrang bait hindi ubra sa ka-weirdohan ko, at ang mga player ay walang puwang sa puso ko. Aprub! Hehe.. Saka sa susunod, gusto ko yun na. I want everything to go smoothly as possible. Ayoko ng iiyak ako ng sobra. Ayoko na ng lolokohin ako. Gusto ko ako yung number #1. May tinatamaan ba? Bato-bato sa langit, ang tamaan.... well... no comment! Hahaha! Just kidding. :)

===========================================

O iyon muna ulit. I'm kinda sleepy na. Punta pa ako ng MSI tomorrow. :) Nyt nyt mah readers. :)

Ingat sa mga batchmates ko! I'm sorry I can't come! :) Baka bumula na naman ang seaweeds namin. :)

No comments: