Kakauwi ko lang talaga. Di pa ako nakakabihis heto na ako at nagttype. Sobrang addict na ko sa internet at sa blog na ito dahil imbis na matulog ako (alas-2 na ako ng umaga natulog kanina) o magpahinga man lang ay di ko nagawa. Kumain na naman ako sa awa ng Diyos (dahil ang tanghalian ko ay isang cheeze special na waffles at number 3 value meal ng ministop), ang pagkain namin ay spaghetti, tinapay at juice. Tumakaw na naman ako dahil pagod eh. Ok lang 'yan sa isip-isip ko, bukas sabak sa trabaho na naman ako.
Di pala natuloy ung reporting namin sa biostatistics kanina dahil hindi na kami umabot. Sa martes na lang kami magrereport. Partly, medyo nadismaya ako dahil nagpuyat ako at partly natuwa din dahil di ko pa masyadong naiintidihan 'yung report ko. Isa pa palang dahilan kung bakit ako nadismaya. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili (medyo) at magsuot ng palda saka naman di kami nag-report. hay andami daming requirements! shet talaga. pero ok lang... kaya ko to! sa mga nagbabasa nito na ka-batch ko... kaya natin to!
Hehe... May nakasabay pala ako na neophyte na TOM sa bus. Nag-uusap sila nung isang babae na sa San Juan De Dios ata nag-aaral. Napag-usapan nila ang kanilang lavapalooza. Ung babae may boypren na taga-mandaluyong. Ung lalaking TOM aba two-timer at mukhang proud pa siya. Ung isa raw taga-marikina at ung isa muntinlupa, tapos ung isa dun tangna mag-15 years old next week! Amp no?! Ilang taon na siya? disi-otso! Ampppp! Two-timer na, cradle snatcher pa!!! Karma nga siya kasi nalaman nung number 1 na may number 2 siya eh hayun gusto na atang makipag-break sa kanya.
Ito muna. Antok na din ako eh...
Mga bagay na aking natutunan
++Sa may Zapote may 9 na tao na ang namamatay dahil may tatlong taong luku-luko na pumapatay sa walang kadahilanan.
++Kapag Biyernes ng gabi, huwag asahang makauwi ng maaga dahil maraming tao ang umuuwi sa kani-kanilang bahay.
++Ang diadema, na isang species ng Echinodermata ay tadtad ng spines sa kanyang balat. Kapag nakapaglakad ka sa beach at naapakan mo ito, babaon ang spines na paa mo at maiiwan ito doon. Masakit na nga, hindi mo pa puwedeng hugutin ng basta, kailangang tunawin ito nd acido. Leason learned: Huwag tatanga-tanga at tingnan ang nilalakaran.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment