Kagigising ko lang sa totoo lang dahil high na high ako kanina... May allergies ako tapos ayun as usual may turok na naman ako. ayun sobrang inantok na naman ako kaya heto.. ala-9:53 ng gabi naglalagay pa ako ng post dito. Sobrang mangangarag pa ako sa susunod na araw.. Eto ang iskedyul ng exam ko ngayong linggo:
Lunes = Exam Zoology 111 Lecture (Tungkol sa Mollusca) at Practical Exam sa Physics 52.1 (Di natuloy nung Sabado kaya kumain ako ng piniritong siopao at nanood ng Feng Shui sa SM)
Pahabol = Dito din ipapasa ang sketch pad sa Zoology 111 Lab
Martes = Exam sa Biostat (Ka-chuvahan ni Ma'am Bato ang sabi niya "conceptual" daw 'yung exam)
Miyerkules> = Exam sa Botany 121 Lab (Tungkol sa Experiment 6 - 10)
Huwebes = Report sa Botany 121 Lecture (Tungkol sa Palay/Rice)
Biyernes = Case study presentation sa Bio 180.
Leche no? Pero e2 pinili kong buhay eh. Walang social life, kaya nga ngayon... I stop living muna. Pigil hininga at pikit-mata kong susuungin ang pahirap na ito sa buhay ko.
Natutunan ko...
++ 100th year celebration pala ng PUP (Polytechnic University of The Phils.) ngayon. Na-beat ata nila ang world record ng World's Largest Human Rainbow na unang pinanghahawakan ng Hongkong Technical School. Kabilang din pala ako sa isang world record... 'Yung pinaka-maraming nag-aaerobics sa buong mundo. Takte. Last 2 years ago ata yun... Masaya pero pucha nakakahiya. Hehe.
++ Ang mollusca pala ay 2nd sa pinakamalaking grupo ng mga hayop. Kabilang dito ang mga octopus, squid, clams at kung anu-ano pa. Nakakatakam pero totoo. Ang una ay ang arthropods na kinabibilangan ng mga talangka, gagamba at mga insekto.
++ Technically, ang gagamba ay hindi insekto sapagkat siya ay kabilang sa Sub-phylum Chelicerata at hindi Sub-phylum Mandibulata na kinabibilangan ng Class Insecta.
++ Ang Class Diptera na kinabibilangan ng mga lamok at langaw/bangaw ay ang pinakamalaking class ng "vector" insects (carrier ng
sakit!)
Yun muna.. Hanap pa ako ng taxonomy ng molluscs dito sa net. Paano alang Barnes sa library.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment