Monday, September 06, 2004

Kakalungkot...

Kala ko pa naman tuloy-tuloy na ung pagiging masaya ko. Kaya nga ako nagpalit ng blog para maging masaya pero hindi pa din pala.

Uy. Isang buwan na tayo ah. Happy one month! :)

Nalungkot ako bigla. Espesyal na araw to para sa akin. Ni alang bati, alang i love you, alang kahit ano. Di naman ako naghahanap ng bulaklak o libre sa restaurant eh. 'Yung maalala lang at sunduin ako sa school. Mailibre ng ice cream o maihatid man lang ako sa bahay. Ala. Demanding ba ako?

Kakalungkot talaga.. Itinulog ko na nga lang sa bus pauwi. Parang walang nangyari. Naiiyak na ako ngayon. Sabi ko na nga ba eh. Sana natulog na lang ako pagdating sa bahay. Feeling ko di na ko importante.

Sabi ko na lang sa sarili ko. Yaan mo na...

Ngiti ka na lang. Sa ibang bagay mo na lang ibuhos ang sama ng loob mo.

Sa iyo: Sana maintindihan mo ako. Sana naalala mo. Sana nabigyan mo man lang ako ng panahon. Sana...

No comments: