Saturday, September 25, 2004

Hmmn?

Next week ay hell week na naman para sa akin. Natatamad ako ngayon eh. Kaya sa mga taga-subaybay nito. sori. ala ako sa mood. =(

Poem ni J. (Di ko alam kung para sa akin to?!)

GOOD.... NOW GOODBYE

Baby I'm sorry
I know I said that I would never hurt you
I know I promised that I would never lie
But baby we are human
I am human
I make mistakes
I, I just don't know what got into me
I mean..one moment I was saying no....

And then the next...

Wait...just....

Please calm down
I know I fu**ed up
Fu**ed up bad
But you got to listen when I say that I love you
Gotta believe me when I tell you that your the only
one
She meant nothing to me

Nothing

I never thought that you would have to find out this way
Never thought that it would be affecting your love for me
I realized that I could've been a man and just told you
I just didn't know how
I didn't want to lose you...I mean...

I don't want to lose you

Please love...
Don't turn away from me like that
I love you
I need you.....I....I...
I'm so sorry

I'm glad to know that you are........

Good...now goodbye

Pagod at takot!

Kakauwi ko lang talaga. Di pa ako nakakabihis heto na ako at nagttype. Sobrang addict na ko sa internet at sa blog na ito dahil imbis na matulog ako (alas-2 na ako ng umaga natulog kanina) o magpahinga man lang ay di ko nagawa. Kumain na naman ako sa awa ng Diyos (dahil ang tanghalian ko ay isang cheeze special na waffles at number 3 value meal ng ministop), ang pagkain namin ay spaghetti, tinapay at juice. Tumakaw na naman ako dahil pagod eh. Ok lang 'yan sa isip-isip ko, bukas sabak sa trabaho na naman ako.

Di pala natuloy ung reporting namin sa biostatistics kanina dahil hindi na kami umabot. Sa martes na lang kami magrereport. Partly, medyo nadismaya ako dahil nagpuyat ako at partly natuwa din dahil di ko pa masyadong naiintidihan 'yung report ko. Isa pa palang dahilan kung bakit ako nadismaya. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili (medyo) at magsuot ng palda saka naman di kami nag-report. hay andami daming requirements! shet talaga. pero ok lang... kaya ko to! sa mga nagbabasa nito na ka-batch ko... kaya natin to!

Hehe... May nakasabay pala ako na neophyte na TOM sa bus. Nag-uusap sila nung isang babae na sa San Juan De Dios ata nag-aaral. Napag-usapan nila ang kanilang lavapalooza. Ung babae may boypren na taga-mandaluyong. Ung lalaking TOM aba two-timer at mukhang proud pa siya. Ung isa raw taga-marikina at ung isa muntinlupa, tapos ung isa dun tangna mag-15 years old next week! Amp no?! Ilang taon na siya? disi-otso! Ampppp! Two-timer na, cradle snatcher pa!!! Karma nga siya kasi nalaman nung number 1 na may number 2 siya eh hayun gusto na atang makipag-break sa kanya.

Ito muna. Antok na din ako eh...

Mga bagay na aking natutunan

++Sa may Zapote may 9 na tao na ang namamatay dahil may tatlong taong luku-luko na pumapatay sa walang kadahilanan.

++Kapag Biyernes ng gabi, huwag asahang makauwi ng maaga dahil maraming tao ang umuuwi sa kani-kanilang bahay.

++Ang diadema, na isang species ng Echinodermata ay tadtad ng spines sa kanyang balat. Kapag nakapaglakad ka sa beach at naapakan mo ito, babaon ang spines na paa mo at maiiwan ito doon. Masakit na nga, hindi mo pa puwedeng hugutin ng basta, kailangang tunawin ito nd acido. Leason learned: Huwag tatanga-tanga at tingnan ang nilalakaran.


Sunday, September 19, 2004

Malaking salamat

Marvin! Balbon! salamat sa Barnes classification ng molluscs! Takte! Hirap hanapin nun sa net.. Buti na-email mo! God bless sa ating lahat sa exam!

Abiru

Saturday, September 18, 2004

Hay buhay...

Kagigising ko lang sa totoo lang dahil high na high ako kanina... May allergies ako tapos ayun as usual may turok na naman ako. ayun sobrang inantok na naman ako kaya heto.. ala-9:53 ng gabi naglalagay pa ako ng post dito. Sobrang mangangarag pa ako sa susunod na araw.. Eto ang iskedyul ng exam ko ngayong linggo:

Lunes = Exam Zoology 111 Lecture (Tungkol sa Mollusca) at Practical Exam sa Physics 52.1 (Di natuloy nung Sabado kaya kumain ako ng piniritong siopao at nanood ng Feng Shui sa SM)
Pahabol = Dito din ipapasa ang sketch pad sa Zoology 111 Lab

Martes = Exam sa Biostat (Ka-chuvahan ni Ma'am Bato ang sabi niya "conceptual" daw 'yung exam)

Miyerkules> = Exam sa Botany 121 Lab (Tungkol sa Experiment 6 - 10)

Huwebes = Report sa Botany 121 Lecture (Tungkol sa Palay/Rice)

Biyernes = Case study presentation sa Bio 180.

Leche no? Pero e2 pinili kong buhay eh. Walang social life, kaya nga ngayon... I stop living muna. Pigil hininga at pikit-mata kong susuungin ang pahirap na ito sa buhay ko.

Natutunan ko...

++ 100th year celebration pala ng PUP (Polytechnic University of The Phils.) ngayon. Na-beat ata nila ang world record ng World's Largest Human Rainbow na unang pinanghahawakan ng Hongkong Technical School. Kabilang din pala ako sa isang world record... 'Yung pinaka-maraming nag-aaerobics sa buong mundo. Takte. Last 2 years ago ata yun... Masaya pero pucha nakakahiya. Hehe.

++ Ang mollusca pala ay 2nd sa pinakamalaking grupo ng mga hayop. Kabilang dito ang mga octopus, squid, clams at kung anu-ano pa. Nakakatakam pero totoo. Ang una ay ang arthropods na kinabibilangan ng mga talangka, gagamba at mga insekto.

++ Technically, ang gagamba ay hindi insekto sapagkat siya ay kabilang sa Sub-phylum Chelicerata at hindi Sub-phylum Mandibulata na kinabibilangan ng Class Insecta.

++ Ang Class Diptera na kinabibilangan ng mga lamok at langaw/bangaw ay ang pinakamalaking class ng "vector" insects (carrier ng
sakit!)

Yun muna.. Hanap pa ako ng taxonomy ng molluscs dito sa net. Paano alang Barnes sa library.

Thursday, September 16, 2004

My soul grows weary

Pagod na ko. Di ko na kaya ng pang-aabusong ito. Ang taas taas ng lagnat ko tapos may exam pa ko bukas sa zoo lab. Ngarag na ngarag pa ko kasi katatapos lang ng exam ko sa botany lecture. Ito pa ang mas matindi... Ung taong kala ko may pakialam, iba na pala ang nasa isip. Pagod na ko. Gusto ko lang matulog ng matulog. zzZZZZZ!

Wednesday, September 15, 2004

Hmm...

Wha..? Nag-post na naman ako? Darn darn darn! I just can't help myself! Man... Hirap mag-control sa pag-online! Shetttt! Toxic na nga ako tapos sige pa din sa pag-post.. May sakit pa ako ha take note! Adik talaga! Eniwey.. Medyo normal day to para sakin (I dunno why.. really!) dahil nothing weird happened (Well except a while ago nung kausap ko ung 2 year-old cuz ko). Nyak nyak nyak. Pero feeling weird ako. Ang weird! Ano ba un!? Antok na antok pa ko tapos I still need to read 2 hand-outs in botany. hayy.. life! At least malapit na! Hehe.. Anyway.. E2 ang mga pagbati ko!

Justin - Ei.. ur my autistic special guy! miss you na po! :)

Un muna.. Alam kong ngarag pa mga tao eh.. hehe

Tuesday, September 14, 2004

Toxicity at its finest...

Lahat ng tao sobrang toxic kanina! As in...! Si Jessa nag-aaral ng botany dahil departmental nila, si Marvin ganun din naman! Tapos si Baby Jalibi (si Rachel) nag-aaral din para Comp. Ana Lab exam niya tomorrow. Ako saka si Jeff abala sa pamimigay ng survey para sa Biostat! Si April my lab so sweet kasama si Ezrah my ex lab so sweet eh asa library at nag-aaral ng zoology lab!! Hay grabe pati ung mga ibang peeps wala ka atang makikitang nakatunganga... Hay pangaragan na!!! Wala na pupunta sa blog ko!!!!!! Mga leche kayo! Nyehahahahaha!!

Mga pagbati mula kay Abi:

Justin - Oh baybe baybe bayybehhh! Maari bang mawala ka sa mga pagbati ko? Syempre hinde! Wawa ka naman... Kung di lang ako toxic ngayon pumunta na ako dyan at ako na ang nag-alaga sa 'yo. Syempre libre kain ako dapat...! Hehe. Pahinga ka lagi ha? Wag magpaulan.. Sumunod ka sa kin kung hindi....! Oh basta ingat lagi ha? Muah!!!! Love you! yiheeeeeeee!!!!

Marvin - Ayaw na kitang tawaging prince tutal lantad na sa kaharian natin na isa kang balbon!! Hehe... Mahirap ba ang botany exam? Advance na tanong lang to kasi alam kong di ka online ngayong gabi! Hehe.. Sabihin mo sa kin ung mga tanong ha? hehe.. leakage!!

Jessa - Wag ka na pong disturbed ha? Smile ka always and remember kaya natin to! Hehe.... Pumayag ka na kasi na pumunta kami sa San Beda para mag-cheer sa 'yo sa debate mo.. Gagawa kami ng malaking placard ang sabi: "WE LOVE YOU JESSA!" o pwede ding "I LOVE YOU JESSA by PRINCE" Ayuuuuunnn!!! hahahahahaha!!

April - Isa ka pang balbon. I know what u did in OUR kanina... Ikaw ha.. Suki ng wet ones...!!! Hehehe.... Crisis pala tayo lagi tuwing tuesday and friday eh. tataguan ka na namin ni jeff kung di mo titigilan un... nyak nyak nyakkkkkkk

Jeff - Oi. Sensitive ka pala ha... Nyak nyak nyak... Dapat talaga ikaw ang inililibre ni hehe dahil ikaw ang nangangarag sa kin eh.. nood tayo ng toolbox murders nina april! tingnan ko lang malamang pare-parehas tayong magiging suki ng O.U.R dahil mapapa-ahem tayo sa takot. nyahahahah!!!

Patty aka Trish - Naku iha. Sori at ngayon lang ang kita nabati ulit. Alam mo bang parehas tayo ng unang lay-out? Haha! Anyway.. Sige babatiin kita pag nakasalubong kita sa campus. Gusto mo bang sumama sa RVC?

SA LAHAT NG NAGBABASA NA TAGA-UP MANILA: Sama kayo RVC!! We're accepting members na for second sem...

Benefits: Libre lunch at merienda tuwing enrollment, masaya dahil karamihan ng mga people ay BS BIO, Makakita at makakila ng mga tao sa UPM (Sa mga loveless and looking: Great chance to meet a cutie; Sa mga balak sumabak sa pulitika: Pucha para makilala ang constituents ng UP Manila; Sa mga service-oriented peeps: Sali na! RVC is all about helping our fellow iskos and iskas!) At syempre.. ang pinaka-benefit nyan.... Ka-RVC niyo ko! Yahooo!! Sali na!

For more details: Ask me or any RVC member u know! Visit our bulletin board in RH sa tabi ng cr for application forms!

Ciao mga kapatid!


Monday, September 06, 2004

Kakalungkot...

Kala ko pa naman tuloy-tuloy na ung pagiging masaya ko. Kaya nga ako nagpalit ng blog para maging masaya pero hindi pa din pala.

Uy. Isang buwan na tayo ah. Happy one month! :)

Nalungkot ako bigla. Espesyal na araw to para sa akin. Ni alang bati, alang i love you, alang kahit ano. Di naman ako naghahanap ng bulaklak o libre sa restaurant eh. 'Yung maalala lang at sunduin ako sa school. Mailibre ng ice cream o maihatid man lang ako sa bahay. Ala. Demanding ba ako?

Kakalungkot talaga.. Itinulog ko na nga lang sa bus pauwi. Parang walang nangyari. Naiiyak na ako ngayon. Sabi ko na nga ba eh. Sana natulog na lang ako pagdating sa bahay. Feeling ko di na ko importante.

Sabi ko na lang sa sarili ko. Yaan mo na...

Ngiti ka na lang. Sa ibang bagay mo na lang ibuhos ang sama ng loob mo.

Sa iyo: Sana maintindihan mo ako. Sana naalala mo. Sana nabigyan mo man lang ako ng panahon. Sana...

Sunday, September 05, 2004

Hi All!

Ei peeps.. Eto na po ang bago at new-improved the blog ko! Please continue to support my blog.. and please sa mga gustong magpadagdag ng kanilang blog or web addie sa aking mga baul ng links please leave ur addies sa tagboard..! Hope u like the lay-out, medyo simple kasi ang hirap mag-maintain ng masyadong mabulaklak na blog lalo pa ngayon na mega-over-super-dooper-toxic ako! yun lang pow! na-miss k kayo! muah!