Monday, October 16, 2006

Nursing, antics galore!

N-U-R-S-I-N-G!

Lolz. Kelangan ko talagang ilagay yung WORD na yun dahil yun yung emphasis ng aking post for today.

Ganito kasi 'yun...

Kahapon (Sunday) nagpunta kami ng mom ko sa SM Southmall para bumili ng rolling pin (she's taking one of those TESDA courses to keep her busy) at para ipagawa ang radyo namin na ewan ko ba laging humihina at lumalakas (adik na radyo to a). Ayun. Tas nung pinapatingnan niya yung radyo, nagpaalam ako na pupunta ako sa Rusty Lopez (shoe store) para magtingin ng school shoes (sus. sa sobrang ulan at init at layo ng dinanas ko nung last sem, pudpod na yung takong ng sapatos ko.) Ayun. So ako tingin-tingin naman ako kahit hindi bibili. Tas may lumapit na dalawang babae (mukhang matanda sa akin eh) dun sa kabilang shelf na tinitingnan ko. Apparently, tinitingnan pala nila yung mga white shuzz. So ako naman, mega mind-your-own business lang ang drama ko. Kaso mo, nung narinig ko ang mga susunod na pahayag, di ko talaga kinaya at umalis na lang ako...

Ito yung pinag-usapan nila... (Syempre hindi na verbatim)

Girl 1: Malapit na akong magsuot nito! Yay (Sabay hawak sa puting shuz)
Girl 2: Di mag-thi third year ka na? (Tingin din sa chorvang shuz)
Girl 1: Oo no! N-U-R-S-I-N-G! NURSING! Go! Nursing!

Oh my gahhhhd. Hindi naman masyadong proud ang lola mo sa course niya at may cheering cheering chorva pang nalalaman. Naku. No offense sa mga nursing dyan ha. Kung pwede lang talagang manakal, sinakal ko na yun. Oo alam ko ang iniisip mo, pakialam ko di ba? Sus. Hindi naman kelangan mag-rarara shishboomba ka sa mall para lang ipangalandakan mo na nursing ka. Baka nakakalimutan niyang may scandal pa ang pilipinas dyan sa boarding exam scam. Sus. Kung ako nga med ang kinukuha ko hindi mo naman ako makikitang nag-sisigaw ng "Give me a M! M!" "Give me an E! E!" "Give me a D! D" "Give me an I! I" Nakakapagod mag-type, basta gets niyo naman di ba? Wahaha. Masarap lang talagang mambalahura.

Malakas lang talaga ang fighting spirit nung isang yun.

Wahahaha.
====================================

Anyway, maiba ako. Hay. 12 days na lang pala at enrollment na naman namin. Bwiset. Gusto ko pang matulog.

Yay. Sana makapunta ako sa Huwebes. Block get-together daw eh.

At.. Maghahanap na ako ng bahay! NNNyyyuuuu!!

Dormer na ako next sem! T_T

No comments: