hi... e2 na ulit ako. writing about life. tama na ang pagpapahinga, tama na ang drama. masaya na ako. :)
19 years old na ako, and there's no more room for mistakes and mostly fooling around. di na bagay saka matanda na ako. mabilis ang panahon, at kung magloloko din lang ako, walang mangyayari di ba? di baaaah?
isang araw lang malalaman ko na lang na graduate na ako ng bio, magsisimula ng maghanap ng med school, at magsusuot na din ako ng puting damit. ang weird ba? pero e2 yung naramdaman ko nung nag-pass ako ng pre-enlistment form ko for next year (bio 199, undergrad sem, microbio, at sts). grabe, i only have less than 2 sems na lang pala sa up. pakonti na ng pakonti yung mga subjects ko.
nalungkot ako, sobra. hindi lang siguro halata dahil karamihan ng mga tao, lagi akong nakikitang nakangiti o nakatawa. pero minsan, naiisip ko din ito. hindi na ako bata. kahit ipilit ko pa sa sarili ko hindi na puwede.
marami na akong responsibilidad sa buhay at kasama na ang mga problema dito. sorry kung boring, pero bigla ko na lang tong isulat.
isa ko pang naisip 'yung sinabi sa akin ni april: "na kung grumaduate daw ba kami, magiging magkaibigan pa daw ba kami..." natural kong sagot e oo. ayoko ng mangyari sa amin, yung nangyari sa amin ng "bestfriend" ko ng highschool. unti-unti na lang siyang nawala, hay ika nga nila: "out of sight, out of mind." di ko din alam sa totoo lang ang sagot sa tanong mo april. maraming puwedeng mangyari. puwede akong mawala na rin lang basta-basta o puwedeng ikaw naman ang magkaganun. ang gulo no? pero wala naman talagang makakasabi kung anong mangyayari.
sa amin ni justin. di ko din alam. ang labo no? di ko ba alam kung lokohan yung sa amin eh. di ko alam kung sa mga susunod na araw o linggo makayanan ko pa yung malaman kong may iba na naman. ewan. siguro, ngayon di ko pa alam ang hangganan ng pagiging martyr at masokista. di ko alam kung itutuloy ko pa din ang laban o isuko na lang siya sa kung sino mang herodes na babae niya.
hay. basta ang alam ko, nakabalik na ako. magulo man ang buhay ko ngayon, masaya pa rin ako kahit papaano kasi masasabi ko namang importante din ang existence ko dito sa mundo.
hay. sige. baka sa susunod na lang ulit. andaming exams ngayon eh. ecology lecture sa tuesday at genetics lecture sa thursday.
prince: "mabuti ok na kayo ng princess mo... :p"
april: "nood tayo ng meet d fockers sa thursday, sama natin si chel. dapat nanood ka ng s-files kahapon! si madame auring daw may satlker at ang matinda pa... buntis daw siyaaaaa!! haha... kita na lang tayo sa skul.. mamili ka na kasi... si mark o si momon? haha"
chel: "nood tayo ng meet d fockers sa thursday, 'yung conceptual physics mo andito pa sa kuwarto ko! haha... mark! nyahahahaha"
lee-ann: "sa monday na yung bayad ng lab manual sa genetics! miss na kita.. :p"
jeff: "bru, miss na kita. bakit naman kasi nag-iba ka pa ng sked. hay.. sana makalipat ka na sa U.N. para lagi kaming makikikain, makikitulog, makikiligo, makiki-internet. hehe.. dalhan na lang kita lagi ng fud para masaya. hay... may kuwento ko sa 'yo! pakita ka naman minsan. miss na talaga kita. miss ko ng tawagan ung number niyo dati sa caloocan. hehe... siya pa rin ba ang laman ng puso mo? asusssssss!!! haha!!
jeremy: kasama ka na ngayon sa bati di2! haha! my day isnt complete kung wala ka. nyak! bitch! haha!! see yah at school darling!
trish: been seeing you lately sa skul... hehe.. sorry kung di kita nababati, wala lang talaga ako sa sarili.. hehe... :)
o sa mga di ko binati, di naman ibig sabihin nun na di ko kayo lab, haha.. wala lang di ko lang talaga siguro alam kung ano sasabihin ko! joke! hehe.. this is ur sex goddess signing off... :p
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment