Wednesday, January 26, 2005

I'm sad...

Hay. I thought I was happy. Kala ko kaya kong wag umiyak. But I did. Sobra ng abuso sa puso ko ang pagpipigil sa pag-iyak. Abuso sa loob. Abuso sa sarili. Ako yun. Si masokista at marytyr na si Abi.


Bakit ba kasi kelangan kong maging mabait? Bakit kelangang maging empath ako. Bakit kelangang magmahal?


Ito yung mga araw na tlagang winiwish ko kay God na bigla akong maumpog sa pader at biglang mawalan ng malay. O kaya yung mabangga ng kotse, tapos lilipad ang katawan ko, at sa pagbagsak ko, siguro makikita niyo ang magkasamang luha at ngiti sa mukha ko. Pagkatapos nun ma-cocoma ako at paggising ko, wala akong naalala sa mga nangyari. Ibang tao na ako.


Kaso hindi puwede. Ako parin si Abigail Ruidera. Ako pa rin ang delinquenteng estudyante ng UP, ako pa rin ang masayahing si Abi. Ako parin ang taong marunong magmahal.


Badtrip.


Iyak na naman ako.


Hay.


Ang sakit ng realidad ng buhay.

No comments: