Monday, February 28, 2005

Hay..

I should be studying instead of posting and browsing the net. Shet. I'm really tired of studying na. Aral... Aral... Aral! Every week ata may exam ako, sobrang kaput na ata ang social life ko. Wait. I shouldn't be complaining! Kamote! Kakapasok ko pa lang pala sa UP, scavenger na pala ako for entertainment. Gaaaahhhd! Ang loser! Hahahaha!! Ganun talaga eh. Pinili ko dito sa hell school na ito to get some education! Saka dapat ang mentality ko dapat sige lang ng sige kasi may balak pa naman akong mag-med! Sheeeet!


Kinokontra ko na ang sarili ko. Ok. Tama na abi. Wahaha...! Ay naku, patty, tama ka jan, yung taong yun lagi akong sinasaktan. Pero ang hirap eh, pag may mahal ka, nagiging tanga ka. Pero, in the first place, if you commit yourself to someone, wait, wag na lang commit, kadiri yung term eh. Revised na, pag nag-sabi ka ng ILOVEYOU sa isang tao, kasama na dun yung hirap at sakit na dadanasin mo, kasi sa UTOPIAN world lang naman nag-eexist ang mga guys na uber loyal, understanding, sweet, basta yung gusto natin sa mga guys. Walang perfect love batay sa standards ng mga tao. Alam ko namang may mali din ako, bulag ako hanggang ngayon, at nabubuhay sa isang pangarap. Lantis, alam kong pinagpapala ang mga martyr na tulad natin balang-araw. Sabi nga nila: "Malakas ang karma..."


Punyeta. Tama na nga itong isyu sa Love! Kinikilabutan na ako, di naman ako in authority, hehe. See previous posts. Muahaha!!


Oo nga pala. Baka manood ako ng concert bukas. Well, of course, courtesy ni Jep. Sana nga i-libre ako ng ticket sa FULL Volume. Para naman kahit paano, nasabi ko sa sarili ko na may na-attenan ako na concert sa UP sa buong college life ko. Ngek.


Sige na! Babush! Bukas na ulit................................... Stay beautiful people! :)

Sunday, February 27, 2005

Hay...

Masaya na ako. Pagkatapos ng huling rant kagabi tungkol kay you-know-who-whom-i-refuse-to-mention-his-name masaya na ako. Di na ako iiyak sa kanya. At lalong di na ako martyr... Hehe.. Yun muna. Alis pa ako eh.

Saturday, February 26, 2005

Leche...

Ang sakit-sakit ng tiyan ko kanina... Sobrang makirot... Palagay ko dahil uminom ako ng kape ng hindi kumakain. Buti nga ngayon medyo hindi na. Pramis umiyak talaga ako kanina sa kuwarto dahil sobrang sakit.


Ewan ko nga kung bakit. Matagal na din kasi akong hindi nagkakape. Kung dati adik-adik ako dahil sa kape, ngayon hindi na. Umiinom lang ako pag sobrang depressed at kailangang mag-aral. Parang alak no? Tangna.


Basta ang sakit ng tyan ko. Kelangan ko pang mag-aral dahil dept exam sa tuesday. Ganun ako ka-desperado. Tangna... Eto na naman... Kirot... :'(

Friday, February 25, 2005

hate

ihateu. ihateucuzurtheonehuholdsmyheartandathesametimeucrushitwithurhands. uknowwhatiwanttodo? toforgeteverything. tostopbelievingwithurlies. tostoplovingyou.

Hay...

I missed posting here na! Hay...Tagal na! Almost one month na.. To those people na bumibisita pa din, patty, prince, si april, saka si slash13x, and lantis! Thanks guys for supporting my blog! Hehe.. I promise magpopost na po ako ng madalas dito!


Hei, ano po yung favor na hinihingi mo patty? Hehe.. Just tell me.. Pambati sa mga araw na di kita nababati! :) To slash13x: Ei thanks for visiting my site! You have a blog po ba? I'm going to email you.. Hehe..


Hmm.. Busy ko tlaga! Dami kasing exams, saka may bago po akong addiction eh! Haha.. Di po tao, di rin food!Yung photohunt and word dojo sa gbox sa rob place! darn it..! Gabi na tuloy ako lagi umuuwi lately! Haha.. Pindot-pindot tawag namin dun. La lang.. Share. Haha! Tanungin ang mga bio 3rd yir fifol, at siguradong alam nila 'yung larong yun! Haha.. Hayyy...


Ano pa ba? Putol yung sun sim ko! Kaya sa mga nagttext sa kin dun.. Sowee. Ala pang pera pambayad! Hay naku.


Ano pa ba....!? Dami ko palang fieldtrips this sem! Tatlooo! Una yung sa Banahaw para sa P.I. 100 (Sorry, P.I. doesn't stand for Putang Ina, Rizal ito), Hmm.. Okay ang trip na ito, as usual, ako tatanga-tanga, nagsuot ng pantalon at sneakers, ang kinalabasan? Warak at soggy na pantalon at sirang sneakers. Ako? Sabi nga ni Jose Lacaba: "At kamukha na ni Maritess (in this case, ako iyon) ang kontrabidang si Bella Flores. Hahaha... Sayang nga, sana kasama ko mga blockmates ko! Pero ok din naman eh, kasi may nakilala akong friends dun, si Moises (tama ba? hehe) saka si... oh shit... nakalimutan ko ang pangalan!! Hehe.. Basta mabait sila! Kaya minsan, masaya din naman ng hindi puro mga kakilala mo ang kaklase mo eh. :) Pahabol lang, may epekto pala sa akin pag tinatakot ako bago umakyat ng bundok. Kasi, ang sabi nung parang lider ng Rosa Mystica sa Banahaw, pag daw may ginawa kang kalokohan sa bundok, baka hindi ka makababa ng buhay. Kaya ako? Sobrang kahit shit o gago wala akong nabanggit. Balat-kayo! Amfoots.


Second trip sa Botanical Garden ng Makiling. Shet. Saan ito? Sa UPLB. Brings back old memories which I refuse to disclose dito sa blog. Haha.. Di masyadong okay ang field trip na ito dahil, bukod sa di namin masyadong na-explore ang gubat eh may ginawa kaming experiment. Lintek namang experiment yang magbilang ng damo! Di pa yun eh, na-dissappoint ako kasi sa gitna ng "gubat" eh may signal ang SUN!! Dapat wala! Walaaaaa! Hehe. Pinakamagandang experience? Hmm.. Ang maghugas ng mukha sa dorm ng mga B.S. Forestry peeple. La lang. Wala akong nakilala ok? Astig lang kasi, frustration ko kasi ang mag-dorm o kaya ang malayo lang sa bahay. Haaaayyy... Memorable experience? Ang misteryo ng nawalang buko pie ni micko. Wahaha.. Wawang micko, walang buko pie.. :'(


Third and Last trip ay nung last Wednesday sa PhilRice Institute, Nueva Ecija. Eto na ata ang pinaka-panget na trip evah! Paano ilang oras kang nagbutas ng silya sa bus tapos pagdating namin dun, 3 hours lang ang inilagi namin dun! Ang field trip na ito ang "Seminar sa malayong malayong lugar."In short, nakakatamad ito kay super restless ako habang nasa bus. R-E-S-T-L-E-S-S. Tangna. Pero, on the bright side, may ideya na ako para sa thesis, at mukhang matutupad na ata ang pangarap kong malayo sa bahay! Haha... Saka, ever-bonding kami ng block. May bago na kaming mga pangalan sa mga tao: Ako ay si Sex Goddess, si April ay si Chosen One of Sex, si Arf ay Maniac, si Rachel ay si Sexy, si Jeremy si Sex at si Jessa and Marvin ay si Love. Hehe... Restless talaga.


Yun ang pinagkakabalahan ko... Haha... New progress. May nakita kong cute na taga-La Salle sa bus! Cuteee! Hay... At may nakita kong mag-bf sa bus na La Sallian din, tapos inggit ako kasi ang saya nilang dalawa! Tawa sila ng tawa, parehas silang smart saka sweet. Awww... Hay.. Eto na naman ako!! Hehe... Yun muna! Next time ulit! Lab yu fans! :) Kapal!