Tuesday, May 31, 2005

Morning...

Later pa ako punta sa school. Ala naman akong duty sa RVC, ahihihi, kaya dito muna ako sa bahay. June 7 pa kasi yung official date ng pasukan. Wahaha!

Di pa dapat ako gising, dapat mamaya pa. Kaso lang ang lakas ng radyo namin, at ang tugtog? "J-O-Y, joy in my heart, deep deep down..." Potah. Biglang nagbukas yung talukap ng mata ko. Namumula pa yung mata ko dahil biglaang gising. Hay. Tas hindi na ako makatulog! Potah talaga. Sige na naman, ampunin niyo na ako. Please. Kahit isang linggo. Makikitulog lang. Haha. Potah ang desperate ko. Haha...

Syet. Tas feeling ko may eating disorder pa ako. Ang takaw ko. Hehe. Mamaya may libre si Ez sa Dad's. Syet wait. Dad's = Eat all You Can. Potah. Di nga muna ako kakain ngayon. Hanggang tanghali para super gutom na ako pagdating dun. Hahahaha... Sulitin! Hahahahahaha! Potah! Baliw! Hahaha

Ano pa ba? If you live in the south (esp. sa Las Piñas at sa Cavite), kapag liliko na yung bus sa may Longos (intersection ng Las Piñas at Cavite), take a close look sa clouds sa may Coastal Area (sa Bay). Astig talaga. Parang galing sa painting! Andaming low-lying clouds. Tas 'yung rays ng sunlight nag-penetrate sa clouds. Parang bumukas yung langit. Hay. Not enough words to describe its beauty. Basta. Ang ganda. Super. Ang babaw ko ba? Ang ganda talaga eh. Hay...

Maya na ulit ang post. Ligo muna ako. Potah. Punta na lang ako sa skul. Peste kung mamaya pa ako aalis baka super ma-trapik na ako sa may Vito Cruz. Paduguan ng ilong ang style ng traffic dun sa may La Salle. Tinalo pa ang EDSA. Syet.

Di ko alam i-eend ang post ko.

Basta.

Ang ganda talaga.

Niravana.

Sunday, May 29, 2005

Ha!

And I thought, I would be spending this day in my sweet sweet bed. Ha! I ended up doing other things dahil ang init! I pampered myself this morning, cooked lunch for family kanina and scouted for a good lay-out for my friend's site. Badtrip. Kapag yumaman ako, magpapakabit ako ng aircon sa kuwarto ko. Yung industrial aircon ha, hindi yung pang-kuwarto, para mukhang Antartica. Hay. Sana kasi parati na lang umuulan eh.

Puta. Speaking of ulan... Kagabi, di ba nasabi kong magsisimba ako, aba pag-uwi ko biglang buhos 'yung ulan. Normally, tatakbo ako to take cover. Pero kagabi, naglakad lang ako, as in yung slowwww walk. Ang weird nga dahil hindi ako nagkasipon o ubo o lagnat man lang. Di tuloy na-prove yung connection ko between the rain and falling in love. Saka ko na sasabihin yung tungkol dun. May mas importante akong ikukwento.

Kahapon kasi ang death anniversarry ng lolo ko. So nagdecide kami ni mami at ng tita ko na magsimba sa Good Shepherd. Syempre, friday iyon so konti lang ang tao... At mostly, matatanda. Laking gulat ko na lang nung mpatingin ako sa upuan nung mga choir. Sa likod nung mga bata (every friday kasi ang practice ng Children's Choir), nakita ko siya. At si "Siya" ay si Mario.

Si Mario with unknown surname. Ang crush ko nung bata pa ako. Andun siya, ganoon pa din ang itsura, yung makapal niyang kilay, morenong kutis at ang mga nangungusap niyang mata. Yung imaheng natatak sa utak ko, iyong-iyon, walang labis, walang kulang.

Never pa kaming nag-usap. Nalaman ko lang yung pangalan niya sa kapatid ko dahil pareho silang altar boys nung mga bata pa kami. Nagkakasama kami sa mga joint activities ng girl's club (yung mga flower girls) at mga altar servers, pero ni minsan hindi ako nagkaroon ng chance na marinig ko yung boses niya. Suwerte pa nga si Steph (si bespren) at nakausap na niya "siya" dahil nagkasama yung choir nila sa isang concert.

Wala pa ring nagbago. Crush ko pa din siya dahil sa pagiging malapit niya sa Diyos. At hanggang ngayon, wala pa ring pag-asang magkausap kami o malaman ko man lang yung surname niya. Hay buhay..

Hahanapan ko siya ng picture sa mga lumang annuals ng simbahan na meron kami. Hehe. May kuha kasi yung choir nila dun! (Dapat kasi St. Anne's Choir din ako parang siya, kaso tamad ako, at ni minsan hindi ako nakaattend sa mga practices) Tas pag nakakita ako post ko dito. :)

Haaaayy...

Haayyyy...

1st crush never dies... Yak. Di ba dapat 1st love never dies? :)

=========================

Manonood lang ako ng Girls in Love at Dave the Barbarian tas tatapusin ko na yung blog ni Jeppie (cute ng nickname ni Jeff! hehe!)

Saturday, May 28, 2005

Hay

Sori kung naging hiatus ang blog ko. Andami ko lang talagang ginagawa lately. Last tuesday galing ako sa mantrade, tas no'ng thursday (kahapon) galing sa hazing (haha.. juz kiddin') este ng induction ng org ko sa school then punta sa greenhills tas punta ng glorietta. Basta andami ko ginagawa lately. Siguro tomorrow, baka matulog lang ako the whole day, wala namang plano, at wala naman akong inaasahang bisitang dadating dito. Pahinga muna ako ng two whole days bago sumabak ulit sa mga problema.

Umalis na din pala dad ko kanina. Ayokong malungkot dahil hindi naman bagay sa akin. Isa pa, pagod na din akong malungkot. Nasabi ko na nga lang sa kanya bago siya umalis eh: "Dad, pano yan? Wala na akong kalaban sa magic sing?" Napakawalang-kwentang line no? Nakita ko siyang ngumiti, natuwa ako.

Naisip ko na 'to n'ong mga nakaraang araw. Di na ko dapat iiyak kahit kelan. Di na ako dapat masaktan.

Tama na yung serious part. Fun naman! Ayun last tuesday galing nga kaming mantrade nina Jeff, Leeann saka ni Ten para ipa-develop yung mga slides namin. Ang saya kasi adventure dahil kaunah-unahan: wala kaming transpo at wala ni isa sa amin yung may alam nung place at second, yung 300 bucks ko nadedo sa pamasahe. Nagpunta din kami sa glorietta para magpalipas ng oras. Hay...

Ayun. Tas madami pa nangyari! Nitatamad akong magkuwento. All time record ko ngayong summer! 4x akong nakapag-swimming! Ayun, may change of plans pala ako, bukas, tatayo lang ako para ayusin yung blog ni jeff. Tas baka punta na din ako sa starmall para manood nung spongebob mall tour. Pero more or less, tulog ako. Patay telepono ko. Kaya sa mga kokontak sa akin... Sori. Telepono ko naman ang magiging hiatus. :)

Hanggang sa muli.. :)

P.S. Baka magbago na ako ng lay-out.
Salamat sa mga nagbasa
Salamat kay Lord
Basta salamat sa inyo.

Magsisimba muna ako. :)

J, pagod na ako. Tama na. Ayoko na ng lokohan.

Monday, May 16, 2005

One year

Di ko inakala na may bagay na magtatagal sa buhay ko. Aaminin kong wala akong sense of committment kaya masayang-masaya ako dahil for the first time, may bagay akong sineryoso at nagtagal. One year na akong blogger! Actually, hindi dito makikita ang kauna-unahan kong post! Sa abiruidera.blogspot.com pa! Hehe. Andami ng nangyari, andami ko ng nasulat at proud ako! Kaya labis-labis ang pasasalamat ko sa lahat ng taong sumuporta, nagmahal, nakibasa, nagpa-iyak, mga nakasabay sa bus, at mga nagpatawa sa akin. Dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi naging makulay ang buhay ko, wala ako dapat natutunan at hindi ako magiging ako dahil sa inyo. Salamat sa inyong lahat!

=====================

Sensya na kung hindi magiging sobrang mahaba ang entry ko ngayon. Nag-iisip pa ako ng bagong kuwento na isusulat ko dito. Ano pa ba? Basta, ang saya ko. Sobra. Alam kong super babaw ko ngayon. Hayyy... Hindi lang naman kasi tungkol sa blog ito eh. Maraming bagay. Hay, sana maayos ko na nga lahat eh para mas happy.. :)

=====================

Aral po muna ako! May exam po kami sa histology lab this tuesday! Karir karir muna! :)

Wednesday, May 11, 2005

Pagod!

Hay. I don't know, but I just realized that I do have a bipolar syndrome. I was so sad this morning and now, after all the drama, here i am posting and honestly, and am very happy right now. Maybe because I released every bit of bad emotions that I have kept for a long time. I told some people how I really feel, and I guess that helped clear up several misuderstandings. Ayun.


Ano pa ba? Hay, last Saturday po pala galing ako sa Batangas! Ang saya! Nag-dalawang isip na nga ako na mag-drop ng histology dahil masyadong tempting mag-stay sa province! Duh? Abi = Swimming! And province = beaches! Darn it! Wala pang bayad yung beaches (we went to 2 beaches = Sigayan and Aplaya) doon dahil my mom made a freaking connection with two beach owners (we were related to them!) and anytime that we want to go swimming, ok lang (libre accommodationssss!). I liked Sigayan better because it has less jelly fish (sa Aplaya, sobrang rich ang kanyang marine ecosystem ng cnidarians!) and white sand siya (of course, mas maganda pa din ang sands ng bora - sabi nila! di pa ako nakakapunta doon!). Sayang lang kasi, we went to Sigayan medyo hapon na tas low tide pa. Hay. Sayang.


Hmm, what else? Baka next week pumunta ulit ako doon! Hahaha!! 'Yung dad ko kasi punta sa batangas race circuit para manood ng race with his friend, si tito betong ata (si Vaness Wu look-a-like). Ewan ko lang, pero gusto ko nga pahinga muna! Ang layo kasi ng trip! Almost 4 hours from Alabang! Hay.. Sana ayain ako nina april pag nagpunta sila sa Galera (summer-ender daw yun), I love to swim kasi! Kahit maging apo neg-neg ako, magpapagawa talaga ako ng swimming pool na may wave-wave kapag yumaman ako. Hehe.. Pansin niyo ba, parang ang haba ng entry ko? Bakit kamo? Dahil wala kaming quiz tomorrow! Hay... Fun..! PEro di ko pa ma-upload yung pictures dahil: tinatamad ako. Asa laptop kasi yung pictures, eh mag-eeffort pa ako na magkalkal at mag-bukas ng isa pang pc... Hay, iniisip ko pa lang napapagod na ako!


Hmmmmm... Last na.. Si Ate Genna asa skul kanina! Blooming siya ah! Hay, totoo ngang love is a great beautician. Oh well... Suwerte niya! I hope maging ok sila ng boyps niya na si Eric! Haha! O yun muna! Bukas ulit! Hehe.. :)


====================


Naayos ko na pala yung talagang sched ko, asar kasi, restricted daw ang bio 120 lec3 sa biochem! Nyarks! May class tuloy ako ng 1 - 7 pm! Badtrippp! tas baka mag-add ako ng bio 124 (rad bio). Hehe... Papaka-toxic na ako! Haha!!

Monday, May 09, 2005

Ahoy there!

Shux... Ang tagal magbukas ng website ng UPM sa browser ko. I'm writing this entry para di ako ma-bore sa kakahintay. Yun. Dami kong subjects next sem! Putek! Bio 120, Bio 199, Bio 196, Bio 150 tas STS! Hay.. Feel ko na 4th year na ko! Hay... One more year to go tas it's med na for me. Hay. Kaasar tong UP ah. Hi-tech nga ke bagal naman! Asa bahay na pala ako. Hehe.. Magpapaka-toxic muna ako! Hehe... Gagawa pa kami ni Leeann ng sched namin. Babu!

Tuesday, May 03, 2005

End of the three part mini-series

Natigilan siya sa ginawa ko. Sinabihan ko siya na handa akong tumulong sa kanya, para palakasin ang loob niya para tuluyang gumaling. Napapayag ko siya bandang huli at sabay kaming umuwi noon para ibalita sa mga magulang niya ang magandang balita.

Isang taong gamutan ang nangyari. Tinupad ko ang pangako kong hindi ako aalis sa tabi niya at sasamahan sa kanyang problema. Naroon ako sa mga panahong namamalipit siya sa sakit, noong unti-unting nalalagas ang buhok niya... Naroon ako para dumamay, para kahit papaano, maibsan ang hirap na kanyang dinaranas.

Ang paghihirap namin ay nagbunga. Ang tiyaga at suporta namin ng kanyang magulang at kaibigan ay nagpalakas sa kanya ng loob para lumaban. Unti-unting bumalik ang kanyang sigla, kasama na rin ang naudlot na aming pag-iibigan. Ang mga nangyaring tradehya sa aming relasyon ay ang siyang nagpatibay lalo sa aming samahan.

Ngayon, habang sinusulat ko ito ay katabi ko si Julian sa aking tabi. Nakangiti habang inaalala namin ang unos na aming pinagdaanan at ang ligaya na sa habambuhay ay aming pagsasaluhan....

Fin
=========================
Hayan. Akala niyo sobrang drama no? Di naman. Ayoko ng masyadong tragedy baka maiyak kayo. Hehe... Saka mas gusto kong tapusin ito na nag-iiwan ng saya at kilig sa puso niyo. Ang sarap kaya ng feeling ng may nag-aalala sa iyo at may nagmamahal ng totoo.. Ay! Hehe. Hindi ito kuwento ng lovelife ko. Inspired lang akong gumawa ng kuwento na gaya nito. Sana nagustuhan niyo! Hehe... :)

Monday, May 02, 2005

Part II..

Sori nabitin ko kaya sa kuwento ko. Heto na yung kasunod ng kuwento ko...

=====================

Hindi ko matanggap ang mga sinabi nya sa akin, hindi ako naniniwala na masasabi niya ang lahat ng mga bagay na iyon. Na hindi na niya ako mahal, na nagsasasawa na siya sa akin. Nanghina ako at kung hindi ko naisandal ang kamay ko sa pader, malamang ay nawalan na ako ng panimbang at bumagsak sa sahig. Hindi ko nagawang umiyak dahil hindi ko na kaya. Nagmamadali akong umalis sa bahay nila at hindi ko na nagawang magpasalamat sa mommy niya.

Pagdating sa bahay, nagkulong ako sa kuwarto. Tinabunan ko ang mukha ko ng unan at umiyak ako. Ramdam ko yung bigat sa dibdib ko at inilabas ko lahat. Iyon na ata ang pinaka-pangit na araw sa buong buhay ko. Sana mamatay na lang ako. Paulit-ulit kong sinabi 'yun... Dahil nawalan ng saysay lahat. Lahat ng pinaniwalaan ko, biglang naglaho.

Ilang linggo ang nakalipas at malungkot pa rin ako. Hindi ako makakain, at nilunod ang sarili sa lahat ng mga trabaho sa school. Malaki ang naging epekto sa katawan ko, bumagsak ang timbang ko at napapansin na rin ng mga kaklase ko na unti-unti ng nawawala ang dati kong sigla. Pinilit kong kalimutan ang lahat, na hindi ako magpapatalo sa damdamin ko. Madalas kong pinaniwala ang sarili ko na ok ako, kahit hindi.

Lumipas pa ang mga araw at unti-unti ko ng natatanggap na wala na si Julian sa buhay ko. Muli akong tumambay sa waiting shed dahil hindi man kapani-paniwala, hinanap-hanap ko ang pagmamasid sa mga tao at ang alikabok sa kalsada. Marami na ang pinagbago sa waiting shed. Wala na si Mang Berting dahil tapos na ang construction sa likod ng waiting shed. Si Aling Mameng ay napalitan na ng kanyang anak na si Yayo. Si Grace ay wala na, dahil ang balita ko kay Yayo, may natuwa kay Grace na mag-asawa at inampon siya ng mga ito. Subali't ang mga alaalang dala ng waiting shed sa akin ay naroon pa rin. Yung isang maulang hapon noong Hulyo, naroon pa rin. Hay...

Isang hapon, matapos ang finals namin sa skul ay dumiretso ako sa waiting shed. Sabi nga nila, ang mga bagay na hindi mo inaasahang mangyayari, ay iyon pa ang magaganap. Malayo pa lang ay may natanawan na akong nakaupo sa paborito kong upuan (doon kami nagkakilala). Hindi ko maikakaila ang tindig at itsura ng taong iyon. Kilala ko ang taong iyon. Si Julian.

Nagdalawang-isip ako kung lalapit ako. Ayoko ng bumalik lahat sa akin, pero may mga katanungan ako na hindi pa nasasagot, kung kaya't nilakasan ko ang loob ko at lumapit ako. Umupo ako sa tabi niya, pero wala siyang imik. Sinandal lang niya ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Huminga ako ng malalim at tinanong ko siya ng bakit.

Alam kong makikita kita dito. Iyon ang sinabi niya, at hindi iyon sagot sa tanong ko. Tinanong ko siyang muli, hindi siya nagsalita at hinawakan ang kamay ko. Na-miss raw niya ako. Sa totoo lang... medyo naiinis na ako noon dahil ayaw niyang sagutin ang tanong ko. Inalis ko ang kamay niya at sa huling pagkakataon ay tinanong ko siya. Inalis niya ang ulo niya sa balikat ko at muling hinawakan ang kamay ko. Ipinaliwanag niya lahat sa akin. May sakit siya pero mas pinili niya ang huwag magpagamot, wala rin naman daw kuwenta dahil hindi na siya naniniwala na gagaling pa siya.

Nagalit ako at sinampal ko siya. Umiyak ako hindi dahil naglihim siya sa akin pero dahil ayaw na niyang mabuhay.....

(Shet sorry, mamyang hapon na talaga ang ending pramis. Dami kasing istorbo eh. :))

Sunday, May 01, 2005

hay.

May kuwento ako na laging naiisip habang naghihintay ng bus sa may waiting shed ng U.N. Avenue. Kinda mushy... Hehe...

===============

Naging libangan na ata sa akin ang pag-upo sa waiting shed sa may U.N. Avenue. Trip-trip ko lang ang magmasid sa mga taong naghihintay kung kaya't ginagabi ako lagi ng pag-uwi sa amin. Hindi ko inaalintana ang kapal ng usok ng mga tambutso at ang ingay ng mga sasakyan. Para sa akin ito ang kasiyahan ko dahil dito lahat ng klase ng tao napapagmasdan ko.

Marami na rin akong nakilala sa libangang kong ito. Si Aling Mameng na may sariling maliit na bangketa sa may waiting shed. Halos ata lahat na puwedeng kailanganin ng mga dumadaan eh ibinebenta niya. Mga sedula, ballpen, candy, dyaryo, buko juice, mineral water, sigarilyo, at ultimong e-load ay meron siyang itinitinda. Akala ko noong una'y suplada si Aling Mameng dahil matapang ang kanyang mga mata at mukhang laging may iniisip. Nabigla na lamang ako noong minsang tinanong niya ako kung bakit nakahiligan kong tumambay sa waiting shed. Simula noo'y lagi na kaming nag-uusap, tungkol sa gobyerno o kung minsa'y sa mga chismis tungkol sa mga artista na kanyang nababasa sa diyaryo.

Ang pangalawa'y si Grace. Ang bulag na namamalimos sa may dulong bahagi ng waiting shed. Aliw na aliw ako sa kanya dahil sa ganda ng kanyang boses. Kung hindi lamang naging bulag ang batang ito, malamang ay sumikat ito dahil sa galing niya sa pagbirit. Nakagawian ko ng bigyan siya ng tinapay (baon ko) kapalit ng isang madamdaming kanta.

At ang huli ay si Mang Berting. Foreman siya sa ginagawang building sa likod ng waiting shed. Paminsan-minsan ko lamang siyang nakakausap dahil sasaglit lamang ang breaktime nilang manggagawa.

Hindi sa kanila umiikot ang aking kuwento, subali't sa isang hindi makalimutang pangyayari.

Tandang-tanda ko pa. Isang maulang hapon sa buwan ng Hulyo ng una ko siyang makita. Patakbo siyang sumilong sa waiting shed. Umupo siya sa tabi ko at napansin kong basang-basa siya mula ulo hanggang paa. Sobrang nanginginig siya sa lamig kung kaya't naisipan ko ipahiram ang jacket ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at nagpasalamat sa jacket. Nalaman kong pareho kami ng bus na sinasakyan pauwi. Kung kaya't nong dumaan na ang bus namin ay pinasukob ko siya sa payong ko. (Nalaman ko ang pangalan niya: Julian!)

Habang sakay kami ay napailing ako at sinabi ko sa kanya na bakit ba halos lahat ng lalaking kilala ko eh hindi mahilig magdala ng payong o sumbrero man lang. Napahiya ata sa akin kay siya na ang nag-alok na ibayad ako ng pamasahe. Ipinaliwanag ko naman sa kanyang hindi niya iyon kailangang gawin dahil bukal sa loob ko ang pagtulong sa kanya. Ipinilit pa rin niya ang bayad kung kaya't ako naman ang napahiya at napilitang tanggapin ang kanyang alok.

Hindi doon nagtapos ang pagkikita namin. Nasundan pa ito ng maraming beses dahil nagkataong pareho kami ng oras ng labas galing sa school. Naipakilala ko na rin sa kanya si Aling Mameng, si Grace at si Mang Berting. Natuwa siya at nasabihan pa akong unique at hindi maarte. Hindi ko raw pinipili ang mga taong gusto kong makilala, ke mahirap man sila. Naging madalas na rin ang pagsasabay namin pag-uwi. Nagulat na lamang ako nang isang araw ay inalok niya ako na ihatid pauwi. Ililibre daw niya ako ng kape dahil nakuha niya 'yung stipend niya sa scholarship. Pumayag naman ako dahil wala din naman akong lakad noong araw na iyon.

Kalagitnaan ng aming pag-uusap ay bigla siyang natahimik. Yumuko siya at huminga ng malalim. Tinanong ko siya kung ano ang problema, at sinagot naman niya ako ng meron. Tumitig siya sa akin at sinabing unti-unti na raw na nahuhulog ang loob niya sa akin. Ipinaliwanag niya sa akin lahat-lahat. Sinabi ang kanyang nararamdaman at nang matapos ay muli siyang yumuko. Nahihiya raw siya dahil baka raw isipin kong inabuso niya yung kabaitan ko sa kanya. Ngumiti ako at inamin ko din ang nararamdaman ko para sa kanya. Talo ko pa si Kris Aquino sa pagbubunyag ng mga lihim. Pagkatpos noon ay pareho kaming natahimik. Tatayo na sana ako at aalis dahil sa kahihiyan ng hinawakan niya ang kamay ko. Nakiusap siya. Kung pwede raw na bigyan ko siya ng pagkakataon na mahalin ako.

Bigla ata akong nasapian at kung ano'ng pakiramdam ang biglang bumalot sa katawan ko. Hindi ko masabi kung ano, basta ang alam ko, masarap at para akong idinuduyan sa ere. Ayokong mawala yng pakiramdam na iyon kaya pumayag ako. Noong inihatid niya ako, sobrang saya ko. Sa loob-loob ko: Kami na! Hay... Ewan ko pero noong tumalikd siya at lalakad na palayo sa bahay namin eh bigla ko siyang niyakap. Natigilan siya at nabitawan yung hawak-hawak na paperbag. Hinawakan niya yung kamay ko tapos sinabi na sobrang saya niya. Hindi ko nakikita yung reaksyon niya dahil isinandal ko ang pisngi ko sa likod niya, ipinikit ko ang mata ko at paulit-ulit kong sinasabi na mahal na mahal ko siya.

Pero hindi lahat ng kuwento ay happy ending. Kung bakit naman kasi sa buhay ng tao, hindi puwede ang laging masaya...

Walong na buwan ang lumipas na puro saya at pagmamahalan. Inasahan ko ng kami na talaga dahil wala kaming naging problema dahil open kami sa isa't isa. Pero mali ako. Dahil sa isang iglap, nawala siya. Patay lagi ang telepono, laging wala sa bahay at hindi pumapasok sa eskwelahan. Gulung-gulo ako dahil hindi ko alam kung bakit. Naging madalas ang pagtambay ko sa waiting shed. Umaasang makikita ko siya muli. Subali't sa araw-araw na pagtigil ko doon ay lagi akong tulala. Laging walang imik at malalim ang iniisip. Pinagpayuhan na nga rin ako ni Aling Mameng at Mang Berting na tigilan ko na ang pag-iisip, dahil kung kami raw ang para sa isa't isa eh magkikita kaming muli. Lahat ginawa nila para lang sumaya ako, pero nabigo sila.

Hindi ako kaagad sumuko dahil gusto kong malaman kung ano ba talaga ang dahilan. Kaya noong isang araw na nawalan kami ng pasok dahil sa welga ay dumiretso ako sa bahay nila. Nadatnan ko ang mommy niya. Malungkot at hindi maipinta ang mukha. May iniabot na sulat sa akin. Binasa ko ito at pagkatapos ay natigilan ako at sobrang higpit ang hawak ko sa sulat niya...........

****Itutuloy****

(Sori! Next time na po ang karugtong... :) Isipan niyo ng ending! :))

Tuesday, April 26, 2005

After.....

Thank God we did not have an exam in Histology. I wasn't prepared to take that long quiz because I haven't studied thorougly the coverage of the exam. God must really be looking down on me today. He doesn't want me to fail so He gave me another chance to study. So after publishing this post I'm ready to hit the books (or hand-outs!) and study very very hard!

I'll be updating you guys tomorrow on the details of the exam... Hehe..

Sunday, April 24, 2005

Sipon

I'm here in my room typing this entry with a roll of tissue on my side. You see I have a bad case of "drippy-nose." I gad sick lath wedday (I got sick last wednesday in drippy nose lingo) cuz I forgot to circulate the fan. My drippy-nose got worse last thursday because of pollution and stress. I can't think straight for the past days because along with the drippy-nose, I have a really annoying head-ache. I can't absent myself from school because I will miss alot of my lessons and our first departmental exam is due exactly 6 days from now. I've been sleeping alot and been drinking many glasses of water to cure this dreaded "disease."

This morning, I'm so desperate to clear my stuffy nose, that I decided to increase the dosage of my medication. Instead of drinking just one teaspoon, I sort-of "upgraded" it to a whole tablespoon (I wasn't thinking straight!). I didn't become delusional or anything, I just felt very tired and sleepy.

I sure wish that I'll be better by tomorrow. I really need to do my schoolwork. ahhhhchoo! Sorry about that...

=====================

Abi - Lethargic and sick. Watching t.v.
Dad - Asks abi if he could teach her how to drive.
Abi - Shrugs. A sign that she doesn't want to.
Dad - Stood up and went to the other room. Goes back with a tennis racket.
Abi - (thinking) WTF?! Are you going to whack me with that thing?
Dad - Sits on the chair and asks abi if they could play tennis.
Abi - Huh? Can you see i'm really (double-emphasis) sick? Can we play some other time? Please?
Dad - Alright. Thinks for a second. Can we play tomorrow?
Abi - Said ok. Just to end the conversation.

Darn it. My dad thinks i'm just avoiding having a "bonding" session with him. But he doesn't realize that i'm REALLY sick. I really want to learn how to drive and to play tennis with him. But what to do? Sh*t.

=====================

I just realized after taking all those pictures in my new fone that I'm vain din pala. Sh*t, after all those times that I've been making fun of my friends who love take pictures of themselves, I realized that I'm one of them! I have so many pictures taken! Some of them are daring (not naked you perv!) and some are with tita and lola. I made an effort of transferring all of them to my laptop (hehe, lucky me, it has an infrared port)... What a very productive day for abi. Waw... :)

=====================

I'm going to watch t.v. muna. Do you guys know the show "Girls in Love" and Unfabulous? I love watching 'em. Bye for now. Hehe. Jep, If you're reading this, please don't do it! Wag kang magpakalbo! You're going to look like Berwin! Hehe....

Marvin. Uy. Nabasa ko yung text mo kay april. Hay.. Sorry po talaga di ako nakasama sa lakad last thursday. Kasama ko po kasi ang tatay at nanay ko. Bawi na lang ako next time. :)

Friday, April 22, 2005

Hay...

Parang hindi summer at hindi toxic ang subject na kinuha ko at nakukuha ko pang sumama sa parents ko na maggala kung saan 'san. Ewan ko ba... Pero dapat kasi sinusulit ko yung time na andito ang daddy ko. Mabait na ako at hindi ko na siya iniiwasan. At hindi ito dahil sa marami siyang dalang pasalubong sa akin (may bago na akong taleponooooo! mapapagpahinga ko na yung LG fone ko na sa sobrang dami ng gasgas eh baka baka itapon pa sa akin yun ng manghoholdap sa akin), basata siguro nga nagiging mature na ako. Nung ast niyang uwi, nag-effort akong makipag-bonding sa kanya kaya ngayon medyo ok kami.

Ok naman si daddy eh. Hindi lang talaga ako sanay na kasama siya dahil sa labing-siyam kong existence sa mundo eh si mami lang ang lagi kong kasama. Once a year ko lang siya makita at madalas pa doon eh magkagalit kami. Pasaway talaga ako noon. Sobra. Hehe...

====================

Pasaway din pala si daddy. Aba't iniwan kami ng nanay ko sa Market Market kanina dahil dumating ang ka-friendshipan niya na si Kuya Betong (asawa ng stewardess na nakilala ni daddy at mami sa Bahrain. Mukha siyang bading nung kasal nila last year kaya sa loob-loob ko dati: "Malas nung babae, mukhang bading pa ang nakatuluyan niya"). Pero mali ako... Maling-mali. Mucho guapito si betong ngayong nagpahaba ng buhok kasi at may braces pa (pero hindi ko siya pinagnanasahan... kadiri!). Mukha ng Vaness Wu na may braces. Hehe.. At in fairness, ang dala niyang chedeng eh Ford Expedition. Ok na din pala eh, wag na nga lang magpapaiksi ng buhok. :)

====================

Flashback muna. Kaninang tanghali, wala na akong pera pangkain. Literal na naubos dahil sa mga pagbabayad ng utang-utang at manual. Bigla kong naisip na: "Putek! Pupunta nga pala ng Duty Free sina mami at dadi mamaya! Subukan ko ngang sumama..." Suwerte ko naman at naisipan nila kong sunduin sa school. Putek. Ang saya ko. First taaaaayyyymmm koong masundo ng kumpletong magulang sa skul! Excited ako sobra! Hindi nga ako mapakali kaya lagi akong tumitingin sa talepono ko kung nagtext na si mami. Ibinida ko pa nga sa mga kaklasmeyts ko na susunduin ako eh. Tas nung nag-miscol na si mami, suave akong nagpaalam sa mga RVC co-members ko: "Uy, sige po... Aalis na ako... Hehe..." Pagkalabas ko ng skul basta lakad ako ng may sobrang laki ng ngiti ko. Sumimangot lang ako kasi yung tatay ko binusinahan ako! Lintek. Parang abduction. Hindi ko man lang nalasap ang moment (siguro kung sine ito, may slow mo pa at may nangingilid na luha sa mata ko...)

====================

Ayun pagkatapos ng abduction, nagpunta kami sa duty free. Bumili ng mga imported goods. Kaso ang nanay ko, nag-coconvert sa peso ng preso, kaya pag may nakita kaming medyo mahal na gamit, nakakapagmura talaga siya. Hay naku. Konti lang tuloy ang nabili namin. May nakita pa naman akong bag sa United Colours. Putek naman, $90 ang pressssyo! Sayang.. Ang ganda pa naman! Nawalan tuloy ako ng gana mamili... Hayyyy....

====================

O siya yun muna ulit. Mag-aaral pa ako. Hehe......
Abi is currently listening to Maroon 5 - This Love.... She said goodby too many times befooooorreeee!

Thursday, April 21, 2005

Heya...

Mamya pa akong 7 am maliligo kaya sinusulit ko yung free net dito sa ISP. Ngayon talaga mag-sstart 'yung class ko kasi 'yung prof ko umattend ng graduation kahapon. Ayon. Ngayon lang ako nakapag-post kasi sobrang pagod ako kahapon! O sige.. Exag naman pag sobrang pagod kaya pagod na lang. Galing kami kahapon sa Recto nina April, Jeff at Rachel para bumili ng textbook ng histology (Leeson, Leeson, Paparo..), suwerte nga namin kasi nakabili kami for a lower price na copy nung book.

Aion tas nagpunta kami sa Quiapo (hindi namin planado yun ah...) to scout for art films. Kaso si Jeff pala wala pang DVD player eh ala kaming nakita na VCD copy kaya we ended up (si Chel lang pala at si Jeff) buying other "stuffs." Wala akong perang dala kaya corny, wala akong nabili. Jeff bought perfume, watch, at incense (mura lang.......!) and Rachel bought syempre... kikay stuffs (not-so-chandelier earrings, flower earrings, mini ziplock bags for her "kikay stuffs"). Oo nga pala nilibre kami ni Jeff ng lip gloss! Thanks po! Hehe.. Tas ako.. Since wala nga akong pera, nilibre din ako ng dinner sa KFC - Quiapo (Libre na yun ah! Gagawan naman kita later ng blog ehhhhh....)

Yun. Dumating pa yung dad ko... Ayun. Pagod na talaga ako. :( Hehe... I'll try to post ulit later maliligo na ako ehhhhh... :) Till then....!

Wednesday, April 20, 2005

Usapang abi...

Sa bus kanina may nakasabay akong guy, nakaputi, kalbo, moreno, malinis. Cute? Oo. Pero di ko tinabihan, kasi shy ako (hehe joke, ayoko nga 'yung tabihan! tangna! andami namang bakanteng upuan bakit naman ako sisiksik sa tabi niya? halllerrrr!? hindi ako ganoong ka-desperate!) Ayun. Crushable ang loko... kaso kamot ng kamot sa ulo! Tangna! Baka may kuto o kaya ginagalis yung ulo niya! Bwahaaaaaaaaahaaahaaaa!!! Kung hindi nagkakamot ng ulo nagtatanggal ng mantika sa mukha... Di ko alam kung vain siya o talagang bored lang. Tangna. Hehe... Sa aming dalawa... Ako ang bored at hindi siya.

====================

May dilemma ako kanina bago ako umupo sa bus kanina. Maraming bakanteng upuan kaso ayoko mag-isa sa upuan dahil papausugin ako. Ayoko sa dulo pag umuuwi kasi sisiksik sa mga katabi ko pag bababa na. Eh yung mga puwede eh yung sa likod na parang sinusunog ang pwet ko pag dumating ako sa coastal (ayokong maging crispy ang pwet ko pag-uwi), tas yung sa tabi ni kamot-ulo (ayoko din dun kasi kahit papable siya masikip sa tabi niya dahil dalawa na sila dun sa tatluhan na upuan. baka mamya mahawahan pa ako ng pagkakamot niya) at yung isa naman eh may mag-jowang juding! punyeta. ayokong maging ka-threesome sa kanila. Buti na lang may dalawahan pang seat na available kaya doon ako umupo (ang init ng sahig ng bus kaya kung papaano ko tinataas yung paa ko!)

=====================

Pasukan na naman pala bukas. Ilang beses ko na lang ba ito sasabihin pagkatapos ngayon? Marami pa... Dahil balak ko talagang magtuloy sa med. Magkamatayan na basta magiging duktor ako. Kakaririn ko ang katangi-tangi kong subject ngayon na Histology. Potah. Basta kaya ko to. Oo nga pala, muntik ko ng maisipan kanina sa National Bukstore (kasama si jep, si april at si chel... si jep kasi namimili ng iskul suplays) na ipa-cancel na lang ang Histology at palitan ng Field Bio (Salamat April sa walang sawang pangungulit sa akiiinnnn!! Muntik na talaga akong bumigay). Nagdalawang-isip ako kasi naka-plano na ang buhay ko, pero may sumisigaw sa utak ko na: "Ungas! Mahirap ang histology! Balak mo bang magpakamatayyy????!!!!!!"

Sa kasawiang palad nanalo ang pagiging ungas ko at pinagpatuloy ko ang pagkuha ng histo. At saka... Sa sobrang kahirapan na ata ng U.P. eh hindi nakayanan ang pag-aaccommodate ng dalawang elective kaya na-cancel ang Field Bio. Kainis talaga... Nakita ko yung disappointment ng mga ka-batch ko nung nalaman nila yung balita (Kung ako din ang nasa kalagayan nia, pihadong makakapag-mura ako). Gusto naming mag-aral pero takte naman... nailagay kami sa eskwelahang daig pa ang daga (may daga sa skul namin na parang pusa. nakakatakot talaga kasi naglalagi siya sa canteen. nung 1st yir ko pa yun nakikita eh!) sa kahirapan.

=====================

Bukas start na ng class sa histology. Syempre excited ako (ngayon lang ito kaya pagbigyan na ako), na malamang ay mawawala pagkatapos ng sunud-sunod na exam. Hay basta sana mai-enroll ko na ang mga subjects ko para tapos na...

=====================

Pakisabi na hapi grad sa mga ate at kuya natin na 4th year. Hihi... Bukas na iyon sa PICC! Gudlak sa kanila! :) Hayyyyyy.....

Kasalukuyang nakikinig si Abi ng kanta ni Usher. Let it Burnnnnn beybeeeeeehhhhhhh!

Tuesday, April 19, 2005

Toxicness!

Ampf. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nai-eenroll ang katangi-tanging isang subject ngayong summer. Kukuha ako ng histology (zoo 106) para mabawasan ang major elective na kukunin ko... Sana lang maka-enroll na ako by tomorrow kasi start na ng class sa lecture at lab dahil kay heredity! Orientation pa lang naman daw... Hay... Duty ko kasi bukas eh. Sana ngayon na lang ako nag-duty sa RVC kasi walang nagpa-enroll ngayon!!!! Paano nag-extend ng regular registration ang OCS! Hay naku... Na-compute ko na ang tuition fee ko... Malamang ay 1677.50 ang dapat kong bayaran.


Buti pa ang mga ka-block ko na nag-cross enroll sa Diliman. Kahit daw gaano ka-gulo (parang palengke) at kahaba ng pila doon ay natapos na sila sa enrollment. Hay... Basta ako, naniniwala pa ding makakaenroll na ako bukas. Hehe...

===================

Pagod na pagod pala ako ngayong nakalipas na araw. Di ko nga alam kung bakit, pero iniisip ko na baka dahil iyon sa metabolism pills na iniinom ko. Nauubos ang ATP ko.... Hay. Di muna ako iinom bukas para go, go, gooo! ako sa pag-aassist ng mga students na mag-enroll...

Saturday, April 16, 2005

Recipe for Tuna Casserole

I spend countless hours watching cooking shows in Discovery Travel and Adventure (All cooking shows I've watched: The Naked Chef/Puka Tuka by Jamie Oliver, Creating with Heart and Soul by Kylie Kwong, A Cook's Tour by Anthony Bourdain, Cooking with Nigella , Surfing 'd Menu with Curtis Stone and Floyd). I dunno, I like watching them create scrumptious dishes out of fresh ingredients. I admire their love of food and I admit they inspired me to try cooking.


Lately I've been perfecting one dish (and mukhang ok naman ang result!) called Tuna Casserole. I've adapted the recipe from my mom and modified her para maging mas masarap! This evening, I've come up with my very own recipe (modified pala) for this dish and I'd like it to share it with you guys, baka gusto niyo i-try! Ok siya pag may gatherings kasi hindi gaanong heavy at nakakaumay. Hehe... Kung may naisip po kayong suggestion for this recipe please feel free to leave your comments dun sa baba! :)


=====================


Tuna Casserole
8 Servings
Olive oil (I suggest using Olive oil para healthy!)
1/2 cup chopped Onion
3 cloves of Garlic, minced
1/2 cup chopped fresh Basil
1/4 cup chopped red bell pepper
1 can of button mushrooms, drained and sliced thin
2 180-gram cans tuna flakes/chunks in water (or in brine)
1 500-gram pacakage macaroni, cooked until al dente
1 big pouch of Del Monte Italian Style Spaghetti Sauce
1/2 cup liver spread
1 tablespoon of Capers
Salt and pepper to taste
1 1/2 cups grated cheddar cheese


Procedures:


1. Heat olive oil in pan and saute onions and garlic until transluscent.
2. Add red bell pepper and sliced mushrooms.
3. Stir in tuna and liquid from the cans and let it stand until simmering.
4. Blend in the Spaghetti Sauce, liver spread and season with salt and pepper.
5. Add capers and chopped basil and stir. Wait for 2 minutes to cook.
6. Toss in the cooked pasta and transfer to the serving dish.
7. Top with cheese. Serve warm.


O 'di ba mga misis ang dali lang? Hehe... Sorry recipe lang at walang patikim. Siguro pag may mag-aaya sa akin ulit ng swimming magdadala na ako ng food. Kaya pala ako nahihilig sa pagluluto eh, nakakarelieve ng tension ang pagluluto (basta succesful ha.. :)) O iyon muna... 9:51 pm na sa relos ng computer ko. Nagagalit na si mami eh. Watch out for the next recipe to be published in this blog (I'm still perfecting my authentic Indian Biryani Rice).


=====================


Patty: Thanks for the hug, I felt better knowing that somebody cares for me. Drama! Hehe...
(thanks also April for listening sa mga rants ko kagabi. :))

Hay..

Kahit pa siguro medyo ok na ako, I still feel bad about yesterday. Ang hirap sa loob. Maling timing lahat-lahat dahil sa pagkakataong ito hindi ko lubusang naitago yung kalungkutan ko.

8 pm: Nakauwi ako galing school. Pagod at masakit ang paa dahil sa kakalakad sa SM Manila kasama si Rachel. Kumain saglit at nagpalit ng damit. Kinausap si A. Umiyak. Sinabi ko lahat-lahat ng sama ng loob ko. Nagpalipat-lipat ng pwesto para hindi makita ng nanay ko na umiiyak ang anak niya (Bigo ako dahil nakita niyang mugto ang mata ko). Ang bigat sa loob talaga kaya 'di ko napigilan. Hindi nakaya ng tawa at pagpapanggap. Bumukal ang luha sa mata ko ng hindi inaasahan. Sumabog sa dibdib ko yung mga bagay na matagal kong dinamdam, tinago at kinimkim.

Naputol ang drama salamat sa kapatid ko. Inakalang umiiyak ako dahil sa lalaki. Nawala ang momentum ng pag-iyak. Pinababa ang telepono dahil gagamit daw siya. Sinabihan si A na tatawagan ko siya muli. Nagdabog at nagpatuloy umiyak sa kwarto.

Tinext si S. Sabi ko punta siya dito bukas, ako naman ang iiyak pero di dahil kay J. pero dahil sa ibang bagay.

Nagtext si A. Motivation. Kaya ko raw yung pinagdadaanan ko. Inattempt mag-reply, pero ang natayp ko lang ay ang letrang A dahil..

8.30 pm: Tumigil sa kakangawa dahil pumasok ang nanay ko sa kwarto ko. Di ko sinabi sa kanya kung bakit magang-maga ang mata ko. Bumaba na lang ako at nagbukas ng radyo. DZRH. Nawili ako this past few days na makinig sa Gabi ng Lagim sa AM. Panakot ba sa sarili... Sinabayan ko ng pagsulat kay A. Hindi ko natapos dahil naiisip ko pa din yung nangyari at natangay na ako sa pakikinig sa kwento.

9.00 pm: Natapos ang pinakikinggan ko. Natapos din ang pagkokompyuter ng kapatid ko. Tumawag muli kay A. Wala na ang momentum ng pag-iyak. Ibang bagay na lamang ang pinag-usapan namin. Dala ko pa rin ang bigat sa loob... Sana, magkaroon na ako ng lakas ng loob para matapos na ito. Hayyy.............

Thursday, April 14, 2005

Random Bits...

Unang Pasabog: RVC Duty

Sa mga RVC members na nagbabasa ng blog ko, ano'ng kulay ng t-shirt bukas? Hehe. Sory at dito ko pa nai-announce, desperado na ako.Hindi ako nagpunta sa school ng ilang araw kaya di ko alam 'yung schedule. Hehe. Mag-iwan na lamang po ng mensahe sa comments o sa tag-board para sa impormasyon.

Pangalawang Pasabog: JUICY Chismis tungkol sa lovelife

Hindi ko lovelife ang pag-uusapan natin dito. Sa kapatid ko po... Kasi naman, noong nag-college siya wala man lang akong naririnig na tumatawag dito sa bahay na babae o babaeng naipakilala sa mami ko na gelpren niya. Naihaluntulad na nga siya kay Piolo Pascual na natsitsismis na bading. Kung si Piolo raw ay may Yul Servo, ang kapatid ko naman ay may Ryan (ever-bestfriend/hair stylist daw ni kuya). Tas kaninang umaga, habang kumakain kami ng agahan, biniro siya ni tita tungkol na naman sa kanyang non-existent love life.

Kung dati-rati ay tinatawanan lang niya ang isyu o magpapanggap siyang bading (kadiri talaga), aba't ang sabi sa akin ay... "Mamaya 'pag tumawag sa yo si Stephanie (bestfriend ko), siguradong may sasabihin sa iyo 'yun" Punyemas ng inang kalabasa oo! Totally unexpected iyon. Ang akala ko ipagtatapat sa akin ni Steph na "Abi, sori... Nag-break na kami ni Nas (boyps niya) at ang pinalit ko ay ang kuya mo." Punyemas... Naisip ko na agad na magiging hipag (sis-in-law) ko siya. Takte. Siguradong magiging makulit at miserable ang buhay naming lahat pag nangyari iyon. Pero iba ang sinabi niya. Kahindik-hindik... At di kapani-paniwala.

May gelpren na ang kuya ko. Ang kilabot ng mga ka-judingan (May juding/bading na gusto siyang ipick-up noong high school siya) ay may syota na... Hehe... Isang maitim na plano ang biglang sumagi sa isip ko. Mukhang may ipapakilala na nga siya kay Mami. At ako ang dahilan. Mwahahahaha! (Duh... Sasabihin ko lang sa nanay ko na : "Mamiiiiiii! Si kuya may gelpren naaaaaa!"). Aba'y dapat lang naman na magka-syoting na siya. Ang tanda na niya! Hehehe....

Pangatlong Pasabog: AKO na lumpo.

Routine na namin ni lola at ni tita vicky (ang pinakapaborito kong tita) na maglakad sa umaga at mag-badminton. Kakaiba ngayon kasi si lola sobrang sakit ang tuhod... Kaya ilalabas ang magic wheelchair niya (ala lang... gusto ko lang tawaging magic) at doon siya sasakay. Nahihiya nga si lola kasi tuwing gagamitin yung wheelchair, hindi maiiwasang tanungin kung: "Nai-stroke ba siya?" Kaya naisip ko na sabihan si lola nito: "'Nay (Inay ang tawag ko kay lola1 at Nanay naman kay lola2) ipaling (shift) niyo ang mukha niyo sa kaliwa para mukhang nai-stroke, tas wag po kayong magsalita (kunwari autistic). Para po wala ng magtanong kung nai-stroke kayo o hindi." Tumawa si lola. Syempre, nagkaroon siya ng apo na sintu-sinto eh (ako yun).

Magaling na akong gumamit ng wheelchair (nagpapaikot-ikot nga ako sa bahay namin eh) kaso sabik ako na malayo ang matakbo ko gamit yung wheelchair ni lola. Kaya naman pagdating namin dun sa parking lot ng simbahan (sa Good Shepherd) at tumayo na si lola, ako ang umupo sa wheelchair at ako ang nagpatakbo... Wheeeeee! Iyon na ata ang pinakamasayang moment sa buhay ko ngayong araw. Kaso naputol ito noong may isang matanda (mga 60s) at isang medyo bata (40s) ang nagtanong kung ano raw ang nangyari sa akin. Akala ata, lumpo ako o disabled na. Nagtataka raw sila kung bakit natanaw nila na ako yung nagtutulak ng wheelchair tas ngayon naman ako ang nakasakay. Sabi pa ng babaeng medyo bata (40s), nakita raw nya ako sa garahe na nakatanaw ng malayo sa gate namin at nakaupo sa wheelchair. Hehe.. Bored kasi ako eh. Ayun. Nalaman na rin nila na baliw lang ako at hindi lumpo (teka di ba mas maganda na ang maging lumpo kesa maging baliw?) kasi bigla akong tumayo sa wheelchair. Hehehehe....

===================

Iyon muna. May inaasahan pa po akong bisita. Si steph. Dadalawin ako (yak. talagang may sakit na ata ako)...

Wednesday, April 13, 2005

Hay...

Bored to death na ako. I'm considering activating my old friendster account. Wah. Sana April 14 na para makabalik na ko sa school. Bored.

Tuesday, April 12, 2005

Hay...

Despite all my efforts in praying, he's still going to states this wednesday. Hay... His parents are going to process JJ's papers pa so he could study college here in the Philippines. I don't know yet when he's coming back but one thing's for sure, i'll be having sleepless nights na naman.I guess it's because i'm used to receiving messages from him, imagining na tabi kami matulog. Hay, I better save his messages na para may babasahin ako bago matulog.
I'm gonna miss him. I remember nung nagpunta siya sa Bora (Ei, if you're reading this, bakit po natapilok si Brent nung nagsasayaw siya? Hehe) nung Holy Week (Hindi ako kasama...) santambak na post ang nagawa ko na puro miss you. Sad to say, si abi ay hindi na tuod... Natuto na akong magpahalaga at mag-alaala. Hay.
Kay bilis ng oras, sana pag-alis mo sa wednesday ganun din. Sana di ko mapansin na nawala ka. Hay....
===================
Panget ka pa din kahit may post ako tungkol sa 'yo. Mali ang tawagin mo akong sunget dahil... Selfish ako. Gusto ko ako lang ang may pang-asar. Oo nga pala, revised post na ito. Si mami kasi nabasa yung una. Nagalit. Panget talagaaa!
Hirap talagang maging mature :(