Tuesday, May 03, 2005

End of the three part mini-series

Natigilan siya sa ginawa ko. Sinabihan ko siya na handa akong tumulong sa kanya, para palakasin ang loob niya para tuluyang gumaling. Napapayag ko siya bandang huli at sabay kaming umuwi noon para ibalita sa mga magulang niya ang magandang balita.

Isang taong gamutan ang nangyari. Tinupad ko ang pangako kong hindi ako aalis sa tabi niya at sasamahan sa kanyang problema. Naroon ako sa mga panahong namamalipit siya sa sakit, noong unti-unting nalalagas ang buhok niya... Naroon ako para dumamay, para kahit papaano, maibsan ang hirap na kanyang dinaranas.

Ang paghihirap namin ay nagbunga. Ang tiyaga at suporta namin ng kanyang magulang at kaibigan ay nagpalakas sa kanya ng loob para lumaban. Unti-unting bumalik ang kanyang sigla, kasama na rin ang naudlot na aming pag-iibigan. Ang mga nangyaring tradehya sa aming relasyon ay ang siyang nagpatibay lalo sa aming samahan.

Ngayon, habang sinusulat ko ito ay katabi ko si Julian sa aking tabi. Nakangiti habang inaalala namin ang unos na aming pinagdaanan at ang ligaya na sa habambuhay ay aming pagsasaluhan....

Fin
=========================
Hayan. Akala niyo sobrang drama no? Di naman. Ayoko ng masyadong tragedy baka maiyak kayo. Hehe... Saka mas gusto kong tapusin ito na nag-iiwan ng saya at kilig sa puso niyo. Ang sarap kaya ng feeling ng may nag-aalala sa iyo at may nagmamahal ng totoo.. Ay! Hehe. Hindi ito kuwento ng lovelife ko. Inspired lang akong gumawa ng kuwento na gaya nito. Sana nagustuhan niyo! Hehe... :)

Monday, May 02, 2005

Part II..

Sori nabitin ko kaya sa kuwento ko. Heto na yung kasunod ng kuwento ko...

=====================

Hindi ko matanggap ang mga sinabi nya sa akin, hindi ako naniniwala na masasabi niya ang lahat ng mga bagay na iyon. Na hindi na niya ako mahal, na nagsasasawa na siya sa akin. Nanghina ako at kung hindi ko naisandal ang kamay ko sa pader, malamang ay nawalan na ako ng panimbang at bumagsak sa sahig. Hindi ko nagawang umiyak dahil hindi ko na kaya. Nagmamadali akong umalis sa bahay nila at hindi ko na nagawang magpasalamat sa mommy niya.

Pagdating sa bahay, nagkulong ako sa kuwarto. Tinabunan ko ang mukha ko ng unan at umiyak ako. Ramdam ko yung bigat sa dibdib ko at inilabas ko lahat. Iyon na ata ang pinaka-pangit na araw sa buong buhay ko. Sana mamatay na lang ako. Paulit-ulit kong sinabi 'yun... Dahil nawalan ng saysay lahat. Lahat ng pinaniwalaan ko, biglang naglaho.

Ilang linggo ang nakalipas at malungkot pa rin ako. Hindi ako makakain, at nilunod ang sarili sa lahat ng mga trabaho sa school. Malaki ang naging epekto sa katawan ko, bumagsak ang timbang ko at napapansin na rin ng mga kaklase ko na unti-unti ng nawawala ang dati kong sigla. Pinilit kong kalimutan ang lahat, na hindi ako magpapatalo sa damdamin ko. Madalas kong pinaniwala ang sarili ko na ok ako, kahit hindi.

Lumipas pa ang mga araw at unti-unti ko ng natatanggap na wala na si Julian sa buhay ko. Muli akong tumambay sa waiting shed dahil hindi man kapani-paniwala, hinanap-hanap ko ang pagmamasid sa mga tao at ang alikabok sa kalsada. Marami na ang pinagbago sa waiting shed. Wala na si Mang Berting dahil tapos na ang construction sa likod ng waiting shed. Si Aling Mameng ay napalitan na ng kanyang anak na si Yayo. Si Grace ay wala na, dahil ang balita ko kay Yayo, may natuwa kay Grace na mag-asawa at inampon siya ng mga ito. Subali't ang mga alaalang dala ng waiting shed sa akin ay naroon pa rin. Yung isang maulang hapon noong Hulyo, naroon pa rin. Hay...

Isang hapon, matapos ang finals namin sa skul ay dumiretso ako sa waiting shed. Sabi nga nila, ang mga bagay na hindi mo inaasahang mangyayari, ay iyon pa ang magaganap. Malayo pa lang ay may natanawan na akong nakaupo sa paborito kong upuan (doon kami nagkakilala). Hindi ko maikakaila ang tindig at itsura ng taong iyon. Kilala ko ang taong iyon. Si Julian.

Nagdalawang-isip ako kung lalapit ako. Ayoko ng bumalik lahat sa akin, pero may mga katanungan ako na hindi pa nasasagot, kung kaya't nilakasan ko ang loob ko at lumapit ako. Umupo ako sa tabi niya, pero wala siyang imik. Sinandal lang niya ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Huminga ako ng malalim at tinanong ko siya ng bakit.

Alam kong makikita kita dito. Iyon ang sinabi niya, at hindi iyon sagot sa tanong ko. Tinanong ko siyang muli, hindi siya nagsalita at hinawakan ang kamay ko. Na-miss raw niya ako. Sa totoo lang... medyo naiinis na ako noon dahil ayaw niyang sagutin ang tanong ko. Inalis ko ang kamay niya at sa huling pagkakataon ay tinanong ko siya. Inalis niya ang ulo niya sa balikat ko at muling hinawakan ang kamay ko. Ipinaliwanag niya lahat sa akin. May sakit siya pero mas pinili niya ang huwag magpagamot, wala rin naman daw kuwenta dahil hindi na siya naniniwala na gagaling pa siya.

Nagalit ako at sinampal ko siya. Umiyak ako hindi dahil naglihim siya sa akin pero dahil ayaw na niyang mabuhay.....

(Shet sorry, mamyang hapon na talaga ang ending pramis. Dami kasing istorbo eh. :))

Sunday, May 01, 2005

hay.

May kuwento ako na laging naiisip habang naghihintay ng bus sa may waiting shed ng U.N. Avenue. Kinda mushy... Hehe...

===============

Naging libangan na ata sa akin ang pag-upo sa waiting shed sa may U.N. Avenue. Trip-trip ko lang ang magmasid sa mga taong naghihintay kung kaya't ginagabi ako lagi ng pag-uwi sa amin. Hindi ko inaalintana ang kapal ng usok ng mga tambutso at ang ingay ng mga sasakyan. Para sa akin ito ang kasiyahan ko dahil dito lahat ng klase ng tao napapagmasdan ko.

Marami na rin akong nakilala sa libangang kong ito. Si Aling Mameng na may sariling maliit na bangketa sa may waiting shed. Halos ata lahat na puwedeng kailanganin ng mga dumadaan eh ibinebenta niya. Mga sedula, ballpen, candy, dyaryo, buko juice, mineral water, sigarilyo, at ultimong e-load ay meron siyang itinitinda. Akala ko noong una'y suplada si Aling Mameng dahil matapang ang kanyang mga mata at mukhang laging may iniisip. Nabigla na lamang ako noong minsang tinanong niya ako kung bakit nakahiligan kong tumambay sa waiting shed. Simula noo'y lagi na kaming nag-uusap, tungkol sa gobyerno o kung minsa'y sa mga chismis tungkol sa mga artista na kanyang nababasa sa diyaryo.

Ang pangalawa'y si Grace. Ang bulag na namamalimos sa may dulong bahagi ng waiting shed. Aliw na aliw ako sa kanya dahil sa ganda ng kanyang boses. Kung hindi lamang naging bulag ang batang ito, malamang ay sumikat ito dahil sa galing niya sa pagbirit. Nakagawian ko ng bigyan siya ng tinapay (baon ko) kapalit ng isang madamdaming kanta.

At ang huli ay si Mang Berting. Foreman siya sa ginagawang building sa likod ng waiting shed. Paminsan-minsan ko lamang siyang nakakausap dahil sasaglit lamang ang breaktime nilang manggagawa.

Hindi sa kanila umiikot ang aking kuwento, subali't sa isang hindi makalimutang pangyayari.

Tandang-tanda ko pa. Isang maulang hapon sa buwan ng Hulyo ng una ko siyang makita. Patakbo siyang sumilong sa waiting shed. Umupo siya sa tabi ko at napansin kong basang-basa siya mula ulo hanggang paa. Sobrang nanginginig siya sa lamig kung kaya't naisipan ko ipahiram ang jacket ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at nagpasalamat sa jacket. Nalaman kong pareho kami ng bus na sinasakyan pauwi. Kung kaya't nong dumaan na ang bus namin ay pinasukob ko siya sa payong ko. (Nalaman ko ang pangalan niya: Julian!)

Habang sakay kami ay napailing ako at sinabi ko sa kanya na bakit ba halos lahat ng lalaking kilala ko eh hindi mahilig magdala ng payong o sumbrero man lang. Napahiya ata sa akin kay siya na ang nag-alok na ibayad ako ng pamasahe. Ipinaliwanag ko naman sa kanyang hindi niya iyon kailangang gawin dahil bukal sa loob ko ang pagtulong sa kanya. Ipinilit pa rin niya ang bayad kung kaya't ako naman ang napahiya at napilitang tanggapin ang kanyang alok.

Hindi doon nagtapos ang pagkikita namin. Nasundan pa ito ng maraming beses dahil nagkataong pareho kami ng oras ng labas galing sa school. Naipakilala ko na rin sa kanya si Aling Mameng, si Grace at si Mang Berting. Natuwa siya at nasabihan pa akong unique at hindi maarte. Hindi ko raw pinipili ang mga taong gusto kong makilala, ke mahirap man sila. Naging madalas na rin ang pagsasabay namin pag-uwi. Nagulat na lamang ako nang isang araw ay inalok niya ako na ihatid pauwi. Ililibre daw niya ako ng kape dahil nakuha niya 'yung stipend niya sa scholarship. Pumayag naman ako dahil wala din naman akong lakad noong araw na iyon.

Kalagitnaan ng aming pag-uusap ay bigla siyang natahimik. Yumuko siya at huminga ng malalim. Tinanong ko siya kung ano ang problema, at sinagot naman niya ako ng meron. Tumitig siya sa akin at sinabing unti-unti na raw na nahuhulog ang loob niya sa akin. Ipinaliwanag niya sa akin lahat-lahat. Sinabi ang kanyang nararamdaman at nang matapos ay muli siyang yumuko. Nahihiya raw siya dahil baka raw isipin kong inabuso niya yung kabaitan ko sa kanya. Ngumiti ako at inamin ko din ang nararamdaman ko para sa kanya. Talo ko pa si Kris Aquino sa pagbubunyag ng mga lihim. Pagkatpos noon ay pareho kaming natahimik. Tatayo na sana ako at aalis dahil sa kahihiyan ng hinawakan niya ang kamay ko. Nakiusap siya. Kung pwede raw na bigyan ko siya ng pagkakataon na mahalin ako.

Bigla ata akong nasapian at kung ano'ng pakiramdam ang biglang bumalot sa katawan ko. Hindi ko masabi kung ano, basta ang alam ko, masarap at para akong idinuduyan sa ere. Ayokong mawala yng pakiramdam na iyon kaya pumayag ako. Noong inihatid niya ako, sobrang saya ko. Sa loob-loob ko: Kami na! Hay... Ewan ko pero noong tumalikd siya at lalakad na palayo sa bahay namin eh bigla ko siyang niyakap. Natigilan siya at nabitawan yung hawak-hawak na paperbag. Hinawakan niya yung kamay ko tapos sinabi na sobrang saya niya. Hindi ko nakikita yung reaksyon niya dahil isinandal ko ang pisngi ko sa likod niya, ipinikit ko ang mata ko at paulit-ulit kong sinasabi na mahal na mahal ko siya.

Pero hindi lahat ng kuwento ay happy ending. Kung bakit naman kasi sa buhay ng tao, hindi puwede ang laging masaya...

Walong na buwan ang lumipas na puro saya at pagmamahalan. Inasahan ko ng kami na talaga dahil wala kaming naging problema dahil open kami sa isa't isa. Pero mali ako. Dahil sa isang iglap, nawala siya. Patay lagi ang telepono, laging wala sa bahay at hindi pumapasok sa eskwelahan. Gulung-gulo ako dahil hindi ko alam kung bakit. Naging madalas ang pagtambay ko sa waiting shed. Umaasang makikita ko siya muli. Subali't sa araw-araw na pagtigil ko doon ay lagi akong tulala. Laging walang imik at malalim ang iniisip. Pinagpayuhan na nga rin ako ni Aling Mameng at Mang Berting na tigilan ko na ang pag-iisip, dahil kung kami raw ang para sa isa't isa eh magkikita kaming muli. Lahat ginawa nila para lang sumaya ako, pero nabigo sila.

Hindi ako kaagad sumuko dahil gusto kong malaman kung ano ba talaga ang dahilan. Kaya noong isang araw na nawalan kami ng pasok dahil sa welga ay dumiretso ako sa bahay nila. Nadatnan ko ang mommy niya. Malungkot at hindi maipinta ang mukha. May iniabot na sulat sa akin. Binasa ko ito at pagkatapos ay natigilan ako at sobrang higpit ang hawak ko sa sulat niya...........

****Itutuloy****

(Sori! Next time na po ang karugtong... :) Isipan niyo ng ending! :))

Tuesday, April 26, 2005

After.....

Thank God we did not have an exam in Histology. I wasn't prepared to take that long quiz because I haven't studied thorougly the coverage of the exam. God must really be looking down on me today. He doesn't want me to fail so He gave me another chance to study. So after publishing this post I'm ready to hit the books (or hand-outs!) and study very very hard!

I'll be updating you guys tomorrow on the details of the exam... Hehe..

Sunday, April 24, 2005

Sipon

I'm here in my room typing this entry with a roll of tissue on my side. You see I have a bad case of "drippy-nose." I gad sick lath wedday (I got sick last wednesday in drippy nose lingo) cuz I forgot to circulate the fan. My drippy-nose got worse last thursday because of pollution and stress. I can't think straight for the past days because along with the drippy-nose, I have a really annoying head-ache. I can't absent myself from school because I will miss alot of my lessons and our first departmental exam is due exactly 6 days from now. I've been sleeping alot and been drinking many glasses of water to cure this dreaded "disease."

This morning, I'm so desperate to clear my stuffy nose, that I decided to increase the dosage of my medication. Instead of drinking just one teaspoon, I sort-of "upgraded" it to a whole tablespoon (I wasn't thinking straight!). I didn't become delusional or anything, I just felt very tired and sleepy.

I sure wish that I'll be better by tomorrow. I really need to do my schoolwork. ahhhhchoo! Sorry about that...

=====================

Abi - Lethargic and sick. Watching t.v.
Dad - Asks abi if he could teach her how to drive.
Abi - Shrugs. A sign that she doesn't want to.
Dad - Stood up and went to the other room. Goes back with a tennis racket.
Abi - (thinking) WTF?! Are you going to whack me with that thing?
Dad - Sits on the chair and asks abi if they could play tennis.
Abi - Huh? Can you see i'm really (double-emphasis) sick? Can we play some other time? Please?
Dad - Alright. Thinks for a second. Can we play tomorrow?
Abi - Said ok. Just to end the conversation.

Darn it. My dad thinks i'm just avoiding having a "bonding" session with him. But he doesn't realize that i'm REALLY sick. I really want to learn how to drive and to play tennis with him. But what to do? Sh*t.

=====================

I just realized after taking all those pictures in my new fone that I'm vain din pala. Sh*t, after all those times that I've been making fun of my friends who love take pictures of themselves, I realized that I'm one of them! I have so many pictures taken! Some of them are daring (not naked you perv!) and some are with tita and lola. I made an effort of transferring all of them to my laptop (hehe, lucky me, it has an infrared port)... What a very productive day for abi. Waw... :)

=====================

I'm going to watch t.v. muna. Do you guys know the show "Girls in Love" and Unfabulous? I love watching 'em. Bye for now. Hehe. Jep, If you're reading this, please don't do it! Wag kang magpakalbo! You're going to look like Berwin! Hehe....

Marvin. Uy. Nabasa ko yung text mo kay april. Hay.. Sorry po talaga di ako nakasama sa lakad last thursday. Kasama ko po kasi ang tatay at nanay ko. Bawi na lang ako next time. :)

Friday, April 22, 2005

Hay...

Parang hindi summer at hindi toxic ang subject na kinuha ko at nakukuha ko pang sumama sa parents ko na maggala kung saan 'san. Ewan ko ba... Pero dapat kasi sinusulit ko yung time na andito ang daddy ko. Mabait na ako at hindi ko na siya iniiwasan. At hindi ito dahil sa marami siyang dalang pasalubong sa akin (may bago na akong taleponooooo! mapapagpahinga ko na yung LG fone ko na sa sobrang dami ng gasgas eh baka baka itapon pa sa akin yun ng manghoholdap sa akin), basata siguro nga nagiging mature na ako. Nung ast niyang uwi, nag-effort akong makipag-bonding sa kanya kaya ngayon medyo ok kami.

Ok naman si daddy eh. Hindi lang talaga ako sanay na kasama siya dahil sa labing-siyam kong existence sa mundo eh si mami lang ang lagi kong kasama. Once a year ko lang siya makita at madalas pa doon eh magkagalit kami. Pasaway talaga ako noon. Sobra. Hehe...

====================

Pasaway din pala si daddy. Aba't iniwan kami ng nanay ko sa Market Market kanina dahil dumating ang ka-friendshipan niya na si Kuya Betong (asawa ng stewardess na nakilala ni daddy at mami sa Bahrain. Mukha siyang bading nung kasal nila last year kaya sa loob-loob ko dati: "Malas nung babae, mukhang bading pa ang nakatuluyan niya"). Pero mali ako... Maling-mali. Mucho guapito si betong ngayong nagpahaba ng buhok kasi at may braces pa (pero hindi ko siya pinagnanasahan... kadiri!). Mukha ng Vaness Wu na may braces. Hehe.. At in fairness, ang dala niyang chedeng eh Ford Expedition. Ok na din pala eh, wag na nga lang magpapaiksi ng buhok. :)

====================

Flashback muna. Kaninang tanghali, wala na akong pera pangkain. Literal na naubos dahil sa mga pagbabayad ng utang-utang at manual. Bigla kong naisip na: "Putek! Pupunta nga pala ng Duty Free sina mami at dadi mamaya! Subukan ko ngang sumama..." Suwerte ko naman at naisipan nila kong sunduin sa school. Putek. Ang saya ko. First taaaaayyyymmm koong masundo ng kumpletong magulang sa skul! Excited ako sobra! Hindi nga ako mapakali kaya lagi akong tumitingin sa talepono ko kung nagtext na si mami. Ibinida ko pa nga sa mga kaklasmeyts ko na susunduin ako eh. Tas nung nag-miscol na si mami, suave akong nagpaalam sa mga RVC co-members ko: "Uy, sige po... Aalis na ako... Hehe..." Pagkalabas ko ng skul basta lakad ako ng may sobrang laki ng ngiti ko. Sumimangot lang ako kasi yung tatay ko binusinahan ako! Lintek. Parang abduction. Hindi ko man lang nalasap ang moment (siguro kung sine ito, may slow mo pa at may nangingilid na luha sa mata ko...)

====================

Ayun pagkatapos ng abduction, nagpunta kami sa duty free. Bumili ng mga imported goods. Kaso ang nanay ko, nag-coconvert sa peso ng preso, kaya pag may nakita kaming medyo mahal na gamit, nakakapagmura talaga siya. Hay naku. Konti lang tuloy ang nabili namin. May nakita pa naman akong bag sa United Colours. Putek naman, $90 ang pressssyo! Sayang.. Ang ganda pa naman! Nawalan tuloy ako ng gana mamili... Hayyyy....

====================

O siya yun muna ulit. Mag-aaral pa ako. Hehe......
Abi is currently listening to Maroon 5 - This Love.... She said goodby too many times befooooorreeee!

Thursday, April 21, 2005

Heya...

Mamya pa akong 7 am maliligo kaya sinusulit ko yung free net dito sa ISP. Ngayon talaga mag-sstart 'yung class ko kasi 'yung prof ko umattend ng graduation kahapon. Ayon. Ngayon lang ako nakapag-post kasi sobrang pagod ako kahapon! O sige.. Exag naman pag sobrang pagod kaya pagod na lang. Galing kami kahapon sa Recto nina April, Jeff at Rachel para bumili ng textbook ng histology (Leeson, Leeson, Paparo..), suwerte nga namin kasi nakabili kami for a lower price na copy nung book.

Aion tas nagpunta kami sa Quiapo (hindi namin planado yun ah...) to scout for art films. Kaso si Jeff pala wala pang DVD player eh ala kaming nakita na VCD copy kaya we ended up (si Chel lang pala at si Jeff) buying other "stuffs." Wala akong perang dala kaya corny, wala akong nabili. Jeff bought perfume, watch, at incense (mura lang.......!) and Rachel bought syempre... kikay stuffs (not-so-chandelier earrings, flower earrings, mini ziplock bags for her "kikay stuffs"). Oo nga pala nilibre kami ni Jeff ng lip gloss! Thanks po! Hehe.. Tas ako.. Since wala nga akong pera, nilibre din ako ng dinner sa KFC - Quiapo (Libre na yun ah! Gagawan naman kita later ng blog ehhhhh....)

Yun. Dumating pa yung dad ko... Ayun. Pagod na talaga ako. :( Hehe... I'll try to post ulit later maliligo na ako ehhhhh... :) Till then....!

Wednesday, April 20, 2005

Usapang abi...

Sa bus kanina may nakasabay akong guy, nakaputi, kalbo, moreno, malinis. Cute? Oo. Pero di ko tinabihan, kasi shy ako (hehe joke, ayoko nga 'yung tabihan! tangna! andami namang bakanteng upuan bakit naman ako sisiksik sa tabi niya? halllerrrr!? hindi ako ganoong ka-desperate!) Ayun. Crushable ang loko... kaso kamot ng kamot sa ulo! Tangna! Baka may kuto o kaya ginagalis yung ulo niya! Bwahaaaaaaaaahaaahaaaa!!! Kung hindi nagkakamot ng ulo nagtatanggal ng mantika sa mukha... Di ko alam kung vain siya o talagang bored lang. Tangna. Hehe... Sa aming dalawa... Ako ang bored at hindi siya.

====================

May dilemma ako kanina bago ako umupo sa bus kanina. Maraming bakanteng upuan kaso ayoko mag-isa sa upuan dahil papausugin ako. Ayoko sa dulo pag umuuwi kasi sisiksik sa mga katabi ko pag bababa na. Eh yung mga puwede eh yung sa likod na parang sinusunog ang pwet ko pag dumating ako sa coastal (ayokong maging crispy ang pwet ko pag-uwi), tas yung sa tabi ni kamot-ulo (ayoko din dun kasi kahit papable siya masikip sa tabi niya dahil dalawa na sila dun sa tatluhan na upuan. baka mamya mahawahan pa ako ng pagkakamot niya) at yung isa naman eh may mag-jowang juding! punyeta. ayokong maging ka-threesome sa kanila. Buti na lang may dalawahan pang seat na available kaya doon ako umupo (ang init ng sahig ng bus kaya kung papaano ko tinataas yung paa ko!)

=====================

Pasukan na naman pala bukas. Ilang beses ko na lang ba ito sasabihin pagkatapos ngayon? Marami pa... Dahil balak ko talagang magtuloy sa med. Magkamatayan na basta magiging duktor ako. Kakaririn ko ang katangi-tangi kong subject ngayon na Histology. Potah. Basta kaya ko to. Oo nga pala, muntik ko ng maisipan kanina sa National Bukstore (kasama si jep, si april at si chel... si jep kasi namimili ng iskul suplays) na ipa-cancel na lang ang Histology at palitan ng Field Bio (Salamat April sa walang sawang pangungulit sa akiiinnnn!! Muntik na talaga akong bumigay). Nagdalawang-isip ako kasi naka-plano na ang buhay ko, pero may sumisigaw sa utak ko na: "Ungas! Mahirap ang histology! Balak mo bang magpakamatayyy????!!!!!!"

Sa kasawiang palad nanalo ang pagiging ungas ko at pinagpatuloy ko ang pagkuha ng histo. At saka... Sa sobrang kahirapan na ata ng U.P. eh hindi nakayanan ang pag-aaccommodate ng dalawang elective kaya na-cancel ang Field Bio. Kainis talaga... Nakita ko yung disappointment ng mga ka-batch ko nung nalaman nila yung balita (Kung ako din ang nasa kalagayan nia, pihadong makakapag-mura ako). Gusto naming mag-aral pero takte naman... nailagay kami sa eskwelahang daig pa ang daga (may daga sa skul namin na parang pusa. nakakatakot talaga kasi naglalagi siya sa canteen. nung 1st yir ko pa yun nakikita eh!) sa kahirapan.

=====================

Bukas start na ng class sa histology. Syempre excited ako (ngayon lang ito kaya pagbigyan na ako), na malamang ay mawawala pagkatapos ng sunud-sunod na exam. Hay basta sana mai-enroll ko na ang mga subjects ko para tapos na...

=====================

Pakisabi na hapi grad sa mga ate at kuya natin na 4th year. Hihi... Bukas na iyon sa PICC! Gudlak sa kanila! :) Hayyyyyy.....

Kasalukuyang nakikinig si Abi ng kanta ni Usher. Let it Burnnnnn beybeeeeeehhhhhhh!

Tuesday, April 19, 2005

Toxicness!

Ampf. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nai-eenroll ang katangi-tanging isang subject ngayong summer. Kukuha ako ng histology (zoo 106) para mabawasan ang major elective na kukunin ko... Sana lang maka-enroll na ako by tomorrow kasi start na ng class sa lecture at lab dahil kay heredity! Orientation pa lang naman daw... Hay... Duty ko kasi bukas eh. Sana ngayon na lang ako nag-duty sa RVC kasi walang nagpa-enroll ngayon!!!! Paano nag-extend ng regular registration ang OCS! Hay naku... Na-compute ko na ang tuition fee ko... Malamang ay 1677.50 ang dapat kong bayaran.


Buti pa ang mga ka-block ko na nag-cross enroll sa Diliman. Kahit daw gaano ka-gulo (parang palengke) at kahaba ng pila doon ay natapos na sila sa enrollment. Hay... Basta ako, naniniwala pa ding makakaenroll na ako bukas. Hehe...

===================

Pagod na pagod pala ako ngayong nakalipas na araw. Di ko nga alam kung bakit, pero iniisip ko na baka dahil iyon sa metabolism pills na iniinom ko. Nauubos ang ATP ko.... Hay. Di muna ako iinom bukas para go, go, gooo! ako sa pag-aassist ng mga students na mag-enroll...

Saturday, April 16, 2005

Recipe for Tuna Casserole

I spend countless hours watching cooking shows in Discovery Travel and Adventure (All cooking shows I've watched: The Naked Chef/Puka Tuka by Jamie Oliver, Creating with Heart and Soul by Kylie Kwong, A Cook's Tour by Anthony Bourdain, Cooking with Nigella , Surfing 'd Menu with Curtis Stone and Floyd). I dunno, I like watching them create scrumptious dishes out of fresh ingredients. I admire their love of food and I admit they inspired me to try cooking.


Lately I've been perfecting one dish (and mukhang ok naman ang result!) called Tuna Casserole. I've adapted the recipe from my mom and modified her para maging mas masarap! This evening, I've come up with my very own recipe (modified pala) for this dish and I'd like it to share it with you guys, baka gusto niyo i-try! Ok siya pag may gatherings kasi hindi gaanong heavy at nakakaumay. Hehe... Kung may naisip po kayong suggestion for this recipe please feel free to leave your comments dun sa baba! :)


=====================


Tuna Casserole
8 Servings
Olive oil (I suggest using Olive oil para healthy!)
1/2 cup chopped Onion
3 cloves of Garlic, minced
1/2 cup chopped fresh Basil
1/4 cup chopped red bell pepper
1 can of button mushrooms, drained and sliced thin
2 180-gram cans tuna flakes/chunks in water (or in brine)
1 500-gram pacakage macaroni, cooked until al dente
1 big pouch of Del Monte Italian Style Spaghetti Sauce
1/2 cup liver spread
1 tablespoon of Capers
Salt and pepper to taste
1 1/2 cups grated cheddar cheese


Procedures:


1. Heat olive oil in pan and saute onions and garlic until transluscent.
2. Add red bell pepper and sliced mushrooms.
3. Stir in tuna and liquid from the cans and let it stand until simmering.
4. Blend in the Spaghetti Sauce, liver spread and season with salt and pepper.
5. Add capers and chopped basil and stir. Wait for 2 minutes to cook.
6. Toss in the cooked pasta and transfer to the serving dish.
7. Top with cheese. Serve warm.


O 'di ba mga misis ang dali lang? Hehe... Sorry recipe lang at walang patikim. Siguro pag may mag-aaya sa akin ulit ng swimming magdadala na ako ng food. Kaya pala ako nahihilig sa pagluluto eh, nakakarelieve ng tension ang pagluluto (basta succesful ha.. :)) O iyon muna... 9:51 pm na sa relos ng computer ko. Nagagalit na si mami eh. Watch out for the next recipe to be published in this blog (I'm still perfecting my authentic Indian Biryani Rice).


=====================


Patty: Thanks for the hug, I felt better knowing that somebody cares for me. Drama! Hehe...
(thanks also April for listening sa mga rants ko kagabi. :))

Hay..

Kahit pa siguro medyo ok na ako, I still feel bad about yesterday. Ang hirap sa loob. Maling timing lahat-lahat dahil sa pagkakataong ito hindi ko lubusang naitago yung kalungkutan ko.

8 pm: Nakauwi ako galing school. Pagod at masakit ang paa dahil sa kakalakad sa SM Manila kasama si Rachel. Kumain saglit at nagpalit ng damit. Kinausap si A. Umiyak. Sinabi ko lahat-lahat ng sama ng loob ko. Nagpalipat-lipat ng pwesto para hindi makita ng nanay ko na umiiyak ang anak niya (Bigo ako dahil nakita niyang mugto ang mata ko). Ang bigat sa loob talaga kaya 'di ko napigilan. Hindi nakaya ng tawa at pagpapanggap. Bumukal ang luha sa mata ko ng hindi inaasahan. Sumabog sa dibdib ko yung mga bagay na matagal kong dinamdam, tinago at kinimkim.

Naputol ang drama salamat sa kapatid ko. Inakalang umiiyak ako dahil sa lalaki. Nawala ang momentum ng pag-iyak. Pinababa ang telepono dahil gagamit daw siya. Sinabihan si A na tatawagan ko siya muli. Nagdabog at nagpatuloy umiyak sa kwarto.

Tinext si S. Sabi ko punta siya dito bukas, ako naman ang iiyak pero di dahil kay J. pero dahil sa ibang bagay.

Nagtext si A. Motivation. Kaya ko raw yung pinagdadaanan ko. Inattempt mag-reply, pero ang natayp ko lang ay ang letrang A dahil..

8.30 pm: Tumigil sa kakangawa dahil pumasok ang nanay ko sa kwarto ko. Di ko sinabi sa kanya kung bakit magang-maga ang mata ko. Bumaba na lang ako at nagbukas ng radyo. DZRH. Nawili ako this past few days na makinig sa Gabi ng Lagim sa AM. Panakot ba sa sarili... Sinabayan ko ng pagsulat kay A. Hindi ko natapos dahil naiisip ko pa din yung nangyari at natangay na ako sa pakikinig sa kwento.

9.00 pm: Natapos ang pinakikinggan ko. Natapos din ang pagkokompyuter ng kapatid ko. Tumawag muli kay A. Wala na ang momentum ng pag-iyak. Ibang bagay na lamang ang pinag-usapan namin. Dala ko pa rin ang bigat sa loob... Sana, magkaroon na ako ng lakas ng loob para matapos na ito. Hayyy.............

Thursday, April 14, 2005

Random Bits...

Unang Pasabog: RVC Duty

Sa mga RVC members na nagbabasa ng blog ko, ano'ng kulay ng t-shirt bukas? Hehe. Sory at dito ko pa nai-announce, desperado na ako.Hindi ako nagpunta sa school ng ilang araw kaya di ko alam 'yung schedule. Hehe. Mag-iwan na lamang po ng mensahe sa comments o sa tag-board para sa impormasyon.

Pangalawang Pasabog: JUICY Chismis tungkol sa lovelife

Hindi ko lovelife ang pag-uusapan natin dito. Sa kapatid ko po... Kasi naman, noong nag-college siya wala man lang akong naririnig na tumatawag dito sa bahay na babae o babaeng naipakilala sa mami ko na gelpren niya. Naihaluntulad na nga siya kay Piolo Pascual na natsitsismis na bading. Kung si Piolo raw ay may Yul Servo, ang kapatid ko naman ay may Ryan (ever-bestfriend/hair stylist daw ni kuya). Tas kaninang umaga, habang kumakain kami ng agahan, biniro siya ni tita tungkol na naman sa kanyang non-existent love life.

Kung dati-rati ay tinatawanan lang niya ang isyu o magpapanggap siyang bading (kadiri talaga), aba't ang sabi sa akin ay... "Mamaya 'pag tumawag sa yo si Stephanie (bestfriend ko), siguradong may sasabihin sa iyo 'yun" Punyemas ng inang kalabasa oo! Totally unexpected iyon. Ang akala ko ipagtatapat sa akin ni Steph na "Abi, sori... Nag-break na kami ni Nas (boyps niya) at ang pinalit ko ay ang kuya mo." Punyemas... Naisip ko na agad na magiging hipag (sis-in-law) ko siya. Takte. Siguradong magiging makulit at miserable ang buhay naming lahat pag nangyari iyon. Pero iba ang sinabi niya. Kahindik-hindik... At di kapani-paniwala.

May gelpren na ang kuya ko. Ang kilabot ng mga ka-judingan (May juding/bading na gusto siyang ipick-up noong high school siya) ay may syota na... Hehe... Isang maitim na plano ang biglang sumagi sa isip ko. Mukhang may ipapakilala na nga siya kay Mami. At ako ang dahilan. Mwahahahaha! (Duh... Sasabihin ko lang sa nanay ko na : "Mamiiiiiii! Si kuya may gelpren naaaaaa!"). Aba'y dapat lang naman na magka-syoting na siya. Ang tanda na niya! Hehehe....

Pangatlong Pasabog: AKO na lumpo.

Routine na namin ni lola at ni tita vicky (ang pinakapaborito kong tita) na maglakad sa umaga at mag-badminton. Kakaiba ngayon kasi si lola sobrang sakit ang tuhod... Kaya ilalabas ang magic wheelchair niya (ala lang... gusto ko lang tawaging magic) at doon siya sasakay. Nahihiya nga si lola kasi tuwing gagamitin yung wheelchair, hindi maiiwasang tanungin kung: "Nai-stroke ba siya?" Kaya naisip ko na sabihan si lola nito: "'Nay (Inay ang tawag ko kay lola1 at Nanay naman kay lola2) ipaling (shift) niyo ang mukha niyo sa kaliwa para mukhang nai-stroke, tas wag po kayong magsalita (kunwari autistic). Para po wala ng magtanong kung nai-stroke kayo o hindi." Tumawa si lola. Syempre, nagkaroon siya ng apo na sintu-sinto eh (ako yun).

Magaling na akong gumamit ng wheelchair (nagpapaikot-ikot nga ako sa bahay namin eh) kaso sabik ako na malayo ang matakbo ko gamit yung wheelchair ni lola. Kaya naman pagdating namin dun sa parking lot ng simbahan (sa Good Shepherd) at tumayo na si lola, ako ang umupo sa wheelchair at ako ang nagpatakbo... Wheeeeee! Iyon na ata ang pinakamasayang moment sa buhay ko ngayong araw. Kaso naputol ito noong may isang matanda (mga 60s) at isang medyo bata (40s) ang nagtanong kung ano raw ang nangyari sa akin. Akala ata, lumpo ako o disabled na. Nagtataka raw sila kung bakit natanaw nila na ako yung nagtutulak ng wheelchair tas ngayon naman ako ang nakasakay. Sabi pa ng babaeng medyo bata (40s), nakita raw nya ako sa garahe na nakatanaw ng malayo sa gate namin at nakaupo sa wheelchair. Hehe.. Bored kasi ako eh. Ayun. Nalaman na rin nila na baliw lang ako at hindi lumpo (teka di ba mas maganda na ang maging lumpo kesa maging baliw?) kasi bigla akong tumayo sa wheelchair. Hehehehe....

===================

Iyon muna. May inaasahan pa po akong bisita. Si steph. Dadalawin ako (yak. talagang may sakit na ata ako)...

Wednesday, April 13, 2005

Hay...

Bored to death na ako. I'm considering activating my old friendster account. Wah. Sana April 14 na para makabalik na ko sa school. Bored.

Tuesday, April 12, 2005

Hay...

Despite all my efforts in praying, he's still going to states this wednesday. Hay... His parents are going to process JJ's papers pa so he could study college here in the Philippines. I don't know yet when he's coming back but one thing's for sure, i'll be having sleepless nights na naman.I guess it's because i'm used to receiving messages from him, imagining na tabi kami matulog. Hay, I better save his messages na para may babasahin ako bago matulog.
I'm gonna miss him. I remember nung nagpunta siya sa Bora (Ei, if you're reading this, bakit po natapilok si Brent nung nagsasayaw siya? Hehe) nung Holy Week (Hindi ako kasama...) santambak na post ang nagawa ko na puro miss you. Sad to say, si abi ay hindi na tuod... Natuto na akong magpahalaga at mag-alaala. Hay.
Kay bilis ng oras, sana pag-alis mo sa wednesday ganun din. Sana di ko mapansin na nawala ka. Hay....
===================
Panget ka pa din kahit may post ako tungkol sa 'yo. Mali ang tawagin mo akong sunget dahil... Selfish ako. Gusto ko ako lang ang may pang-asar. Oo nga pala, revised post na ito. Si mami kasi nabasa yung una. Nagalit. Panget talagaaa!
Hirap talagang maging mature :(

Monday, April 11, 2005

Hotta-Hotta!

Image hosted by Photobucket.com

Hotta-hotta!
Seems like Jeremy will be the next cover guy of cosmo... Luis Manzano move over! Hehe...


**This picture was taken last Wednesday sa swimming! :)**

======================

Nuf looking at Jeremy's sexy bod... Moving on with my post... For you CSI fanatics out there like me... What do you think bout CSI: NY? Ako? I think the show's a bit bland. Wala gaanong emotions unlike CSI: Las Vegas, natodo na ata ang acting sa CSI: Miami kaya naubos pagdating sa NY... Mas mukha nang drama series ang NY kesa dun sa dalawa kasi konti lang yung mga diagnosis at mga forensic techniques ang ipinalalabas. Asar. Ayoko pa namang maging ganun yung image ng CSI. Pero ang pagkakapareha naman ng NY sa Miami at Las Vegas eh lahat ata ng Director ng lab (Grissom, Cane, at yung sa NY) eh may "personal isses" sa buhay nila. Like si Gil Grissom bingi, si Cane namatayan ng kapatid tas yung guy sa NY eh namatayan ng asawa sa 9/11 incident.


Oh well. Comment na lang. :)

======================

May 2 blog pa akong due na gawin. Hehe... :)

Friday, April 08, 2005

Hay...

Hay naku! Back to boredom na naman ako. Flat broke kasi ako! Kung may pera ako malamang asa mall ako ngayon, nanonood ng Spongebob. Hay. Inis. Kaya nagdadalawa na akong post today! Wahhhhh... :'( Ano'ng araw na ba? Saturday na ba...? Ang highly unproductive kooooo. Syet. Back to bed to me! In less than a week's time pala, enrollment ko na. Tama... Syeeet. Di puwede! Ang lakas magpataba ng pagtulog! Ano ba puwedeng gawin? Hmmm... Ayusin ko na lang yung mga hand-outs ko sa lahat ng subject! Tas... Ayusin ko na din yung mga gamit ko for summer... Syet. My back itches na. Sun burn. :(


Ang init. Hay christine. Ako ang naiinggit sa iyo. Malamig jan di ba? Dito ang init. Parang oven. Hay. Sana may mag-aya naman na magpa-spa sa akin...... Hehe.. Demanding? Sa may New Manila may tig-400 php daw tas ang ganda ng mga amenities! Hay... Spa...... :(
What do you get when you mix 8 hormonally imbalanced teens and a swimming pool?


A steamy orgy? (No! We maybe hormonally imbalanced but we're not that crazy!)
A summer job? (I wish!)
A great summer outing? (Yeah...!)


Hmm.. Ala akong chance na magkuwento last night kasi sobrang pagod na ako tas badtrip pa. Kaya ngayon na lang ako magkukuwento! Wait bago muna ang details... Gusto ko lang sabihin na ang itim kooooo! Ngipin ko na lang ata ang natitirang maputi! Hehehe...


Details... Hmm... Nakaalis na kami ng school mga 9 am na ata? Kasi, madaming na-late (kasama na ako dun!), tas hinintay pa namin si OOOOdillllee na makadating, kaso di rin siya nakaabot (paano ba naman, nag-effort! nakatulog sa loob ng car niya bago ilabas ng garahe! haha... sayang oooodilllee!). Ayun, tas nakarating kami sa Dasma after 1 and 1/2 hours na biyahe... Sa kasawiang palad... Hindi pala dumadaan yung nasakyan naming bus sa harap ng resort!
Naglakad kami (1/4 lang!) tas sumakay din kami ng jeep (Dahil bukod sa mainit, malayo pa ang WalterMart!) Ay wait nakalimutan ko palang sabihin kung sinu-sino yung walong hormonally imbalanced na teens! Ako aka "Sex Goddess", si Rachel aka "Sexy", si April aka "Chosen-One", si Anna aka "Beb", si Marvin aka "Sex slave... joke! Balbon!", si Jeremy aka "Sex/Hunk!!!", si Dan-dan (di ko alam ang a.k.a niya eh) tas si Jeff aka "Sex Object".


Aion. Bili muna kami ng food sa Walter (Thanks pala April!) tas off we goooo sa Volet's (Tapat lang ng Walter). Nag-effort pa kami sa paglakad papunta sa nipa hut (Di naman kasi namin alam na may mas madaling daanan eh). Nagbihis na kami agad, shower tas swimming na! 5 pools ata yun tas syempre 4 lang 'yung inaccess namin kasi yung isa pambata. Pinakamabenta 'yung may slide at saka yung pool na parang beach (kasi may waaaaveee!). Salit-salitan nga lang ata kami doon sa 2 pool! Yung may wave kasi, every 15 minutes lang nag-wawave tas yung may slide naman, tuyempuhan yung life guard. Basta ang saya! Kain at rotation sa pagbabantay 'yung pahinga sa pagsswimming kaya sobrang umitim kaming lahat (Lalo na si Anna! Grabe may tan lines siya sa likod!)


Tas may picture-picture din... Hindi ko pa lang nakukuha yung mga shots kasi di pa na-uupload yung mga pics ni Jeff. May isang pic akong ipopost dito pag dumating na dito 'yun. Picture ni Jeremy 'yun. Syet. Sobrang provocative at seductive ang pose niya, iisipin mong lalaki siya. Pang Cosmo yun! Topless! Ay hunk! Baka bukas ilalantad ko na ang controversial na "photo" na iyon. Hehe...


Basta ang saya talaga. Lalo na kapag mala-tsunami na yung wave! Sobra! Ever favorite namin
yun! Ewan ko kay Jeff na nawawala sa malalim na tubig pag nag-wawave!!! Hehe... Sayang sana nakasama pa 'yung mga blockmates ko saka mga batchmates!! Astig sana! Memorable talaga ito, dahil parang si April, ito ata ang pinaka-una kong outing na walang parent/adult supervision. Para dun sa 7 other teens na kasama ko kahapon... Astig kayo!


========================


Eklat lang 'to... Pero badtrip pala ako kagabi. Tama ba kasing text ka ng text tas di ka rereplyan? Hay. Ang hirap maging mature.

Wednesday, April 06, 2005

Hei!

I finsihed my exam at 9 am. Honestly, I don't know if I'll pass or not... Sigh! I feel sad, unfulfilled and lethargic. Maybe tomorrow's event will help me feel a hell lot better. God if you're reading this... I need you. :(

Tuesday, April 05, 2005

Hay...

Busy mode today... I'm still studying for my last exam due tomorrow. After that, I can finally kiss this sem goodbye. It's my friend's birthday today (Hie April!) and I'm really guilty for not giving her anything (Thanks for the treat april... hehe! Bawi po ako this week!). I wrote her a letter, pouring my heart out (Sorry guys, I can't tell you what I wrote there, but I can assure you that it's not a profession of my undying love for her - I am desperate but not LESBIAN).


I got 8 chapter summaries to read and about a ton of terms to memorize but my mind is already set on Wednesday. Finally! May nag-aya ding mag-swimming!. Haay... I already packed my bag last Saturday (Anticipating for a swim party... Oiii.. Excited ako eh!). I just hope na matuloy!


Hmm... What else? Oh.... No.... I forgot.... Wednesday = Spongebob the Movie. Crap. I won't be able to watch it pala 'pag natuloy yung swimming. I guess Ok lang kse 2 weeks pa naman siguro ipapalabas dito 'yun.


Hay... Ito muna ang post ko for the day. Special mention to: JEREMY, Belated happy birthday! Bearer of bad news ba ako? Hehe... You're old na! Unlike me... Well... 19 pa lang ako! Ikaw? 20!? Well older = mature? Not! My wish for you is to find a cute, sensible guy who would be able to control your "rarracious" behavior...! Hehe... :)

Monday, April 04, 2005

Hay...

Busy mode today... I'm still studying for my last exam due tomorrow. After that, I can finally kiss this sem goodbye. It's my friend's birthday today (Hie April!) and I'm really guilty for not giving her anything (Thanks for the treat april... hehe! Bawi po ako this week!). I wrote her a letter, pouring my heart out (Sorry guys, I can't tell you what I wrote there, but I can assure you that it's not a profession of my undying love for her - I am desperate but not LESBIAN).


I got 8 chapter summaries to read and about a ton of terms to memorize but my mind is already set on Wednesday. Finally! May nag-aya ding mag-swimming!. Haay... I already packed my bag last Saturday (Anticipating for a swim party... Oiii.. Excited ako eh!). I just hope na matuloy!


Hmm... What else? Oh.... No.... I forgot.... Wednesday = Spongebob the Movie. Crap. I won't be able to watch it pala 'pag natuloy yung swimming. I guess Ok lang kse 2 weeks pa naman siguro ipapalabas dito 'yun.


Hay... Ito muna ang post ko for the day. Special mention to: JEREMY, Belated happy birthday! Bearer of bad news ba ako? Hehe... You're old na! Unlike me... Well... 19 pa lang ako! Ikaw? 20!? Well older = mature? Not! My wish for you is to find a cute, sensible guy who would be able to control your "rarracious" behavior...! Hehe... :)

Sunday, April 03, 2005

Shop till you drop!

Glaing kaming SM Manila ni Mami kse nga di ba sale. So pag sale ano'ng ginagawa? E di mamili. Hehe... Puro pang-summer yung nabili ko... Hmm... Eto lahat ang painagkaubusan ng pera: Banana Peel na Red na Flip Flops, Fekfek Shorts, SM na large black tote bag, Generic brand na goggles, at Jolly Kiddie Meal (Free toy: Patrick Star na Conditioner Dispenser). Hehe... Handa na para mag-swimming! Ala pa nga lang akong pupuntahan! Hehe...
Oo nga pala, nung pauwi na kami ni mami, sabi niya try ko daw 'yung goggles kung ok lang yung fit. Pero 'yung tinry ko yung nose plug kung kasya, hehe... Tapos pagtingin ko sa labas ng bintana, nakatinign sa akin yung mama na nakasakay sa car na color white... Nakatitig lang as in. Hehe... Na-weirdohan siguro. Hehe... Oh well.
Masaya pala ako kasi may mga bagong gamit na ako. Hehe... Pihadong pag kinuwento ko na naman to kay j. siguradong ito ang sasabihin sa akin n'un: "Hehe... Para ka talagang bata!" E masaya naman talaga pag may bago kang gamit di ba? :)

Sad...

Sad day ngayon kse namatay si pope ngayon, 9:37 pm - italy time. He deserves to rest na din naman kasi he's 84 years old na tas he has parkinson's pa. Ganun talaga ang buhay...


Finally, nasabi ko na to after so many weeks (months na ata) na malungkot ako deep inside. Eto na talaga ang fresh start ko. 2 sems na lang at graduate na ko... I'm so overdue in doing this na. I'm finally saying goodbye to solitary confinement, childish acts and stupid decisions I've made. Letting go of bad feelings stuck inside me. I'm going to be serious na... Mahirap iwanan yung nakasanayan mo na, pero I need to grow up!


Weird post no? Oh well. Wish me luck. It's tough and I hope I can make it through the changes I will impose on myself. No more silly abi. No more weird, childish and lovestruck attitude for me.

Summer!

Asar... Gusto ko mag-swimming! Gusto ko yung sa malayo tas matagal! Ok na sa akin kahit sa puerto or sa bora for one week. Hay.. Problema, I'm stuck dito sa hell-house (mainit kse) with nothing to do but study for my exams. After my exams, I only have one more week (I think) before my summer classes start. Pwede na yun! Kahit mga one week vacation sa kahit saan!


Ala bang mag-aaya? Please!


Desperado na ako. Gusto ko mag-swim! Gusto ko ng sand sa paa ko (beach sandddd!) tas yung salt water sa buhok ko. Darn... Last year naman nung ayaw ko saka naman kme nagpunta sa Pangasinan. Ngayon na gusto ko, antagal dumating ng dadi ko tas nung inaaya naman ako sa bora ni panda bear, may exam ako! Waaaaaaaaaaaaa!


Oh well. Rant na naman ako! Bdtrip kse! Hehe... Grabe, i'm looking forward this week! Dahil... Birthday ni April sa Monday, Premiere ng CSI New York sa AXN this tuesday, tas Spongebob sa Wednesday! Exciteddddd! Haha... Bili ako ng Jolly Kiddie Meal mamya pag lumabas kmi ni mami. Yung free toy kse: Spongebob na shampoo dispenser, Patrick Star na conditioner/lotion dispenser tas toothbrush holder! Baka nga hapon na ako makauwi ksi sale sa SM Manila today! Balak ko ksing mag-shop for summer gear! Flip-flops, loose shirt saka pjs!


Excited talaga ko. Pero, medyo malungkot ako kse si lola matamlay parang si panda bear. Namimili ng food niya tas tahimik. Dati naman ang saya-saya ni lola. Lagi ko pa siyang na-huhug, nakikiss sa cheeks tas nakikipagkulitan pa sa akin. Ngayon, parati na lang siyang nakahiga, hindi masyado tumatawa tas tahimik. Pray nio naman po si lola... Sana maging ok na siya. Maabutan pa niya dapat 'yung pag-graduate ko sa Med School tas maabutan pa niya dapat wedding ko (yak feeling)!


Tas si panda bear kahapon din matamlay. Bored daw ksi siya. Waaaaaa..... Kung pinapayagan lang naman ksi ako e di punta ko sa kanila. Body slam ko siya para magising. Hay. Buti nga di niya naiisip na pumunta sa States gaya last year. Sad. :(


Latest update sa kukunin kong subject this summer: Histology na at NatSci 5. Magpaka-GC! hehe..


Ganda ba ng bagong lay out? :)

Saturday, April 02, 2005

New Lay-out.. Again

The bitch lay-out is not working out pretty good. Maysadong simple ans I can't put much in it. Besides, masyado atang strong yung lay-out, kaya mas pinili ko ito. Cute di ba? di ba? Hehe...

Saka na lang ang bagong entry. Hehe.. Too busy! :)

Belated Happy birthday to Trish and Advance Happy Birthday to April. Libre ko? Haha...

April Fool's day pala today. Better watch out for pranksters...

Thursday, March 31, 2005

Hay...

Sori di pa tapos 'yung bagong lay-out... Di pa puwedeng mag-comment saka ala pa yung hits counter.

Tired of a goody-good look ng blog so Bitchin' Hour 'yung title. Hmm... Siguro ako rin, shedding some off my very goody-good side. I'm so tired of being me. Haha... Juz kiddin.

I still got 2 exams left. Genetics tomorrow and physics on april 5. Whew! Finally! But after that I only got 1 more week left before summer enrollment (ata). I'll be taking up zoo 120 (animal physio - kung offered) and sts (kung offered) pero kung parehong hindi, i'm considering field biology or histology para advanced ako ng isang elective.

Hay. Hirap maging biology! If it weren't for my ever supportive parents, friends, and blockmates, I would never had gone this far... Saya! Ilang tulog na lang and i'm officially a senior student!

Wait. Masyadong fast-forward. Hehe. Magpapalinis pala ako ng teeth later. Hehe... :)

Monday, March 28, 2005

hayy...

I'll be changing the lay-out of this bloggie after all exams. Hmm ano pa ba? Sana makasama ako sa friday! Swimmingggggg! Yey! Sa Cavite ata, kasama blockmates kse magbbirthday na si april sa april 4.. Hehe.. Dunno pa nga kung wat gift yung bibigay ko sa kanya.. Si momon na lang kaya? wahaha!


Ano pa ba? Hmm kaya ako online eh nag-aaral ako online! Bait ko! Di actually cramming nga tong ginagawa ko kse shopping kmi ni mami knina. Shux! I bought 2 pants na naman. Asar...


Hay sana tuesday na para masaya na ulit ako. Kse naman sa bora pa nag-punta di pa sa bahay namin. May banyo naman kmi, tas kung buhangin din lang hanap niya, may construction sa village namin. At kung chickas din ang hanap ng kapatid nia at nung bestfwend nia eh andito naman ako. Wahaha! Asa bahay pa si April, c chel at si steph nung sabado. Complete! Libre accommodations at fud! Hay naku.


Ano pa ba? I'm learning to bake pala this summer! Gusto ko kse matuto para babake ako lagi ng cake, ng lemon squares, ng cookies para dadalhin ko sa kanila. Hehe... Pa-gurlaloo epek ba. Hay. Sana matuto ako.


Yun muna ulit.... Wah! Abi = sad.


47. Nag-aaral ng nakababad ang paa.
48. Tinry ko ng uminom ng coke na may kape. Takte ksi si Rex, sabi epektib daw pag nag-aaral. Oo nga naman, epektib. Kaso 2 araw akong di nakatulog.
49. Tahimik akong tingnan, pero sobrang makulit ako.
50. Gusto kong yumaman. As in yung yaman na tipong Ayala.
51. Kasama si Mike Enriquez (Imbestigador) sa mga gusto naming tatay ni April at ni Marvin.
52. Lahat ng kalaro ko ng bata wala na dito. Lahat asa Canada.
53. Nanakawan na ako ng fone. Ang masaklap pa, pinagmukha akong tanga dahil sa harap mismo ng Supreme Court na-jobong ang fone ko.
54. Ang bahay ko ay isang sakay ng bus at isang tricycle mula UP Manila.
55. Mahilig akong tumambay sa kotse ni April para magpalamig, kumain, mag-whine at makitulog.
56. Pangarap kong maging mommy, magka-asawa at magkaroon ng 2 anak.
57. Gusto kong maging Forensics pathologist o puwede na rin ang neurosurgeon parang kapatid ng lola ko.
58. Ulila na ako sa lolo.
59. Batangenya ang nanay ko at ang tatay ko ay taga-Quezon.
60. Dapat ay sa La Salle Dasma ako nag-aaral. Ang course ko dapat: BS Human Biology
61. Paborito kong fud: Hungarian Rice ng Smokey's or yung Combo no. 2 ng Barrio Fiesta sa Rob
62. Na-memorize ko yung Ni Yao De Ai, closing track ng Meteor Garden. Napagkamalan tuloy akong Chinese habang kinakanta ko yun sa bus.
63. Sobrang hilig kong manood ng t.v. As in. Sobra.
64. 4 na beses ng muntik mawala ang ID ko sa skul.
65. Isang beses pa lang ako nag-aply ng library card sa skul. Kaya nakikiiwan ako ng bag sa kotse ni April bago pumasok.
66. Peyborit na kulay: Pink, black, green.
67. Nag-iisa akong anak na babae (Yak. Dalawa nga lang kmi eh)
68. Hindi ako nahuli ng terror kong teacher nung 2nd year na may kodigo. Take note, nangodigo ako sa Science - Biology (Course ko)
69. Naging crush ko si Dao Ming Zhu ng F4. Potah.
70. Nagkaroon ako ng crush for 9 years. Nakita ko last Holy week, mukha ng mama!
71. Yung isa ko namang naging crush may asawa't anak na. Take note. Kasing-age ko ata yun.
72. Kung gusto mo akong makita, abangan ako sa GBox o kaya ay katukin ang kotse na kulay-tae na may plate number na WaDeDe 288.
73. Skul ng hayskul, elementary at preskul: Divine Light Academy.
74. Bespren ko: Si stephanie na taga-Mapua.


Naubusan na naman ako! Bukas na ulit ung 75-100. :)

Sunday, March 27, 2005

Sob sob...

Miss ko na ang baby bear panda ko... Waaaaaaaaaa


Uwi ka na! Ang tagal mo naman jan sa bora. Dalhan mo ko ng buhangin! Nyek...


Sob sob....! Uwi ka naaaaaaaaaa


Image hosted by Photobucket.com

Thursday, March 24, 2005

nampotah

lahat ng tao may ginagawa. ako wala. kasalanan ko din naman dahil puwede naman akong may gawin ayaw ko lang. my gulay. ang gulo.


33. Ang tatay ko ay F1 racer ng Batelco
34. Ang kuya ko ay badminton coach ng dati kong high school
35. Ang una kong telepono ay Philips Savvy, Kulay blue at two-liner lang.
36. Nakita ako sa Channel V noong 1st year high school ako. Ang ni-request ko ay: Agent Orange by Slapshock
37. Nakita ako sa Channel 2 noon dahil inimbitahan ang choir namin na kumanta sa Sunday T.V. Mass. Doon ko nakita si Aiza Seguerra. (Babae pa siya noon)
38. Nainterbyu ako ni Angelo Palmones sa programang Bago Yan Ah sa DZMM dahil sa walang kakuwenta-kuwentang investigatory project. (Fly trap na gawa sa Pinya at Dagta ng Gumamela)
39. Maraming beses na akong nawala noong college ako.
40. 1st year ako at ang nasakyan ko ay papuntang Alabang Derecho, Imbes na Moonwalk Zapote. Nakaapak pa ako ng I.D. Pinababa ako sa may skyway.
41. Pangalawa ay noong 2nd year ako, kakatapos ng exam sa Math 100. Ang nasakyan ko ay puntang Dasma, Cavite. Bumaba ako sa may Longos at doon sumakay ng Jeep.
42. Ang pinakahuli ay iyong nasa may OngPin ako. Lintek. Ayokong maalala.
43. Blogger for almost a year na.
44. Mahilig akong magluto.
45. At mahilig din akong manood ng mga cooking shows sa t.v.
46. Naiwan na akong mag-isa sa bahay noong bata pa ako. Malakas ang bagyo at na-stranded lahat ng tao. Ako? Naloko na...
Tuloy ko na lang ulit

Wednesday, March 23, 2005

hay...

yes. si abi po ay hindi na busy... di na rin ako depressed at pagod. antok na lang. hehe...


nagaya ata ako kay genna-gennina sa paggamit ng initials ng mga tao. hay. nahawa na din ata ako kay chona dahil sa mga pamali-maling grammar.


nitatamad ako! bukas kaya makapag-swimming sa clubhouse? hmmmmm.... Badminton sa umaga? pwede din! pupunta ata sina chel at pril sa bahay. hay.... hay... daming puwedeng gawin. sleep muna ako. bawi bawi sa mga nawalang sleep ko.. :)


Guess what? I love two J.C. in my life. Si Jesus saka si Tare panda ko... Heehee! *Sigh*


Nak ng potah. Nagtext si bestfriend. "May gagawin ba u tom? Gs2 mo tom n lng tau nood ng grudge? Txt me cel ko. Steph to." My gulay. Sabi ko nga bukas ay indemand na naman ang escort services ko.


Pahinga muna ako. Wahahaha.... Tare panda!!

Tuesday, March 22, 2005

peste

J. please wag na kaw selos. =(


BTW, Alam kong tatawa ka pag nakita mo ko kung paano ko mag-aral. Nakababad ang paa sa tubig. Sabi kasi ni Chel yun eh.


Wag na ikaw selos kay guy na naglalakad. Malay ba nun na pinag-aawayan natin siya.


Tare panda ko.


Wag n kw selos.


Please..... :(

Oh you're a god... and i'm not...

I have one whole unit in Smith to study for tomorrow's exam plus a 58-page hand-out. I had 3 consecutive exams this day and I don't have any decent sleep since last week. I'm so tired.... What's worse is that, it's not even our finals week yet.... I hate UP for making their students intoxicated with acads. Hay... On the bright side, one year na lang ala na ako sa UP and hello med school (wait, hindi ata bright yun.)


Toxic! Hay... Nung bumaba nga ako ng tricycle may guy akong nasanggi. Bobo ko talaga. Guapo pa naman. Hehehehehe.... Guapo pero no time para magloko ako. Ang karma! Hehe.. I wonder if this guy is willing to lend his shoulders for me to cry on. Tas I wonder if that guy would spend his time na makinig sa mga rants ko. Hay. I need a bestfriend... ='c


Iyak na iyak na talaga ako. Tas alang pumapansin sa akin. Depressed ako... I need a hug? Anyone? ='(

Friday, March 18, 2005

cough cough...

Gaddamit. Ang hirap ng may sakit at maraming ginagawa. Nag-absent ako para magpahniga pero di pa din ako makapagpainga. Gaddamit!!!! Anyway, gusto ko talagang mag-aksaya ng oras kaya heto ang 100 random things tungkol sa akin. Yak adapted kay marvin.


1. 19 na ako.
2. 01-08-86 ang birthday ko.
3. 2002-20524 student number ko
4. UP Manila student
5. BS Biology
6. 08-06-04 - importanteng araw
7. Makulit ako sobra.
8. Sun Cellular user
9. Bunso ako
10. May kapatid akong weirdo na lalaki
11. Ang tatay ko ay nasa Bahrain
12. Ang nanay ko ay nagttrabaho sa Hacienda Luisita (Hindi sa Tarlac! Sa makati!)
13. Adik sa photohunt
14. Adik sa t.v.
15. Adik sa sa Cheezy
16. Adik period
17. Wala ng friendster account
18. Idol ko: Gil Grissom ng CSI at si Ida Pagulayan, Head ng Forensics - NBI
19. Gusto kong maging duktor
20. Takot akong mamatay
21. Nakalulon ng pardible nung bata pa.
22. Nagkaroon ng boypren na bading
23. Muntik maputol ang kamay dahil sa garden scissors.
24. Laging kinakausap ng kung sinong tao sa bus
25. Bus rider
26. Taga-Las Pinas
27. Spongebob fanatic
28. 04-06-05 - Inaabangang araw
29. Galit sa sinungaling
30. Allergic sa kahit anong alcoholic beverage (Kapag nasobrahan!)
31. Nag-resign bilang class president nung 1st year high school


Saka na yung 32 - 100. Badtrip. Sige.

Thursday, March 17, 2005

Potah

Potah. Di na naman ako pinapansin ni justin. Wahaha.. Finals kasi ng U&AP ngayon, at malamang lahat ng mga fifol except my goddamn skul. Gaddamit! Next week nga ang dami kong exam! May 3 sa isang araw ata! Tas sa friday may journal report pa ako sa Ecology! Ano'ng ibig sabihin ng frugivory? Hindi ko alaaam! Wahaha!


Ahh... Wait. May nagtext. Siya. Hehe.. Galing basketball. Kaya pala ko di pinapansin. Panget! Hehe.. Ano pa ba? Nung monday di natuloy yung exam ko sa genetics kasi... Kawawang Sir Go. Hindi alam kung saan nilagay ang test paper. Ako, tingin ko, dapat mag-quit na si Sir Go sa pag-handle ng OSS. Lagi siyang bangag! Dami pa niyang workload! Sobrang toxic ng prof na to! :(


What else... Hmm... May overnyter kami last night! Si Rachel! We "attempted" to make our journal report last night and today, but alas, we did something else. Shop. Badminton. Eat. Sleep. Net. That's what we do best kasi eh! Nyarhar! Oh well. Sagarin ang nalalabing araw na puwedeng mag-fool around. Nyarhar...


Wait. Bukas na lang ulit ako post. Kakain na kami. Ciao Dahlin...!!! Muah!

Monday, March 14, 2005

Sana...

Dapat ay nag-aaral ako ngayon, pero anong ginagawa ko? Nagtatamad-tamaran.... Hirap kasing piliting isuksok sa utak ko ang 5 chapters ng Klug and Cummings. Tinamaan kasi ng kulog, nakakaantok! Hay naku.


Ano pa ba? Salamat kay Trish dahil ngayon, may ipagmamalaki na akong gmail account. Wahaha. Kelangan ko nga ng 1000 MB na inbox storage space para sa mga natatanggap kong experiment papers.


Hmm.. Ano pa ba? JRay, ako po ay isang BS Bio student gaya mo. 3rd Year, block three. Hindi ako mahirap makilala dahil: RVC ako (lagi ko kayong nakikita tuwing enrollment). Hahahaha... Kilala ko si Trish. Di ko nga rin matandaan kung paano ko nalaman ang blog address mo. Hehe.. History.. :) Sabihin mo sa mga classmate mo na mag-RVC sila. Madaming benefits! Una: May mag-aayos ng enrollment mo, Pangalawa: Libre pagkain tuwing may duty, Pangatlo: Makakakilala ng mga tao, Pang-apat: Puwede kang pumili ng schedule mo (Tulad ko: Nung 2nd year second sem, wala akong pasok ng Miyerkules, pati ngayong sem... Hehehe) At Pang-lima: Makakasama mo kami. Importante yun. Hehe... We're accpeting new members na! Kaya ano pang hinihintay nio! Sali na! Haha....


Yun muna. Aral ulit.... zzzzzzzzz

Sunday, March 13, 2005

Tangna

Nag-feeling ako at naglakas loob na tingnan ang webpage ng Harvard Med. Itong linya na ito, nadismaya ako:


(Foreign students who do not have a baccalaureate or advanced degree from an institution in the United States or Canada are rarely accepted for admission.)


Nyeta. Sabi ko na eh... Etong requirement palang kaput na ko. Wahahaha.......!

Monday, March 07, 2005

Alam ko...

Sa mga taong lagi kong kasama, mapapansin niyo na may mga oras na bigla na lang akong tumatahimik o bigla na lang aalis. Maaring ang dahilan ko eh hindi na ako nakakasabay sa mga hirit niyo o dili kaya ay malalim ang iniisip ko.


Mas karaniwan ang pangalawang dahilan kung bakit ako tumatahimik. Naisip ko lang ata yun kahapon nung naglalakad ako sa SM kahapon. Marami akong naisip kahapon, at balak ko sana silang ilagay ngayon dito. Pero, may mga bagay na mas mahalagang punahin at isulat kesa sa mga obserbasyon ko.


Sa mga nakalipas na araw, puro love ang sinusulat ko dito. Kung paano ako nasaktan, kung paano ako nagalit at kung paano ko siya sinumpa. Hindi nga niya alam ang tungkol sa mga posts ko, hanggang kahapon. Nabasa niya lahat-lahat. Ang galit, ang mura at ang mga pag-iyak.


Naging unfair din ako. Dahil hindi ko sinabi. Dahil sinarili ko 'yung nararamdaman ko. Ayoko ng away, ayoko ng sumbatan. Kaya ko sinulat yun para mawala yung tensyon. Para makalimot. Hindi para siraan siya at pagmukhaing ako ang laging tama.


Mahirap magmahal, may mga beses na iiyak ka, masasaktan, at aayaw na lang. Wala namang relasyon na perpekto di ba? Ako kaya ako natutong magpasensya at maging selfless dahil sa kanya. Meron din akong mga bagay na natutunan mula sa kanya. Hindi lang puro sakit at iyak. Hindi lang nasusulat dito yung ilang ulit na pagpapangaral sa akin na wag akong magpupuyat, at wag akong magpapagabi, mag-aral ng mabuti at ang mga paglalambing na di ko inaasahan. Ayokong magyabang pero lahat ng iyon nasa loob ko. Muli't muli kong binabalikan lahat ng iyon, gaano man ka-busy ang buhay ko.


Masyado ng seryoso. Nagiging mushy na naman ako. Pero yun yung totoo eh. Yun yung nasa isip ko ngayon...


Kung sakaling mabasa mo itong entry ko, alam kong galit ka. Lahat ng sinabi ko totoo... Mahaba ang pasensya ko. Wag kang makialam! :)


Tama na nga ang pagiging seryoso. Baka ang panget ng kalalabasan ng sayaw ko mamya. (Tama ba? Sayaw = Abi? Wahaha! Totoo po yun! Hehe.. Pero hindi ito contest at lalong hindi sa LT ito gaganapin. Hehe... :)

Monday, February 28, 2005

Hay..

I should be studying instead of posting and browsing the net. Shet. I'm really tired of studying na. Aral... Aral... Aral! Every week ata may exam ako, sobrang kaput na ata ang social life ko. Wait. I shouldn't be complaining! Kamote! Kakapasok ko pa lang pala sa UP, scavenger na pala ako for entertainment. Gaaaahhhd! Ang loser! Hahahaha!! Ganun talaga eh. Pinili ko dito sa hell school na ito to get some education! Saka dapat ang mentality ko dapat sige lang ng sige kasi may balak pa naman akong mag-med! Sheeeet!


Kinokontra ko na ang sarili ko. Ok. Tama na abi. Wahaha...! Ay naku, patty, tama ka jan, yung taong yun lagi akong sinasaktan. Pero ang hirap eh, pag may mahal ka, nagiging tanga ka. Pero, in the first place, if you commit yourself to someone, wait, wag na lang commit, kadiri yung term eh. Revised na, pag nag-sabi ka ng ILOVEYOU sa isang tao, kasama na dun yung hirap at sakit na dadanasin mo, kasi sa UTOPIAN world lang naman nag-eexist ang mga guys na uber loyal, understanding, sweet, basta yung gusto natin sa mga guys. Walang perfect love batay sa standards ng mga tao. Alam ko namang may mali din ako, bulag ako hanggang ngayon, at nabubuhay sa isang pangarap. Lantis, alam kong pinagpapala ang mga martyr na tulad natin balang-araw. Sabi nga nila: "Malakas ang karma..."


Punyeta. Tama na nga itong isyu sa Love! Kinikilabutan na ako, di naman ako in authority, hehe. See previous posts. Muahaha!!


Oo nga pala. Baka manood ako ng concert bukas. Well, of course, courtesy ni Jep. Sana nga i-libre ako ng ticket sa FULL Volume. Para naman kahit paano, nasabi ko sa sarili ko na may na-attenan ako na concert sa UP sa buong college life ko. Ngek.


Sige na! Babush! Bukas na ulit................................... Stay beautiful people! :)

Sunday, February 27, 2005

Hay...

Masaya na ako. Pagkatapos ng huling rant kagabi tungkol kay you-know-who-whom-i-refuse-to-mention-his-name masaya na ako. Di na ako iiyak sa kanya. At lalong di na ako martyr... Hehe.. Yun muna. Alis pa ako eh.

Saturday, February 26, 2005

Leche...

Ang sakit-sakit ng tiyan ko kanina... Sobrang makirot... Palagay ko dahil uminom ako ng kape ng hindi kumakain. Buti nga ngayon medyo hindi na. Pramis umiyak talaga ako kanina sa kuwarto dahil sobrang sakit.


Ewan ko nga kung bakit. Matagal na din kasi akong hindi nagkakape. Kung dati adik-adik ako dahil sa kape, ngayon hindi na. Umiinom lang ako pag sobrang depressed at kailangang mag-aral. Parang alak no? Tangna.


Basta ang sakit ng tyan ko. Kelangan ko pang mag-aral dahil dept exam sa tuesday. Ganun ako ka-desperado. Tangna... Eto na naman... Kirot... :'(

Friday, February 25, 2005

hate

ihateu. ihateucuzurtheonehuholdsmyheartandathesametimeucrushitwithurhands. uknowwhatiwanttodo? toforgeteverything. tostopbelievingwithurlies. tostoplovingyou.

Hay...

I missed posting here na! Hay...Tagal na! Almost one month na.. To those people na bumibisita pa din, patty, prince, si april, saka si slash13x, and lantis! Thanks guys for supporting my blog! Hehe.. I promise magpopost na po ako ng madalas dito!


Hei, ano po yung favor na hinihingi mo patty? Hehe.. Just tell me.. Pambati sa mga araw na di kita nababati! :) To slash13x: Ei thanks for visiting my site! You have a blog po ba? I'm going to email you.. Hehe..


Hmm.. Busy ko tlaga! Dami kasing exams, saka may bago po akong addiction eh! Haha.. Di po tao, di rin food!Yung photohunt and word dojo sa gbox sa rob place! darn it..! Gabi na tuloy ako lagi umuuwi lately! Haha.. Pindot-pindot tawag namin dun. La lang.. Share. Haha! Tanungin ang mga bio 3rd yir fifol, at siguradong alam nila 'yung larong yun! Haha.. Hayyy...


Ano pa ba? Putol yung sun sim ko! Kaya sa mga nagttext sa kin dun.. Sowee. Ala pang pera pambayad! Hay naku.


Ano pa ba....!? Dami ko palang fieldtrips this sem! Tatlooo! Una yung sa Banahaw para sa P.I. 100 (Sorry, P.I. doesn't stand for Putang Ina, Rizal ito), Hmm.. Okay ang trip na ito, as usual, ako tatanga-tanga, nagsuot ng pantalon at sneakers, ang kinalabasan? Warak at soggy na pantalon at sirang sneakers. Ako? Sabi nga ni Jose Lacaba: "At kamukha na ni Maritess (in this case, ako iyon) ang kontrabidang si Bella Flores. Hahaha... Sayang nga, sana kasama ko mga blockmates ko! Pero ok din naman eh, kasi may nakilala akong friends dun, si Moises (tama ba? hehe) saka si... oh shit... nakalimutan ko ang pangalan!! Hehe.. Basta mabait sila! Kaya minsan, masaya din naman ng hindi puro mga kakilala mo ang kaklase mo eh. :) Pahabol lang, may epekto pala sa akin pag tinatakot ako bago umakyat ng bundok. Kasi, ang sabi nung parang lider ng Rosa Mystica sa Banahaw, pag daw may ginawa kang kalokohan sa bundok, baka hindi ka makababa ng buhay. Kaya ako? Sobrang kahit shit o gago wala akong nabanggit. Balat-kayo! Amfoots.


Second trip sa Botanical Garden ng Makiling. Shet. Saan ito? Sa UPLB. Brings back old memories which I refuse to disclose dito sa blog. Haha.. Di masyadong okay ang field trip na ito dahil, bukod sa di namin masyadong na-explore ang gubat eh may ginawa kaming experiment. Lintek namang experiment yang magbilang ng damo! Di pa yun eh, na-dissappoint ako kasi sa gitna ng "gubat" eh may signal ang SUN!! Dapat wala! Walaaaaa! Hehe. Pinakamagandang experience? Hmm.. Ang maghugas ng mukha sa dorm ng mga B.S. Forestry peeple. La lang. Wala akong nakilala ok? Astig lang kasi, frustration ko kasi ang mag-dorm o kaya ang malayo lang sa bahay. Haaaayyy... Memorable experience? Ang misteryo ng nawalang buko pie ni micko. Wahaha.. Wawang micko, walang buko pie.. :'(


Third and Last trip ay nung last Wednesday sa PhilRice Institute, Nueva Ecija. Eto na ata ang pinaka-panget na trip evah! Paano ilang oras kang nagbutas ng silya sa bus tapos pagdating namin dun, 3 hours lang ang inilagi namin dun! Ang field trip na ito ang "Seminar sa malayong malayong lugar."In short, nakakatamad ito kay super restless ako habang nasa bus. R-E-S-T-L-E-S-S. Tangna. Pero, on the bright side, may ideya na ako para sa thesis, at mukhang matutupad na ata ang pangarap kong malayo sa bahay! Haha... Saka, ever-bonding kami ng block. May bago na kaming mga pangalan sa mga tao: Ako ay si Sex Goddess, si April ay si Chosen One of Sex, si Arf ay Maniac, si Rachel ay si Sexy, si Jeremy si Sex at si Jessa and Marvin ay si Love. Hehe... Restless talaga.


Yun ang pinagkakabalahan ko... Haha... New progress. May nakita kong cute na taga-La Salle sa bus! Cuteee! Hay... At may nakita kong mag-bf sa bus na La Sallian din, tapos inggit ako kasi ang saya nilang dalawa! Tawa sila ng tawa, parehas silang smart saka sweet. Awww... Hay.. Eto na naman ako!! Hehe... Yun muna! Next time ulit! Lab yu fans! :) Kapal!

Saturday, January 29, 2005

Booring Saturday

I really wanted to go to that seminar. Kaso, lang ala akong 3,500 para pambayad... Wahh!! It's about forensics and paternity testing and updates on biotechnology. Sad... :( Gusto ko pa naman talagang pumunta. Hay. So i'm suck here sa bahay, alang ginagawa!


Tinatamad kasi akong mag-aral, kasi 'yung genetics exam namin na-move sa thursday! Hay, di pa naman ako sobrang aral na aral pero matatapos na akong magbasa ng Klug (book namin) tapos April texted me na, "hei na-move yung exam" errrrgggg... Good way to ruin a perfect nerdy wednesday for me. Hay. Sayang talaga, nagpunta na lang sana ako sa coffee shop to get a dose of strong coffee or sa southmall to watch a movie (di ko pa napapanood 'yung kung fu hustle... hay... sad ulit). Yaan mo na Abi, all for the sake of science (oh no, delusional na ako!)


Tapos ngayong saturday kung kelan ako sobrang free, wala! Walang nag-aya na lumabassss!! Badtrip! So ako, na-stuck ako sa panonood ng tv (couch tomato!) and sleep and read some mag (food mags and redbook ng mum ko). Yak, increase knowledge nga ako nung binasa kong redbook ni mami eh. I learned about sexsomnia. Ano un?


According to redbook: Sexsomnia (a.k.a sex sleep) is a disorder that causes men and women to perform sexual acts, from masturbation to sexual assault, in their sleep. Most sufferers have no control over or memory of their episodes.


Grabe no? Included sa artik 'yung isang true-to-life account ng isang girl na may asawang may sexsomnia! Kakawindang kasi yung husband niya, grabbed her breasts violently, tapos na-pregnant siya dahil sa violent attacks ng husband niya. Eto lang ang masasabi ko, I maybe kinky kinky sometimes but I don’t like to have a boyfriend or a husband who has sexsomnia! Brutal!


Ayoko namang maging porno tong post ko so, let’s move on to other topics. I watched Dave the Barbarian sa Studio D kanina tapos astig kasi, attack siya sa mga stereotype na heroes. Si Dave kasi dun, medyo tanga saka he really needs help when it comes to saving people. Cartoons siya, so expect exaggerated reactions.


Tapos madami pa talaga ako ikukuwento, saka na lang. Hehe.. I can't stop thinking pala ung exam namin sa hum nung friday.


Marunong bang magmahal ang manok? Astig no?


Paalam. :)


P.S. Got a new crush. Saw that cute guy sa isang photoshop dito sa amin. Oozing with sex appeal. haha.. Hope I see him ulit! Nyak. Like in a gazillion or megakatrillion years from now, kasi slim chance to see someone again dito sa min! Erg...

Wednesday, January 26, 2005

I'm sad...

Hay. I thought I was happy. Kala ko kaya kong wag umiyak. But I did. Sobra ng abuso sa puso ko ang pagpipigil sa pag-iyak. Abuso sa loob. Abuso sa sarili. Ako yun. Si masokista at marytyr na si Abi.


Bakit ba kasi kelangan kong maging mabait? Bakit kelangang maging empath ako. Bakit kelangang magmahal?


Ito yung mga araw na tlagang winiwish ko kay God na bigla akong maumpog sa pader at biglang mawalan ng malay. O kaya yung mabangga ng kotse, tapos lilipad ang katawan ko, at sa pagbagsak ko, siguro makikita niyo ang magkasamang luha at ngiti sa mukha ko. Pagkatapos nun ma-cocoma ako at paggising ko, wala akong naalala sa mga nangyari. Ibang tao na ako.


Kaso hindi puwede. Ako parin si Abigail Ruidera. Ako pa rin ang delinquenteng estudyante ng UP, ako pa rin ang masayahing si Abi. Ako parin ang taong marunong magmahal.


Badtrip.


Iyak na naman ako.


Hay.


Ang sakit ng realidad ng buhay.

Monday, January 24, 2005

I give up

Right now, I'm crying at pinipilit ko sa utak ko na kaya ko pa. pero hindi na talaga. Suko na ko. Di ko na kayang maghintay. Di ko na kayang masaktan pa. Hirap na hirap na ako. Ang sakit sa loob. Gusto kong mamatay ngayon na. As in.


Ayoko na.


Ang sakit.


Tang ina.


Sana mamatay na ako para tapos na.

welcome back to mmmmee!

hi... e2 na ulit ako. writing about life. tama na ang pagpapahinga, tama na ang drama. masaya na ako. :)


19 years old na ako, and there's no more room for mistakes and mostly fooling around. di na bagay saka matanda na ako. mabilis ang panahon, at kung magloloko din lang ako, walang mangyayari di ba? di baaaah?


isang araw lang malalaman ko na lang na graduate na ako ng bio, magsisimula ng maghanap ng med school, at magsusuot na din ako ng puting damit. ang weird ba? pero e2 yung naramdaman ko nung nag-pass ako ng pre-enlistment form ko for next year (bio 199, undergrad sem, microbio, at sts). grabe, i only have less than 2 sems na lang pala sa up. pakonti na ng pakonti yung mga subjects ko.


nalungkot ako, sobra. hindi lang siguro halata dahil karamihan ng mga tao, lagi akong nakikitang nakangiti o nakatawa. pero minsan, naiisip ko din ito. hindi na ako bata. kahit ipilit ko pa sa sarili ko hindi na puwede.


marami na akong responsibilidad sa buhay at kasama na ang mga problema dito. sorry kung boring, pero bigla ko na lang tong isulat.


isa ko pang naisip 'yung sinabi sa akin ni april: "na kung grumaduate daw ba kami, magiging magkaibigan pa daw ba kami..." natural kong sagot e oo. ayoko ng mangyari sa amin, yung nangyari sa amin ng "bestfriend" ko ng highschool. unti-unti na lang siyang nawala, hay ika nga nila: "out of sight, out of mind." di ko din alam sa totoo lang ang sagot sa tanong mo april. maraming puwedeng mangyari. puwede akong mawala na rin lang basta-basta o puwedeng ikaw naman ang magkaganun. ang gulo no? pero wala naman talagang makakasabi kung anong mangyayari.


sa amin ni justin. di ko din alam. ang labo no? di ko ba alam kung lokohan yung sa amin eh. di ko alam kung sa mga susunod na araw o linggo makayanan ko pa yung malaman kong may iba na naman. ewan. siguro, ngayon di ko pa alam ang hangganan ng pagiging martyr at masokista. di ko alam kung itutuloy ko pa din ang laban o isuko na lang siya sa kung sino mang herodes na babae niya.


hay. basta ang alam ko, nakabalik na ako. magulo man ang buhay ko ngayon, masaya pa rin ako kahit papaano kasi masasabi ko namang importante din ang existence ko dito sa mundo.


hay. sige. baka sa susunod na lang ulit. andaming exams ngayon eh. ecology lecture sa tuesday at genetics lecture sa thursday.


prince: "mabuti ok na kayo ng princess mo... :p"
april: "nood tayo ng meet d fockers sa thursday, sama natin si chel. dapat nanood ka ng s-files kahapon! si madame auring daw may satlker at ang matinda pa... buntis daw siyaaaaa!! haha... kita na lang tayo sa skul.. mamili ka na kasi... si mark o si momon? haha"
chel: "nood tayo ng meet d fockers sa thursday, 'yung conceptual physics mo andito pa sa kuwarto ko! haha... mark! nyahahahaha"
lee-ann: "sa monday na yung bayad ng lab manual sa genetics! miss na kita.. :p"
jeff: "bru, miss na kita. bakit naman kasi nag-iba ka pa ng sked. hay.. sana makalipat ka na sa U.N. para lagi kaming makikikain, makikitulog, makikiligo, makiki-internet. hehe.. dalhan na lang kita lagi ng fud para masaya. hay... may kuwento ko sa 'yo! pakita ka naman minsan. miss na talaga kita. miss ko ng tawagan ung number niyo dati sa caloocan. hehe... siya pa rin ba ang laman ng puso mo? asusssssss!!! haha!!
jeremy: kasama ka na ngayon sa bati di2! haha! my day isnt complete kung wala ka. nyak! bitch! haha!! see yah at school darling!
trish: been seeing you lately sa skul... hehe.. sorry kung di kita nababati, wala lang talaga ako sa sarili.. hehe... :)


o sa mga di ko binati, di naman ibig sabihin nun na di ko kayo lab, haha.. wala lang di ko lang talaga siguro alam kung ano sasabihin ko! joke! hehe.. this is ur sex goddess signing off... :p

Saturday, January 01, 2005

Hiatus

M gonna be away from blogging muna. Naguguluhan ako ngayon. Nasasaktan at napapagod.


Just leave your messages on the comments box or sa tagboard.


Birthday ko pala sa January 8. yun lang. cge.

Thursday, December 30, 2004

As promised...

As promised eto na 'yung pic ng shoes ko! Haha... I bought this for 250 smackeroos lang!!! Heehee..





Cute no? Haha...

Coffee!

Coffee! I want coffee! Argghh... 2 weeks of deprivationnnnn!!!!! Coffeee!!!! I can't go out kasi alang tao sa bahay..


I MISS MY COFFEE.. :(

Monday, December 27, 2004

Hay...

December 26 ngayon. Nakalimutan kong anniversary ng parents ko ngayon kaya lahat ng plano ko eh kanselado dahil mag-cecelebrate kami nina mami, kuya at tita sa makati. Pupunta muna kami sa Intercon kasi kukunin ni mami 'yung padala sa kanya ni daddy tapos pupunta kami sa Market!Market! sa Fort para mag-uzi. Pero mamaya pa naman 'yun kaya heto nag-bblog ako. Hay... Bukas kasi baka hindi ako makakapag-blog dahil baka umuwi muna ako kina Lola sa Batangas. Doon muna ako para alang istorbo. Hehe. Ala kasing signal ang cellfone ko doon, alang cable, alang telepono at walang mall. Meron lang kama, radyo, electric fan, lutuan at santambak na libro.


Hay. Kahapon eh pasko, nanood kami nina mami ng "So Happy Together." Okay 'yung pelikula kaso sabi nga ng kapatid ko, para raw hindi ito pelikula, "series of scenes" lang daw ito. Wala kasing relation ang bawat segment sa bawat isa eh. Tapos ang weird pa kasi nagpakasal si Mark Herras saka si Jennylyn Mercado tapos nung tumanda na lahat ng tao, sila mukha paring teenager! Si jennylyn naka-pigtails tapos may anak! Ang weird! Pero may mga ilang scenes na nakakatawa, hindi naman ako uber relate kasi hindi naman ako bakla! Okay ang concept, hindi lang maganda ang kinalabasan.


O so iyon muna. Kakain lang ako, at magbibihis na. Bumili pala ako ng bagong shoes!! Doll shoes daw ang tawag dun, flat at walang heels at ma-cute ang style. Kukunan ko ng picture pag may time na ako.


Yun muna! Babush! It's so nice to be happee!

Thursday, December 23, 2004

Quotable Quotes from my favorite film

Gawd! This are my ever favorite lines from my favorite film: "Le Fabuleux destin d'Amelie Poulain"


Narrator: Amelie still seeks solitude. She amuses herself with silly questions about the world below, such as "How many people are having an orgasm right now?"


Amelie: Fifteen!

--------


Amelie: At least you'll never be a vegetable - even artichokes have hearts.


--------


Amelie: [to her father, who is not paying attention] I had two heart attacks, an abortion, did crack... while I was pregnant. Other than that, I'm fine.


---------


The Newsstand Woman: A woman without love wilts like a flower without sun.

Dang!

All i want for christmas is a wi-fi card for my laptop (para makapag-net ako sa seattle's best sa atc) at... memory stick para goodbye diskette forever na ko!


Bored na boreeeed na ako sa bahay! Ala kasi akong mucho dinero para makapag-shopping galore! Hayyy... Naffrustrate pala ako kasi di ko natanggap 'yung gusto kong christmas gift! CD lang ng Amelieeeee!!! Kakainiiiiiss! 150 pesos lang yunnnn!! Ergg... Di bale sa Sabado naman magpapamember na ako sa ACA Video! Leche! Ipapaburn ko talaga yun!! Badtriiipp!!


Anyway, buti na lang may damit at bag na ako for christmas! Yay! Kelangan na lang new slippers saka earrings! hehe.. Sa mga classmates ko, haha! Di niyo ko makikitang gurlaloooo!! Hahaha!! Utos ng mommy ko yun eh! La lang!! Haha!! Sunod naman ako!!


Special shout-out: Salamat J. for understanding mois! Sex-god u rock! Labshu!

Wednesday, December 22, 2004

Hoy hoy hoy!

Quote for the day:


"Why are trying so hard to fit in when you are born to stand out." (What a Girl Wants - Amanda Byrnes and Colin Firth)

Tuesday, December 21, 2004

Ang pasko ay sumapit! Nostalgia

Naiinis ako pag dumadating ang pasko. Hindi dahil matagal akong napabilang sa SMP o Samahan ng mga Malalamig ang Pasko kundi senyales ito ng nalalapit kong pagtanda dahil ilang araw matapos ang pasko e birthday ko na. Next year pa naman pero kahit na! Ayoko pang mag-disinuebe! Waaaahhhh! Ngayon pa na nalaman kong may re-run ang Shaider sa Channel 7!! Kainis!


Favorite namin ni kuya iyon noong bata pa kami. Sa channel 13 iyon pinapalabas kasama ng mask rider black ('yung mukhang ipis na nakasakay sa motorsiklo), bioman, voltes 5... Hay! Habang napapalapit ang birthday ko saka naman ako bumabalik sa pagkabata ko.


Masarap kasing alalahanin 'yung nakaraan. 'Yung panahon na wala kang iniisip kung paano ka makakaiwas sa hampas ng magulang mo kapag nakipag-away ka sa mga kalaro mo. Hay... Si kuya kasi dati nakipag-away dun sa kapitbahay namin dati kasi tinawag 'yung kuya kong suplado saka lampa. Pero kung makikita nila si kuya ngayon! Naku baka sila na ang ibalya.


Kung kelan pa ako tumanda saka pa ako naging hindi pala-labas ng bahay. Dati kasi, alas-7 na asa kalye pa kami. Hay.. Naalala ko tuloy dati isinasama ako ng kuya ko sa may kanto ng campupot (street malapit sa bahay namin) para magdala ng isang dangkal niyang teks at makipaglaban doon sa mga malalaking bata. O dili kaya'y nakikipaglaro kami ng tumbang preso at taguan sa mga kalaro namin na ngayo'y nasa Canada ng lahat.


Andaming mga alaala, lahat masasaya. Minsan naisip kong huwag na lang tumanda dahil kapag nadadagdagan ang bilang ng edad mo, nadadagdagan din ang mga problema mo sa buhay.


Kaya minsan, hindi ko rin maiwasan ang maging tulala at tumanaw sa nakaraan sa tuwing ako'y may problema.


Masasabi ko na lamang na ako'y bata na muli.


Masaya at walang problema.

Monday, December 20, 2004

Just for the spirit of christmas...!

This is a modified version of Destiny's Child 8 days of Christmas


[Verse 1:]
On the 8th day of Christmas my baby gave to me
a cute lil puppy named after him
On the 7th day of x-mas my baby gave to me
a boquet of flowers for everyone to see...
On the 6th day of x-mas my baby gave to me
a kiss on the lips, i'm so ha-ha-happee...
On the 5th day of x-mas my baby gave to me
a poem that he wrote for me


[Bridge:]
The the feelin' that I feel is so good
He makes me feel so in lo-lo-lo-lo-love
If he only knew what she does to me
My man, my man, my baby
Oh he makes me feel so lovely, so sexy
I'm so in lo-lo-lo-lo-love
How I love him for his generousity
My man, my man, my baby


[Chorus:]
Doesn't it feel like x-mas (it feels lovely)
Doesn't it feel like x-mas (it feels so lovely)
Doesn't it feel like x-mas (wooooooooaaaaaaahhhh)
Yes it feels like x-mas
Doesn't it feel like x-mas (it feels lovely)
Doesn't it feel like x-mas (it feels so lovely)
Doesn't it feel like x-mas (the spirit of x-mas)
Yes it feels like x-mas


[Verse 2:]
On the 4th day of x-mas my baby gave to me
a candlelit dinner just me & my honey
On the 3rd day of x-mas my baby gave to me
a trip with me and his family
On the 2nd day of x-mas my baby gave to me
a promise that he'll only love me-me-me-me
On the 1st day of x-mas my baby gave to me
quality T-I-M-E

Saturday, December 18, 2004

Oh yeah! Paparap-pap-pap... Love ko block 3!

Kakauwi ko lang from Dasma cavite! Inaantok pa ko sa totoo lang! Paano ano'ng oras akong natulog!? Alas-4 na ata ng umaga! Take note, ako at si anadel na ang pinakamaagang natulog sa mga nag-overnight! Sobrang adik 'yung mga tao kasi 5 am na ata or 6 na sila natulog! Grabe..

Christmas party kasi namin sa bahay nina April sa Dasma. Maganda 'yung place kasi una: 1. Malapit lang sa las pinas 'yun. 2. Kilala si April ng mum ko at nakapag-overnight na rin ako doon. 3. Walang tao duuunn!! Haha... Mga around 4 pm na kami nag-start kasi galing pa kaming lahat sa skul. Sadness lang kasi hindi lahat nakarating gaya nina : Kat, LeeAnn, Joyce, Enrico, Aris, Arfel, Brahman, Christine... Sayang! Ako nga dapat di pupunta kasi nung gabi 29.50 lang ung laman ng wallet ko! Paano ako uuwi sa perang 'yun?! Salamat na lang at mabait ang Diyos at pinayagan din Niya akong mag-saya!! Hehe...

Sobrang hayok na hayok kami sa pagkain pagdating kasi ba naman lahat kami di pa nagtatanghalian! Kaya nung nilabas 'yung manok, nawalan na ng control 'yung mga tao at literal na naupos ang manok hanggang buto! Putik! Mga "Refugees" nga raw ang dating namin habang kumakain kami ng spaghetti (cpurtesy of John!!) at corned beef na galing Walter Mart (Courtesy of Balbon, John, April and Anadel). Takte! Nakakatawa talaga kasi 'yung mga nagluto ng spag eh puro guys (Zain and John maraming salamat!!). At least nakakain!!

Shempre ang inuman at tagay di nawawala. Bumili kasi kami sa WalterMart ng 12 pcs Red Horse in can 4 na San Mig Light in can at 2 Cali Low cal! Aion! Dami nga ng sumobra dahil marami din kasing uuwi nung gabi eh.. Hay! Hehe.. Ano'ng oras na ba yun? Mga 2 am! Nanonood pa ata kami ni Anadel ng debate. aba 1 oras lang! bagsak kami pareho sa kama!! Hahaha! May katabi pa akong jumbotic na teddy bear (wag ka! boypren yan ni Abi Ciscar)! At syempre.. Katabi ko rin ang anakis ko na doggy doggy stuff toy courtesy of! rachel!! Hahaha!!

Kalagitnaan ng madaling-araw 'yung paa ko tumama sa buhok. Natakot ako! Sa loob-loob ko lang asian horror fest ata ako ngayong gabi! At sa aking pagkagulat! Si jeff asa paanan namin ni anadel! Amf! Tulog na tulog! Haha!! Natatawa ako sa kanya earlier kasi nagligo siya tapos lumabas ng banyo na alang shirt! Si april sumisigaw ng "Ayyy! Ayyyyyy!" Tapos with matching takbo pa! Si Zain naman, nagtakip ng mata! Sabi "Agggg!! I'm blinded! I'm blinded!" Tapos si jeff alang pakialam! Sige pa rin ng pananakot sa mga tao!!!!! Hahaha!!! Umalis din sila ng 4:20 am pauwi sa kanila. Ewan ko ba kung bakit di pa nila nilubos eh madaling-araw na din naman sila umuwi! Ang gulo!

Hmm.. Ano pa ba? Dami ko natanggap na gifts! Ung stuff toy na galing kay chel, spongebob na bag galing kay April! Anklet/bracelet galing kay jeps, At kung ano ano pang mga anik-anik! Hay... At nga pala, 'yung sketch pad, color pastels at faber castell na colored pencils galing kay gen! Nakakatawa kasi ako pa yung nagbalot ng gift ko! Hahahaha!! Weirdoooo!!

Hay.. Ang saya talaga. Pero syempre di maalis ang iyakan! Si Marvin aka Prince balbon ang huling na-hot seat at halos lahat ng tao eh napaiyak sa sinabi niya na: "Lahat isasakripisyo ko, pera... (meron pa kaso nakalimutan ko na) para sa mga ka-block ko kasi sobrang mahal ko kayong mga ka-blockmates ko" Shet! Touched ako dun ah! Balbon (Butets na pala ngayon) salamat salamat at dahil andyan ka at naging ka-block ka namen. Kala niyo, balahura man yang si butets, sobrang pagpapahalaga nian sa mga tao (asus jessa! proud girlfrienddd!! hahaha!!)

Hay naku... Dami dami pa nangyari! As in! Nariyan 'yung 5 beses akong sumigaw ng "I love you Manila!" eh di pa nga ako umiinom! Haha!! Tapos nariyan pa ang "drama" at bonding session namin ni chel (in fairness, naiyak ako dun, kaya heto ang message ko sa 'yo: "Mahal ka namin. God only knows how much we care for you. Please... Mag-isip ka." Tingan mo ko! Ay futa! No comment! Matutulog na nga lang ako!

Ay shet! Ngayon ko lang naalala... Ala ng pasokkkkk!! Hehehehehe!!! Matutulog muna ako! Sa mga ka-block ko! I love you Manila! Joke! Miss ko na kaagad kayo!

P.S. Happy happy happy burpday kay Ariel Geno Santos bukas!!!!! Anak ko sa exchange gift! (Impression ni Marvin kay Genoooooo!! Takte!!!) Haha!! Sige! Pish awt!

Thursday, December 16, 2004

Hay..

Sana kung magising ako, may katabi ako na hahawak ng kamay ko at sasabihing: "okay lang yan."

Madalas akong masabihan na gumising na raw ako sa katotohanan. Magulo talaga pero di ko pa masabi eh. Ngayong araw na 2, feeling ko sana gising na ako.

Madami akong problema.
Problema sa pera
Problema sa puso
Problema sa acads
Problema sa pamilya
Pati problema sa kung ano ang isusuot, problema pa rin.

Tang-inang mundo ng problema to o.
Buwiset.

Wednesday, December 15, 2004

Haha.. My past life!!!

You were Java Shava. You were a Brazilian woman
from the 1600's who was a renouned painter in
your village. The emperor of China was visiting
and he liked your work so much, he offered to
make you rich if you moved to China and painted
stuff for him. You didn't really like Brazil
that much, so you moved to China and soon you
were painting the emperor many times over. You
got tired of painting the emperor and his big
royal house and asked to leave. The emperor was
furious and sentanced you to death. You fell in
love with the gaurd who was looking after your
cell, and the two of you escaped together. You
moved to America and you began painting again,
including doing portraits for money. Your
boyfriend hated America and spat on the ground.
The only job he could get was digging graves.
He tried not to make a big fuss about it, and
you thought it was no big deal. Then one day
you were in the shop you'd set up to sell
portraits and paintings of people's houses, and
the emperor of China walked in. You ducked
behind the counter quickly but the emperor
looked at your paintings and recognized your
style. Your boyfriend came out and the emperor
was furious with him. He said your boyfriend
could live if he told the emperor where you
were, and your boyfriend pointed behind the
counter. You were once again taken to be put to
your death. The townspeople were so upset to
hear the news that they grabbed the emperor,
his men and your boyfriend and tied them up.
They missed their boat home and were forced to
stay in the village forever, where they became
workers who had to clean up after everybody.
You were sentanced to death again 10 years
later for supposedly stabbing your
ex-boyfriend, but really it had been the
emperor who did it. You were let off the hook
when the townspeople went crazy for your
release. You continued doing your much loved
paintings untill your death at age 100.


Who Were You In A Past Life?
brought to you by Quizilla

Sunday, December 12, 2004

Hay...

Nakatatak sa utak ko ang mga kanta ng sexbomb kaya alang post muna! Kukuwento ko next time ang nangyari sa nmat exam! Bawi na lang muli! Cge!

Saturday, December 11, 2004

Hay...

Very busy po ako kaya ala akong reply lately.. Hay!

Final na: Ang christmas party ng block three ay kina April sa dasma at hindi sa bahay namin. Sa thursday iyon at 'yung alang pasok sa friday mag-overnight! Ako? Kung papayagan ni Mommy dun din ako matutulog. At... Please, kung kilala niyo ang nakabunot sa akin sa exchange gift, ayoko ng mug, picture frame, photo album at sa lahat ng ayaw ko, ang sariling picture niyo.

Ang gusto ko ay: libro ni Paulo Coehlo (Veronika decides to die, at Elev Minutes), libro ni Mitch Alboom (Tuesdays with Morrie, at Five people you meet in heaven), cd ng Amelie Poulain (250 lang sa Astrovision) o 2 piraso ng internet card (ISP Bonanza). Worst comes to worst at wala kang pera, uhmm, basta wag lang yung mentioned above. Ang kapal ng mukha no? La lang.. Hehe..

Ay oo nga pala, Happy birthday to: Mark aka baby boy (nyak!) at kay justin (mwah!) sa december 18, sa inyong dalawa, maligayang pasko, ay mali, happy birthday pala..

O siya siya at ako eh magbibihis na. Alis pa ako. Punta ako sa ballet chuva ni Lisa Macuja. My mom got free tickets eh. Hehe..! Next tyme na lang ulit!

Monday, December 06, 2004

Hmm..

12.05.2004

I shall contain myself by watching those cute guys from "surfing the menu" in order to forget my rave.

I promise not to make any testimonial dahil sa sobrang inis. I saw this testimonial for a so-called "friend." Ayoko na lang mag-comment further dahil ala ng sense. 2 measly testimonials that I have from you, I really don't know if those are true. And of course, I really don't know if I'm still the one or someone na "hadlang."

Erg. I'm so mad. Good thing this chefs in t.v are ohh so to die for.

Be very jealous. Be verry jealous cuz I'm fancying 2 cute guys. Hehe... Be verrrryyy darn jealous panget!

Hmp!

I leave you guys with a song from Rivermaya.

214
Rivermaya

Am I real?
Do the words I speak before you
Make you feel
That the love I have for you
Will see no ending?

Well, if you look into my eyes
Then you should know
That you have nothing here to doubt
Nothing to fear
And you can lay your questions down
'Cause if you'll hold me
We can fade into the night
And you'll know

The world could die
And everything may lie
Still you shall cry
'Cause time may pass
But longer than it'll last
I'll be by your side

Take my hand
And gently close your eyes
So you could understand
That there's no greater love tonight
Than what I've for you
Well, if you feel the same way for me
Then let go

We can journey to a garden no one knows
Life is short, my darling
Tell me that you love me

So we can fade into the night
And you'll know
The world could die
And everything may lie
But you won't cry
'Cause time may pass
And everything won't last
But I'll be by your side
Forever by your side
So you won't cry

Wahahahahaha!!!!!



Friday, December 03, 2004

Advisory

Students na ang school ay nasa NCR (Metro Manila, Basta sa NCR!) all levels daw ala ulit pasok tomorrow sabi sa balita. Please! Paki-pass..

And please, let's take a moment to pray for our kababayans na nasalanta ng bagyo. I'm really worried kasi 'yung relatives ko eh taga-Infanta, Quezon. Last I heard, pinapalikas na rin sila. Buti 'yung lola ko andi2 sa amin ngayon.

Another advisory, UP Manila students, Biomas is asking your help to please donate canned goods, clothes, medicine para doon sa mga nasalanta ng bagyo. Please drop your donations sa Biomas tambayan.

Salamat.

Sa panahon ngayon, bukod sa bawal magkasakit, magtulungan tayo.

:)

Thursday, December 02, 2004

What the?

Innocent Beauty
A:

Your Beauty lies
in Innocence. Pure, sweet and child-like. You most
likely look far younger than
you are and your smile would brighten up anyone's
day. Seen as naive and
sheltered, you can be ignorant at times, but for
the most part, it's simply your
reputation preceding you. You are most likely
rather aware of the realities of
life. You are extremely good natured and
trustworthy. By the same token, you are
a bit too trusting. Be careful, few are as honest
and open as you. You might
seem girlish still with a love of dresses, ponies,
and things most might deem
you "too old for". But this doesn't
bother you. You enjoy your youth and are
going to make it last. After all you are only as
old as you feel.



Some Things
That Represent You:



Element:
Light, Wind Animal: Kitten Color:
White, Pink, Pastels Song:
Beautiful Soul by Jesse McCartney
Expression: Innocent Smile



Gemstone:
Diamond Mythological Creature: Unicorn
Planet:
Moon Hair Color: White Eye Color:
Silver



Quote: "A
stranger is just a friend you haven't met
yet."




Where Does Your Beauty Lie? ..::Original Pictures Are Back! Detailed Results::..
brought to you by Quizilla

THIS IS VERY FREAKY